Kassandra's POV
What a hassle day!
"Dom, gumising ka na!" Pang-one thousand ko nang paggising kay Dominique na ngayon ay nakahilata pa rin sa kama.
"5 minutes!" Daing lang niya. Napahilamos ako ng mukha saka siya sinakyan sa likod niya.
"Aray, aray!"
"Babangon ka o hindi ka na babangon habang-buhay?" Banta ko na dahilan para buksan niya ang mga mata niya.
Akala ko ay babangon na siya dahilan para umalis ako sa pagpapakaibabaw niya ngunit sinungkit niya lang ang cellphone niya gamit ang kamay at binuksan ito.
"Alas 8 pa lang, Pangga, oh." Reklamo niya. Binalik niya muli ang cellphone kung saan niya ito kinuha at bumalik din sa pagtulog.
Mukhang may kakatayin na ata ako, ah. (•.•<)
"Dominique naman! Baka mahuli tayo sa concert, magbe-brake na talaga tayo-" hindi ko pa natapos ang pagsasalita nang tumayo siya at nag-inat-inat.
Luh?
"Maliligo na ako, Kass. Magready ka na!" Masayang wika pa niya at pumunta na sa banyo para maligo habang iniwan niya akong mag-isa rito sa kama na gulat.
Tsk, 'yun lang naman pala ang dapat sabihin, eh.
Napatawa lang ako sa ginawa niya saka ko kinuha ang telepono upang mag-order ng almusal namin mula sa hotel na pinasukan namin kagabi. Nag-order lang ako ng dalawang omelet rice at coke tsaka tubig bilang panulak namin.
Kagabi, hinatid kami nina Nanay at Papa sa airport pabalik dito sa Manila. Dahil gabi na ay hindi na lang muna kami umuwi sa mga condo namin at napagdesisyunang maghotel na lang dahil baka matagalan pa kami dulot ng traffic. Sa hotel na malapit lang sa MOA kami nagcheck-in para madali lang sana kaso fully booked na lahat kaya heto, medyo malayo-layo kami.
Binilhan niya na rin pala ako ng ticket ng eroplano patungo rito tsaka siya rin nagbook ng isang kwarto rito kaya madali lang kami nakapagpahinga matapos ang biyahe.
"30 minutes pa raw ang hihintayin bago dumating ang pagkain na inorder ko." Wika ko nang lumabas na siya sa banyo.
Nakatuwalya lang ang pang-ibabang bahagi ng katawan niya habang ginagamit ang isang medyo maliit na tuwalya na pangpunas niya sa buhok at mukha niya. Napaiwas na lang bigla ako ng tingin nang makita ko ang pagngisi niya sa akin.
Naku! Ibaba na naman nasa utak nito.
"Ano ba inorder mo?" Tanong niya.
"Omelet rice."
"Ba't ka pa umorder ng itlog, eh, meron-"
"Bye, maliligo na rin ako. Bahala ka na jan." Mabilis kong sagot saka kinuha ang sarili kong tuwalya at pumasok sa banyo para maligo. Napatitig pa ako sa hitsura ko sa salamin na pulang-pula na.
Kailan ba titino si Dominique!
-
"Kasalanan mo talaga 'to, Langga. Tagal mo maglakad!" Reklamo ko habang nakaupo sa passenger's seat ng sasakyanan niya't na stuck na kami sa traffic.
"Oh? Kasalanan ko na naman?"
"Opo."
"Ba't ako, eh, ako ba 'yung tumae na halos isang oras?" Kaagad ko siyang pinanliitan ng mga mata sa sinabi niya na siya namang pagpeace sign niya.
"Park mo na lang doon oh, tatakbuhin na lang natin ang MOA." Suhestyon ko na siyang sinang-anuyanan niya.
Nang makalabas na ang kotse namin ay pinark kaagad ito ni Dominique sa gilid saka na kami nagkabaliw sa kakatakbo. Putcha! Ke-layo pala nito.
BINABASA MO ANG
My Ugly Little Ehu Girl
Ficção AdolescenteNangarap ka na bang magkaroon ng prince charming? Well, si Kassandra Ylores din. Simpleng dalagang namumuhay at binabagabag nang naglalagablab na nakaraan. Kwento ng isang babaeng nilamon ng nakakapasong pilat na nagmula sa isang nagsisilab na nakar...