Chapter 47: Lover

614 34 1
                                    

Kassandra's POV

Alas 5 na ng hapon.

Kinakabahan ako, kanina pa sana ako pumunta pero hindi ko magawa dahil kinakabahan talaga ako.

"U-Una na ho ako, Nay." Ngiti at tango lang ang response ni Nanay sa akin.

Okay! This is it pansit!

Pumara ako ng taxi para sakyan. Makalipas lang ang ilang minuto ay nandito na ako. Nasa harap na ako ng bahay nila. Nakasuot lang ako ng isang over the knee na violet dress at puting sneakers, wala akong sandals eh.

Huminga ako nang malalim habang nakapikit. Nag-iipon ng lakas ng loob bago nagsimulang yumapak papasok. Gosh!

Isang buwan kaming hindi nagkita tapos ngayon? Ahhhhhh!

Nakita kong nakaawang ang pintuan kaya pumasok na ako. Kunot-noo kong pinasadhan ng tingin ang buong paligid dahil puro mga ilaw mula sa nakatirik na kandila lang ang nagbibigay ng liwanag dito. Hindi ko alam pero ang romantic ng pagkakalagay ng kandila lalo pa sa isa na nakatayo sa gitna ng bilog na lamesa na may dalawang upuan lang.

"Kassandra?" Napatitig ako sa lalaking nagsalita. Nakasuot lang siya ng puting sando na may bumabakat na mga muscles niya dahil pinagpapawisan siya.

"Hi, Budoy!" Nakangiti kong wika saka biglang nakadama ng sobrang-sobrang saya.

"Kass!" Gulat na wika niya saka siya tumakbo saka ako niyakap. Hindi na ako nagprotesta at niyakao ko rin siya pabalik.

Bakit ba ang bango niya kahit pinagpapawisan?

Sa ilang segundong pagyayakapan namin ay tuluyan nang kumawala ang mga luha sa mga mata ko, hindi dahil sa lungkot kundi sa saya. Marahan niya akong inilayo saka namamanghang napatitig sa akin.

"Seryoso ba 'to? Nandito ka? Hindi ako nanaginip?" Sunod-sunod na wika niya.

"Kung panaginip ito, please Lord, 'wag mo na po akong gisingin." Ani pa niya saka tumingin sa taas bago ako niyakap muli.

"Sira ka talaga. Pero totoo, namiss kita ng sobra." Ani ko saka pinahid ang luha mula sa mukha ko.

"Namiss din kita ng sobra, sobrang-sobra. 'Wag kang umiyak, please." Marahan niyang pinahid ang luha mula sa kanang pisnge ko gamit ang hinlalaki niya.

Mabilis kong kinurot ang magkabila niyang pisnge at natawa sa hugis ng mukha niya.

Nagkwentuhan at nagtawanan pa kami sa ganoong posisyon nang mapagpasyahan niyang maupo ako. Napansin kong may camera sa harap namin, sabi niya ay proof daw ito at recording para maipakita kay Mommy La na naglilinis talaga siya.

Hindi pa rin siya nagbabago.

"Grabe, pinaghandaan mo ba ito? Candle light dinner ba ito? Ang sweet naman." Umupo ako sa isang upuan na may kaharap na mesang naisabi ko kanina.

May dalawang plato rito na nakatakip, pinaghandaan niya talaga?

"Wait, kukuha muna ako ng pamunas." Umalis ito bigla saka pumasok sa kusina at kaagad ring bumalik.

"Teka, ano nga ulit ang kukunin ko?" Takang tanong nito.

"Pamunas."

"Anong pupunasin ko?"

"Aba malay ko sa iyo." Natawa ako sa kaniya.

"Huwag na nga lang."

"Alam mo, hindi lang tayo nagkita ng isang buwan, naging makalilimutin ka na." Natatawa kong wika.

"K-Kaya nga." Sumeryoso siya.

"Teka, joke lang." Ani ko saka siya ngumiti.

"Anyways, kakain muna-" nawala ang ngiti ko nang mabuksan ko ang mga platong nakatakip.

My Ugly Little Ehu GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon