Kassandra's POV
Nang dahil sa matinis na tilaok ng manok ay nagising ako. Hindi na ako nag-alangan pang bumangon at gawin ang mga nararapat na gawain.
"Ang aga mo ata ngayon, hija?" tanong ni Tita Marites sa akin pagkababa ko habang abala ang mga kamay nito sa pagma-marinate ng mga lulutuing sangkap mamaya sa ihawan.
"May bibilhin lang ho ako, kung dadating si Mccoy pakisabi nauna na ako at huwag mong sasabihing may binili ako," wika ko at pilit na sinusuot ang sapatos.
"Si Tito Pancho po?" tanong ko.
"Nauna na sa ihawan at mukhang magiging busy na naman mamaya dahil sa daming mga reserved orders." Masayang wika ni Tita Marites.
"Naku! Mukhang masikip na ang sapatos na 'yan hija," mulang wika ng aking tita.
"Gusto mo bang bilhan ka namin ng bago-" Hindi na ito natapos pa sa sasabihin nang sumingit ako.
"Tita Marites, okay lang po ako." Nang maisuot ko na ang sapatos ay mabilis akong lumapit kay Tita Marites na ngayo'y nakatitig lang sa akin.
"Basta 'yung inihabilin ko tita ha, tsaka pakisabi na lang din na nagkita na lang kami sa tambayan," dagdag ko pa.
"Naku, ke-dami-dami naman ng habilin mo hija at daig mo pa ang isang ina," wika ni Tita Marites at sabay kaming napatawa.
Kinuha ko ang baon na inihanda niya at inilagay iyon sa loob ng bag bago ko ito isinukbit sa balikat at humalik muna sa pisnge ni Tita Marites bago ako tuluyang lumisan sa bahay.
"Bye for now, Tita!" Sigaw ko pa.
"Ingat!" Sigaw naman pabalik ni Tita.
Sa pag-alis ko ay doon na ako nakahinga ng maluwag. Buti na lang talaga nakaalis na ako mahirap na baka magpilit si Tita Marites na bilhan ako ng sapatos eh, nakakahiya nang mag-request.
Nilakad ko lang ang daanan kase wala masyadong traysikel o mga jeepney man lang na bumabyahi. Sobrang aga ko naman talaga ngayon no. Makalipas ang ilang minutong paglalakad ay napagpasyahan kong tumakbo para mapabilis. Usad-pagong pa naman ako kung maglakad.
Sa paglalakad ko ay 'di ko maiiwasang mapadaan sa ihawan nina Tita Marites at Tito Pancho. Mula sa malayo ay naaninag ko na kaagad si Tito Pancho na abala sa pag-ayos ng mga gamit gaya ng mga mesa, upuan at iba pang kasangkapan.
"Tito!" Pagbati ko rito at ganun na lang ang pagkagulat niya dahil nakatalikod ito sa 'kin nang sumigaw ako.
"Aba't, ke-aga-aga ay sumisigaw ka na. May pamangkin ba akong manok?" Sabay kaming napatawa ni Tito Pancho dahil sa biro nito.
"Pero seryoso, bakit ang aga mo ngayon?"
"May bibilhin lang po ako sa ukayan." Itinuro ko kay Tito Pancho ang ukayan na tinutukoy ko na ilang dangkal lang ang layo mula sa ihawan na kinatatayuan namin.
"Aba, kina Aling Bebang ba kamo?" Tumango na lang ako bilang tugon.
"O, siya sige na at baka maubusan ka may pa freebies pa naman sila sa bawat damit na bibilhin mo dahil grand opening daw nila." Napahagik-ik muli kami ni Tito Pancho.
"Sige na ho Tito Pancho, mauna na ako," pagpapaalam ko at magmano pa ako bago umalis.
Ilang hakbang na lang at makakadating na ako sa ukay-ukayan. Bagong bukas kase sila at narinig ko sa iilang kapit-bahay namin ang tungkol sa ukay-ukayan ni Aling Bebang na 'di lang magaganda kundi mga mura pa ang tinda. Aba, walang takas sa 'kin 'to lalo pa't dakilang chismosa ako.
'Bebembang's Ukay-Ukayan, Okay?'
Iyan ang nakasulat sa taas ng ukay-ukayan. Gara ng 'BEBEMBANG' parang pang-Korean lang ang peg.
BINABASA MO ANG
My Ugly Little Ehu Girl
Roman pour AdolescentsNangarap ka na bang magkaroon ng prince charming? Well, si Kassandra Ylores din. Simpleng dalagang namumuhay at binabagabag nang naglalagablab na nakaraan. Kwento ng isang babaeng nilamon ng nakakapasong pilat na nagmula sa isang nagsisilab na nakar...