Chapter 31: Bwesita

616 36 0
                                    

Dominique's POV

Gabi na't kakauwi ko lang galing sa shop na pinuntahan namin nina Kassandra at Nathan.

"Kuya naman eh, parang tanga." Pamaktol na sigaw ni Mccoy habang bumababa sa hagdanan.

"Ano na naman?" Muli kong ibinalik ang atensyon sa pagscro-scroll sa newsfeed ko.

"Nagtext na naman si Kassandra, anong oras daw 'yung event bukas." Kumawala ako ng buntong-hininga.

"Basta bukas." Pagpipigil ko ng tawa habang nakatitig pa rin sa sariling cellphone.

Umupo ito sa tabi ko saka siya napapikit ng mga mata't nagsalita.

"Kuya, please lang, nanonood ako ng k-drama at panay text si Kassandra. Kayo kaya magtext dalawa, hindi naman ako human messenger eh." Iritadong saad nito.

"Wala akong load."

"Kuya!" Napa-hilamos siya ng mukha. Naiirita pa itong tumitig sa akin.

"Wala kang load pero nakakakita ka ng picture sa facebook?" Napatitig na rin ako sa kaniya dahil sa katagang binitawan niya.

"Malamang may wifi tayo." Mapanuya kong saad.

"Ewan ko na talaga sayo kuya, bahala na kayo." Ani niya't naglakad patungo sa k'warto niya.

Bahagya akong napatawa sa inasal nito at muling napatingin sa screen ng cellphone nang bigla itong tumunog.

Ate Browny

Ate Browny:
Hi, Dom.

Pwede mo nang kunin ang dress dito.

Dominique:
Okay Ate, papunta na po ako.


-Sent-

Si Ate Browny ang nag-style ng dress na susuotin ni Kassandra para sa event bukas. Kakasukat lang namin kaninang hapon pero natapos na kaagad ni Ate. Kaya gustong-gusto ko siyang mag desinyo eh, mabilis ang kamay.

Malay ko ba kung bakit 'Browny' pangalan niya eh 'di ko naman alam kung may lahi siyang aso.

"Alis muna ako, Mccoy!" Sigaw ko upang marinig ako ni Mccoy.

Para magkamalay rin siya na siya na muna mag-isa rito sa bahay at aalis ako. Wala rin si Mommy La dahil nasa bahay siya ng mga amiga niya't naglalaro ng TongIts.

"Bahala ka!" Sigaw pabalik ng baliw. Marahan kasing naka-bukas ang pinto nito kaya siyempre maririnig niya talaga ako.

Dumeritso muna ako sa kusina upang kunin ang susi ng kotse at ang isang kulay lilang tumbler mula sa loob ng ref. Napangiti ako nang makuha ko na ito. Ako kaya ang gumawa ng inumin na 'to.

Lumabas na ako sa bahay saka nagsimulang bumiyahe patungo sa shop upang kunin ang dress.

-

"Hijo, ito juice inom ka muna." Nakangiting saad ni Tita Marites sa 'kin habang binababa ang hawak na baso ng juice.

Orange juice ito base sa kulay ng juice, kulay pink.

Joke.

"S-Salamat po."

Nandito ako sa bahay nina Kassandra, para sana i-abot lang ang susuotin niya pero mukhang gising pa rin ang mga kasama niya rito at pinapasok na lang ako.

"Nga pala, aalis muna ako at kailangan ko pang sundan si Pancho sa tindahan namin. Tutulungan ko lang sa pagligpit." Pagpapaalam ni Tita Marites saka ako tumango.

My Ugly Little Ehu GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon