Kassandra's POV
Month has passed.
Puro self love lang ginagawa ko sa sarili at ang mas maganda ay nagtagumpay ako. Sa t'wing naiisip o naaalala ko si Nathan ay hindi na ako masyadong nasasaktan.
Ewan ko ba pero sa loob lang ng isang buwan ay nawala na agad ang bigat at sakit sa puso ko. Marahil ay dahil iyon sa mga taong palaging nagaalala at tumutulong sa akin. Speaking of them, nasa hospital ako kung saan naroroon si Nanay.
Hindi na ako umuuwi minsan sa bahay nina Tita Marites dahil wala rin akong matutulugan, ayaw kong matulog sa kuwarto dahil punong-puno iyon ng mga poster na nakapagpapaalala sa akin kay Nathan, naintindihan din naman nila ito.
Hindi ko na rin ginagamit ang cellphone ko pati ang mga social media sites dahil gusto ko munang mapag-isa, ginagamit ko lang ito kapag tatawag o kakamustahin ko sina Tita at Tito.
Naintindihan naman ng lahat ang sitwasyon ko, pati mga kaibigan ko maging si Dominique. Napangiti ako nang maalala ko siya. Siya ang taong naghatid sa akin sa araw na nabroken-hearted. Binilhan pa nga niya ako ng mga pagkain para raw mapatahan ako.
"K-Kass..." nabalik ako sa ulirat nang tawagin ako ni Nanay.
"Opo?" Tanong ko rito habang nasa garden kami at nagpapahangin.
"U-Uwi..." ani nito na naintindihan ko naman. Gusto na niyang bumalik sa kuwarto na siyang ginawa ko.
Pasko na ngayon. December 25, at ito na ata ang pinakamasayang pasko ko dahil gumagaling na talaga si Nanay. Sina Tita at Tito ay nasa Boracay naman at nagbabakasyon. Inanyayahan pa nila akong sumama pero magalang akong humindi dahil kailangan kong asikasuhin si Nanay at para rin makapagbonding silang pamilya.
Sa loob nang pamamalagi ko rito ay wala na akong nakikitang sampaguita. Masaya ako roon, kung sino man ang nagbibigay nun, kakaiba ang kutob ko.
"Nay, ihihiga na kita ah-" natigil ako nang makita ang bagong-bagong pitas na sampaguita sa side table.
Inihiga ko muna si Nanay bago ko ito kinuha. Napatitig ako sa orasan. Sampung minuto lang kami nawala ni Nanay at nandito na kaagad ito. Iba na talaga ang kutob ko, sa tingin ko ay nandito lang sa hospital ang nagbibigay nito. Kamakailan din ay may nagbigay di umano nang full support fund sa Nanay ko dahilan para mas madali na itong gumagaling.
Umiling-iling ako saka itinuon ang atensyon sa pinto nang bumukas ito.
"Kassandra?" Tanong ng nurse nang makapasok ito.
"Opo, 'Te Fe?" Ani ko sabay tapon ng sampaguita sa basurahan.
"May bulaklak ka na naman, hija." Magiliw na wika nito saka iniabot sa akin ang bouquet ng bulaklak na paborito ko at isang kahon.
Kaagad na gumihit ng matamis na ngiti ang mga labi ko. "Salamat po."
Tumango ito nang maibigay na niya sa akin ang bulaklak saka nagfinger hearts na animo'y nanunukso.
Nang makaalis na siya ay dali-dali akong umupo sa isang upuan na may kaharap na mesa. Dahan-dahan kong inilapag ang lahat saka binuksan ang note sa bulaklak. Tahimik lang ako dahil nakatulog na kaagad si Nanay.
"A beautiful flower, for a lady like you. Merry christmas, mademoiselle!😍😍😍"
- BudoyTuluyan na nga akong napapikit saka nagtitili nang walang boses habang tinatakpan ang mukha nang mabasa ko ang note, marami rin itong emoji na may mga puso sa mata. Noon ako ang gumagawa nito, ngayon si Dominique na.
Simula noong nasaktan ako hindi pa rin tumigil si Dominique sa panliligaw sa akin, ginagawa niya ito hindi lang daw para makuha ang puso ko kundi para pagaanin din ang bigat sa loob ko. Ang sweet niya!☹❤
Mas lalo akong naexcite sa kahon kaya nagmamadali akong umalis mula sa pagkakaupo saka kinuha ang cassette player at isinaksak ang dalawang headset sa tenga ko bago bumalik sa pwesto ng mga ipinamigay niya.
Binuksan ko ang kahon saka kinuha ang isang cassette tape player bago ito ipinasok sa loob at pinlay, kinuha ko rin ang handwritten letter na bigay niya saka ito binasa.
Sumilay muli ang ngiti sa labi ko nang mapagtantong ang kantang nagro-roll ngayon ang ang kanta ni Taylor Swift na Gorgeous na kinover ni Dominique. Oo, siya ang kumakanta ngayon. Hindi niya ako nabibisita dahil ayaw ko muna ng mga istorbo sa buhay kaya ito na ngayon ang ginagawa niya para kahit malayo ay maipakita niya ang pagmamahal sa akin.
Noong nakaraan lang ay binigyan niya ako ng casstte player para hindi mawala ang connection namin, araw-araw niya akong binibigyan ng mga cover na kanta at puro kay Taylor Swift iyon, masaya ko ring binabasa ang letter niya tungkol sa pagmamahal niya sa akin at pagbati ngayong Pasko. Feel ko tuloy nasa nakaraan ako, iba ang paraan niya nang panliligaw. Tumatalon na sa tuwa ang puso ko!
Handa raw siyang gawin ang lahat, handa rin siyang maghintay para sa akin. 'Yun ang sinabi niya na ikinatuwa ko.
Sa tingin ko, handa na ako?
Handa na nga ba?
'Pupunta si Mommy La riyan, bibisita raw siya kasama si Mccoy. Kainis, 'di pa ako sinama!'
Mariin akong napatawa sa isinulat niya. Matapos kong mabasa at mapakinggan ang lahat at maingat kong inilagay ang bagong tape sa isang pink na box, punong-puno na iyon ng mga cover na kanta ni Dom. Nagligpit din ako ng mga gamit dahil may bisita pala akong dadating ngayon.
Matapos kong maglinis ay eksaktong may kumatok sa pintuan ko na may ngiti ko namang pinagbuksan.
"Mommy La!" Tili ko saka ko siya niyakap.
"Kassandra, hija!" Ani rin nito saka yumakap pabalik.
"Ah, sige, sino lang ba naman ako para isali sa group hug." Napalingon kami sa nagsalita, it's Mccoy.
"Asus, halika nga rito, pangit!" Wika ko saka ko siya niyakap. Ganoon rin siya.
"Namiss kita, bwesit." Bulong nito saka ko inilayo ang sarili mula sa kaniya nang bigla siyang umiyak.
Nagkatitigan kami ni Mommy La saka nagtawanan. Ilang oras din kaming nagkwentuhan at napadalaw lang sila dahil malapit lang dito ang bahay na pupuntahan nila. Kasama niya so Mccoy dahil ka-tong its na nila iro.
Sugarol!
"Ingat po kayo!" Wika ko saka iwinawagayway ang kamay.
Saglit na nawala ang ngiti sa labi ko nang makaalis na sila. Namiss ko ang bonding na ginagawa ko noon sa iba.
Napasok bigla sa isip ko si Dominique na wika ni Mommy La ay naiwan sa bahay nila dahil naglilinis daw ito. Tuloy-tuloy rin ang gig ng banda kahit wala ng female vocalist, gusto ko sanang sumali na eh.
Pero kung may namiss talaga ako, 'yun ay ang katarantaduhan ni Dominique.
"B-Bakit i-inde mo bi-bisita?" Dali-dali akong tumabi kay Nanay.
Narinig niya ata ang lahat, malamag kase may tenga siya, hayst.
"Nay, kailangan kitang bantayin, ok?" Hinaplos ko ang likod ng palad niya saka ngumiti.
Umiling si Nanay saka ipinatong ang kamay niya sa palad ko na kanina ay hinahaplos ko. Napatingin muli ako sa mukha niya saka siya matamis na ngumiti at tumango.
Naiintindihan ko ang nais niyang iparating.
At aaminin ko, gustong-gusto ko ito.
BINABASA MO ANG
My Ugly Little Ehu Girl
Novela JuvenilNangarap ka na bang magkaroon ng prince charming? Well, si Kassandra Ylores din. Simpleng dalagang namumuhay at binabagabag nang naglalagablab na nakaraan. Kwento ng isang babaeng nilamon ng nakakapasong pilat na nagmula sa isang nagsisilab na nakar...