Kassandra's POV
3 years after...
"Thank you guys!" Wika ko saka pumapalakpak kasama ang production team.
"Thank you din po, Ms. Kassandra dahil tinanggap mo po ang imbitasyon namin." Wika ng isa saka ako napangiti.
"Walang anuman po."
Ilang oras pa kaming nagka-usal at nagsitawanan. Kakatapos lang ng photoshoot ko para sa isang cosmetics company at matagumpay ito. Its been 3 years, huh.
Ang daming nangyari simula ng pangyayari sa condo ni Demon-ique. Nagcomeback nga ang ABCD Band pero wala na ako at ang demonyo. Tanging sina Clixto, ang kambal, si Axel at Mccoy na pumalit bilang main vocal lang ang nagcomeback. Umalis kaagad ako sa banda at naintindihan din naman nila ito pati ng manager ko. Ilang buwan din ata akong nagmukmok sa kwarto at tanging pag-iyak lang ang ginawa bago ko tinanggap ang alok ng manager ko na maging soloist. And nagtagumpay nga ako, isa na ako sa mga sikat na singer soloist sa bansa.
Maraming mga promotions syempre, sunod-sunod din ang pagkapanalo ko na hindi ko inaakala mula sa bansa ng Pilipinas hanggang sa mga international country. Wala akong ibinago sa sarili, tanggap ko na ang sarili ko, mahal ko ito. May mabuting nadulot din pala ang paghihiwalay namin.
And speaking of him, wala na akong contacts sa kaniya pero nandito pa rin ang sakit na iniwan niya. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit hindi siya nagpaliwanag man lang. Dang! For 3 years na nagdaan hindi siya nagpakita o nagparamdam sa akin. Hindi ko rin siya binlock sa mga social media accounts ko pero wala pa ring demonyong nagpakita.
Nakipag-usap ako kina Mommy La at Mccoy pero hindi rin daw nila ito macontact at ang nakababahala pa ay kahit kailan, kahit isang araw ay hindi umuwi ang demonyo sa bahay nila. Galit ako oo, sobra. Pero nandito pa rin ang pagkabahala ko sa kaniya. Walang bago sa social media accounts niya at walang pakiramdam. Natatakot din ako.
Bumuntong-hinga ako. Maraming tanong, walang sagot. Paano na ako?
Umiling ako saka humilig sa sopa para magpahinga saglit. Narito na ako sa dressing room at nagpalalamig nang biglang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Tita Mel, ang manager ko.
"Tita Mel, napatawag po kayo?" Tanong ko mula sa kabilang linya.
"Hija, 'wag mong kakalimutan ang event bukas ha. Meet and greet sa isang park, okay?" Hayst, oo nga pala.
"O-Opo, magpapahinga lang po muna ako." Ani ko saka pinasagot muna si Tita Mel bago ko binaba ang tawag.
Totoo ngang nakaka-stress maging sikat. Bukas may meet and greet ako sa isang malaking park dahil naimbitahan nila akong magperform dito kase anniversary ata ng lugar na 'yun tsaka meet and greet na lang din daw.
Bumuntong-hininga ako saka ko pinikit ang mga mata ko para magpahinga. May klase pa ako mamaya.
-
"That's all for today, thank you class." Wika ng propesor saka na kami nagpaalam at lumabas sa silid.
Ay, grabe pagod na talaga ang katawan ko.
"Kass!" Napalingon ako sa sumigaw. It is the squad.
"Jeez! Mabuti naman at na-timingan ka naming makita. We miss you!" It's Adeline who hug me.
"I miss you too." Sagot ko.
"So, ano? Sanggyupsalan na?" Masayang wika ni Axel at nagtaas pa ng kamay.
"G!" Lahat sila ay nagsi-taasan din ng kamay.
"Oh no, don't tell me hindi ka na naman sasama?" Takang tanong ni Edeline.
BINABASA MO ANG
My Ugly Little Ehu Girl
Novela JuvenilNangarap ka na bang magkaroon ng prince charming? Well, si Kassandra Ylores din. Simpleng dalagang namumuhay at binabagabag nang naglalagablab na nakaraan. Kwento ng isang babaeng nilamon ng nakakapasong pilat na nagmula sa isang nagsisilab na nakar...