Chapter 40: Basketball

543 35 1
                                    

Kassandra's POV

Dalawang linggo na ang nakalipas simula nung aksidente at okay na ang lahat ngayon.

"Babalik lang kami, sandali lang." Wika nina Brian at Brial saka patakbong umalis. Hindi man lang pinakinggan kong sasang-ayon ba kami o hindi.

"Tsk, pupunta 'yun kina Adeline at Edeline." Asik ni Axel saka humigop ng juice sa hawak nitong supot.

Napangisi naman ako at si Dominique. Kami lang tatlo ang narito sa labas ng gate ng campus. Hinihintay pa kase namin ang pagdating ni Nathan dahil nasali nga si Nathan sa basketball team at may laro sila ngayon. Kalaban nila ang team ng ibang school.

Bago pa man ang araw na ito ay lumipat na sina Axel, Clixto, Brian at Brial dito sa school namin para sumali sa basketball. Pero hindi kami naniwala dahil alam naming lumipat lang ng school ang kambal sa banda dahil sa panliligaw nila kina Adeline at Edeline. Tsk.

"Tagal naman ni Nathan." Saad ni Clixto na kakarating lang.

Nakasuot na sila ngayon ng varsity t-shirt ng school. Maya-maya lang ay dapat nandito na si Nathan kasw magsisimula na ang game.

"Tinawagan ko na pero paparating na raw siya, na traffic lang." Tumango naman kaming tatlo sa sinabi ni Dominique.

"Pumasok na muna tayo, ang init na rito eh." Bulalas ni Axel. Sumang-ayon naman kami at akmang aalis na nang biglang may sumigaw mula sa likuran namin dahilan para mapukaw ang aming atensyon.

"My Dominique!" Isang babaeng ang sumigaw. Pamilyar din ang mukha niya sa akin.

Sa'n ko ba 'to nakita?

"F-Freya." Anang Dominique.

Magkakilala sila?

Bigla namang yumakap ang babae at lumambitin sa leeg ni Dominique. Napaiwas naman ako nang tingin nang magtama ang tingin namin ni Dom.

Tsk. PDA sila masyado.

Ano matapos siyang makipagchukchakan kay Diana, bago na naman?

Pero bakit ba ako nakikialam 'di ba?

"Nagseselos ka kase." Anang isip ko.

No! A big letter N and O, NO!

"Freya, bakit ka nandito?" Nagtatakang tanong ni Dominique.

Tsk, tinatanong pa eh, siyempre makikipaglandian sayo.

"Nah, I just miss my baby. It's been a long time, right?" Malanding wika niya. Sus.

Alagad ba 'to ng higad.

"Oh?" Takang tanong ko kay Axel nang sikuhin niya ako.

"Sa pagkakaalam ko walang silang relasyon kaya easy ja lang." Anang Axel na may nakalolokong ngisi sabay sipsip muli ng orange juice niyang nasa supot.

"H-Hindi ko naman tinatanong kung ano ang mayroon sa kanila." Inirapan ko siya.

"Huwag ka kaseng magselos." Bulong pa niya. At muli pa ngang ngumisi.

Muli ko siyang inirapan at umiiling. "Bahala ka nga." Ani ko at akmang lalakad nang magsalita ang babae. Nakakabwesit siya, alam ba niya 'yun?

"Hey, you are the ugly girl in Baguio, right?" Tanong niya habang nakaturo sa akin.

Napadako ang tingin ko kina Axel, Clixto at Dom. Nakakunot ang noo nila habang nakatingin kay Freya kuno.

Oh yeah! Okay kilala ko na siya. -,-

"O-Oo, bakit?" Tanong ko.

Tsk, akala ko pa na bumili na siya ng manners. Wala pa rin pala.

"You know her?" Tanong ni Dom.

My Ugly Little Ehu GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon