Chapter 60: Sorry

592 37 4
                                    

Kassandra's POV

Kakauwi ko lang mula sa bahay nila Dominique.

AHHHHHHHHH!

Napapikit ako ng mata habang nakahiga sa kama saka inalala ang nangyari kagabi.

-

Nakakahiya 'yung ginawa ko pero, ba't ko ba naisipang magpakalunod! Kusa na lang naglakad ang mga paa ko't napansin na nasa gitna na pala ako ng tulay at kaunting galaw na lang ay mahuhulog na ako.

Aalis na sana ako mula sa pagkakaupo rito nang bigla akong nawalan ng balanse at akmang mahuhulog nang may humawak sa kamay ko at nagmamadaling pinatayo ako palayo sa laylayan ng tulay.

"Hija, hindi tama ang gagawin mo. 'Wag kang sumuko sa laban, kaya mo 'to. Kakayanin mo." Ani ng matandang babae na may hawak na itim na payong saka nagmamadaling umalis mula sa harap ko.

Napakurap-kurap ako nang mapagtanto ang nangyari. Natatakot man at kinakahaban ay pumara ako ng taxi pero walang nagpapasakay sa akin dahil baka raw mabasa ko ang upuan nila kaya't naisip ko na lang na maglakad.

Malayo-layo pa ang condo ko mula rito at naalalang malapit lang dito ang bahay nina Dominique kaya roon na ako dumeritso. Kinapalan ko na ang mukha ko at sunod-sunod na nagdoor bell pero mukhang walang tao kaya aalis na sana ako nang bigla itong bumukas at iniharap sa akin si Dominique.

Wala sa sarili ko siyang niyakap at itinuloy ang pag-iyak hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog ako.

-

Binuksan ko ang mga mata saka napatitig sa kisame. Ang sama ko na ba?

Umuwi kaagad ako dahil alam kong napapansin niya ang problemang pasan ko. Gusto kong magvent-out pero 'wag na lang muna dahil alam kong may problema rin siya. Ayaw ko ng dagdagan pa.

Gusto kong humingi na ng tawad sa kaniya pero wala akong lakas para gawin 'yun. Gusto kong ayusin ang relasyon namin, pati ng Nanay ko pero takot ako, wala akong kwenta.

Ngayon, gusto ko lang makita ang kahit na anong sign. Sign para ituloy ko ang buhay ko at ayusin ito.

Mahirap ang buhay, maraming pagsubok ang kailangang lampasan at kailangan mo lang ng lakas- lakas para magawa ang lahat ng tama at ituloy ang buhay na gusto mong makuha.

Napaupo ako sa kama nang tumunog ang cellphone ko. Nakita ko sa screen ang napakaraming missed calls mula sa isang unknown number, same number ito pero dahil wala ako sa mood ay sinagot ko ito.

"Thank God at sinagot mo, Dai."

Ang kaninang mabibigat na talukap sa mata na nais ng matulog ay namilog na't nakatulala dahil sa gulat. Inaasahan ko talagang tatawag siya pero paano niya nakuha ang number ko?

"O-Oh, ikaw pala, Dom." Mariin pa akong tumikhin dahil marahang tumahimik ang kabilang linya.

"Uhm, gusto ko lang malaman ang lagay mo?" Bakas sa tono ng pananalita niya ang pag-aalinlangan na siyang ikinakunot ng noo ko.

"Lagay? Wa man koy lagay, ba-e man ko?" Tanong ko sa wika ng Bisaya.

Alam ko namang ang 'lagay' sa Tagalog ay parang kondisyon o pakiramdam, pero sa Bisaya ang 'lagay' ay tumutukoy sa ari- ng lalaki.

"Sira, seryoso ako. Kumusta? Hindi ka na siguro nag-iisip ng mga- you know." Sa hindi inaasahan ay napangiti ako sa sinabi niya saka muling humiga sa kama.

"Okay lang. Ikaw, kumusta na?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Okay lang din ako, kaya 'wag mo ng ibahin ang usapan. Please Kassandra, alam kong may mga problema ka and alam kong ayaw mo lang sabihin sa akin so please, kausapan mo ako." Puno ng sinseridad niyang wika.

My Ugly Little Ehu GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon