Kassandra's POV
Naka-upo ako ngayon sa dulong bahagi ng rooftop kung saan naka-duyan ang mga paa namin sa ibaba ni Nathan.
Yes, mga madamé at mga sir. Ang nag-iisang Nathan Vargas ang kasama ko at tahimik lang ako dahil hindi pa rin ako maka-move on kanina na halos magpalamon na lang ako sa lupa sa sobrang hiya. Shocks!
-
Nakayakap ako sa lalaking muntik nang kitilin ang buhay niya. Naramdaman ko na lang ang dalawang brasong unti-unting pumulupot sa bewang ko at kasabay nun ang iilang mga butil ng likidong tumutulo sa balikat ko.
Itinaas ko ang kanang kamay habang nakayakap pa rin sa lalaki pero hindi naman umuulan kaya napakunot ako ng noo at unti-unting itinaas ang tingin.
Mariin kong naitulak ang lalaki dahil sa gulat at nagmamadaling tinakpan ang mukha gamit ang dal'wang kamay pero pilit kong inihiwalay ang tig-da-dalawang daliri dahilan para mapagitna ang mga mata ko at masilip ko pa rin ang lalaking niyakap ko na ngayo'y pinupunasan na ang mga luha sa mga mata.
S-Si Nathan.
-
Muli kong tinakpan ang mukha gamit ang dalawang kamay nang maalala ko uli ang nangyari kanina.
"Okay ka lang?" Napa-ayos naman ako ng upo at napa-yuko.
"Okay lang ako." Ngumiti ako sa kaniya at nag-thumbs up.
Pumagitan muli ang katahimikan sa aming dalawa.
"Sorry-"
"Sorry-" Sabay kaming napa-iwas ng tingin nang nagkasabay kami sa pagbigkas ng salitang iyon at kasabay din nun ang pagtitigan namin.
Naramdaman ko na lang ang pagtaas ng dugo ko sa mukha ko. Nagmumukha na akong kamatis nito huhu.
Feel ko tuloy may dumaang UFO sa pagitan namin dahil tumahimik na naman kaming dalawa. Ang awkward nito pramis.
(._. ")7
Tanungin ko na lang kaya siya?
Tama!
"Bakit ka nga pala nandito-"
"Bakit ka nga pala nandito-" Muli kaming nag-iwas ng tingin.
Nababasa niya ba ang utak ko? Kase sa t'wing magsasalita ako, magsasalita din siya at ang nakaka-inis pa ay pareho kami ng sasabihin. Waaaah.
Pero kailangan kong basagin ang katahimikang ito, nakakabingi na hehehe.
"Kass-"
"Nathan-"
And another chapter of iwasan ng tingin na naman. Huhubels, kailan pa kaya kami mag-uusap ng tuwid nito?
"I-Ikaw na mauna," narinig kong bulong niya dahilan para mapalingon ako sa pwesto niya at nakita siyang nakatingin sa malayo.
Wheew, buti na lang at hindi ko naisip na paunahin siya. hehehehe.
"Ano'ng sasabihin ko?" Kunot-noong tanong ko sa kaniya at nakita ko kung paano siya napangiti ng slight lang nemern.
"Ikaw bahala," wika niya habang nakayuko.
"Ikaw bahala, oh, ayan tapos na ako, ikaw naman," sambit ko na dahilan para mapatawa siya ng mariin.
Jusmaryusep, nasaniban ba ng alien ang utak nito at panay ang ngiti kung hindi naman ngiti, tawa. Ay, ewan.
"May tanong ako," si Nathan.
"Ano 'yun?" Tanong ko at napalingon siya sa akin dahilan para magkatitigan kami.
Walang anu-ano'y may naramdaman akong kakaiba, bumibilis nang bumibilis ang tibok ng puso ko, nagsisimula na ring magtalunan ang mga tipaklong sa tiyan ko at may nararamdaman akong awa habang nakatitig sa mata ni Nathan.
BINABASA MO ANG
My Ugly Little Ehu Girl
Ficção AdolescenteNangarap ka na bang magkaroon ng prince charming? Well, si Kassandra Ylores din. Simpleng dalagang namumuhay at binabagabag nang naglalagablab na nakaraan. Kwento ng isang babaeng nilamon ng nakakapasong pilat na nagmula sa isang nagsisilab na nakar...