Chapter 48: Bonding

571 36 0
                                    

Kassandra's POV

"Pose ka pangga dali!" Nakangiting utos sa akin ni Budoy saka naman ako nagposing ng finger hearts at kaagad din niya akong kinunan ng litrato gamit ang DSLR cam na hawak niya.

"Patingin!" Nagmamadali akong tumakbo sa tabi niya at tinignan ang lirato. Ang galing niya pa lang kumuha ng litrato.

"Galing ah!" Manghang wika ko.

"Pwede ka ng maging maniniyot." Natigilan siya sa sinabi ko na may pagkabiglang ekspresyon sa mukha.

"A-Anong sabi mo?"

"Maniniyot."

"Inulit mo pa talaga, labs." Nagtatakang sabi niya.

Aba, baliw pala 'tong lalaki 'to.

"Sabi mo 'ano' kaya sinabi ko malamang." Bulyaw ko.

"Joke, akala ko kase ano nang sinabi mo." Ani niya saka ako niyakap at tinadtad ng halik sa noo.

Sa loob ng dalawang linggo naming pagsasama simula noong sinagot ko siya ay ganito na ang ginagawa niya sa t'wing patungo na sa awayan ang usapan namin.

"Isa pa nga, pose ka roon malapit sa dagat, tapos magpakalunod ka." Ani niya saka ko siya pinanliitan ng mga mata.

Nagpeace sign lang ang siraulo at tumatawa. Pumunta ako sa tabing-dagat saka nagpose, this time naka peace sign na ako at nakangiti.

Tatlo lang kase pose ko eh, naka-thumbs up, naka-finger heart, at siyempre ang paborito ko sa lahat ang naka-peace sign.

"Okay, ready huh." Cue niya sa akin.

"I...love...you...click!" Lalong lumawak ang ngiti ko dahil sa halip na one, two, three, ay I love you ang sinabi niya.

"Grabe, ang ganda talaga eh." Kagat-labi akong tumakbo kay Budoy saka siya niyakap at isiniksik ang mukha sa leeg niya.

"Kainis ka, kinikilig na ako."

"Bakit? Totoo naman ah." Sagot niya saka ako niyakap pabalik.

Nagharutan pa kami bago namin naisipang magtampisaw sa beach. Maganda pa naman ang klima dahil hindi masyadong maaraw tsaka kalmado ang tubig.

Nasa Boracay pala kami, palagi kase akong iniimbitahan ni Budoy sa kung saan-saan para raw ma-refresh ako mula sa nangyari noon.

Alam niya ang lahat. Sinabi ko. Medyo nainis siya pero habang kinukwento ko lahat ng iyon, ewan ko kung sincere ba siya o baliw dahil mas malakas pa ang pag-iyak niya kumpara sa 'kin kaya ang ending, puro tawa lang ako habang nagku-kwento.

"Kassandra! Sandali lang!" Sigaw niya nang naitulak ko siya dahilan para madausdos siya sa tubig at nakainom.

Tawang-tawa ako habang tumatakbo. Hanggang hita lang muna ang pinuntahan namin. Trip ko pa siyang awayin, hehex!

"Kapag ikaw nahuli ko, ewan ko na lang talaga!" Gigil niyang wika saka mas binilisan ang pagtakbo.

"Ay!" Daing ko nang may natapakan ako at nadausdos sa tubig.

"Huli ka ngayon!" Sigaw pa niya saka ako dinaganan sa tubig.

Kaya sabay kaming nakainom ng tubig! -,-

"Siraulo!" Paghampas ko sa bisig niya.

"Okay ka lang? Ikaw naman kase eh." Nag-aalala niyang wika.

"Okay lang ako, I love you." Nagulat bigla si Budoy sa sinabi ko.

"U-Ulitin mo nga." Ipinulupot niya ang mga kamay niya sa bewang ko. Ipinulupot ko rin ang mga braso sa leeg niya.

"Sabi ko, I love you, langga." Pag-uulit ko.

My Ugly Little Ehu GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon