Chapter 54: Meet and Greet

584 35 2
                                    

Kassandra's POV

"Letche! Tumigil ka na, pagod na akong tumakbo!" Wika ko sa pagitan ng paghinga habang tumatakbo.

"Pakinggan mo muna kase ako!" Sigaw niya habang tumatakbo rin.

Kanina pa kami tumatakbo dahil ayaw ko siyang kausapin, ayaw ko sa kaniya!

Napapalayo na kami sa mga tao at nangangatog na ang tuhod ko. Putek kase, Dom!

"Kassandra, magpapaliwanag ako! Nagmamakaawa ako, please." Sigaw pa niya pero hindi ko 'yung ininda dahil mas abala pa ako sa pagtakbo at paghawi ng mga luha sa mukha ko.

"Magpaliwanag ka sa mukha mo!" Nang makaabot kami sa may damuhan ay muli siyang nagsalita.

Hindi ba nauubusan ng enerhiya ang lalaking 'to!?

"Kassandra, I'm sorry for what I've done, and..." kumunot ang noo ko sa sinabi niya pero patuloy lang sa pagtakbo kahit mabagal na ito.

"And?"

"And for this!" Sigaw niya at akmang lilingon nang mapansin kong tumigil siya sa pagtakbo habang naka-peace sign.

Napaangat ako nang tingin at nakitang lumilipad na rito ang kaninang hawak niya na ulo ni Tinky-Winky kung kaya't huli na para ako'y umiwas. Deristong tumama ito sa ulo ko saka ako napaupo sa damuhan.

Ayaw ko na talaga! T^T

"Okay ka lang?" Rinig kong tanong niya. Tsk, nakalapit na pala ang demonyo?

"Mukha ba akong okay?" Nanunuya kong sabi saka siya napayuko.

Napadaing naman ako nang maramdaman kong mahapdi ang bandang pwetan ko. Bwesit talaga siya eh. Pinipilit kong tumayo pero hindi ko kaya dahil ang bigat talaga sa pwetan.

"Tulungan na kita." Ani pa nito at inilahad ang kamay sa harap ko.

Hindi ko ito pinansin at sa halip ay pinilit kong ipinatayo ang sarili ng mag-isa saka pinagpag ang pwetan sakaling may dumi ito saka ko siya tinitigan ng masama.

"Sige, gusto mong mag-explain 'di ba? Sige na, simulan mo." Wika ko.

Muli siyang napayuko saka humugot ng hininga. Sa totoo lang ay natatakot ako sa sasabihin niya at kinakabahan dahil baka kung ano nang iisipin ni Nathan na nakipagkita ako kay Doninique na hindi niya alam.

"Kayo na ba?" Automatikong kumunot ang noo ko sa tinanong niya.

"Bibigyan kita ng pagkakataong magpaliwanag, hindi para makialam sa buhay ko ngayon." Matigas kong sagot. Hindi siya tumitingin sa akin at tanging sa damuhan lang siya nakatitig.

"Pero, mahal mo na ba?" Muli niyang tanong saka ako napaiwas nang tingin.

Bumalik sa alaala ko tuloy ang nangyari kahapon nang gumala kami ni Nathan.

"Bakit ba may pakialam ka kung mahal ko si Nathan? Bakit jojowain mo ba siya?" Muli kong wika.

Ano ba kaseng pakialam nito.

"Kung wala ka ng maipapaliwanag, pwes, aalis na ako. Nagsasayang lang ako ng oras dito." Akmang lalakad na ako paalis nang bigla niyang hinawakan ang braso ko saka niya ako kinulong sa mga bisig niya.

Pinilit kong makawala sa yakap at nagtagumpay naman ako. Lumayo ako sa kaniya habang naiiyak siyang tumitig sa akin.

"Dom, please tama na. Ang sakit na eh." Naluluha kong wika.

"Gusto kong magpaliwanag ka kahit labag sa loob ko dahil alam kong masasaktan lang ako. Hinintay kita pero hindi ka nagpakita sa loob ng tatlong taon, tatlong taon, Dom." Tuluyan na ngang tumulo ang luha mula sa mga mata ko kasabay ng tuloy-tuloy na pagpiga sa puso ko.

My Ugly Little Ehu GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon