Chapter 65: Unexpected Marriage

802 42 4
                                    

Kassandra's POV

"Bwesit siya!" Malakas na sigaw ko saka itinapon ang puting kahon na naglalaman ng gown ko kuno na susuotin para sa kasal ni Dominique.

Tatlong araw na ang lumipas simula noong nagpropose si Dominique sa akin sa araw ng concert ni Taylor Swift pero heto ako sa sarili kong condo at mainit na mainit ang ulo.

Sino bang hindi mabwe-bwesit sa ginawa at sinabi ni Dominique sa akin kahapon?

-

"Dom, pupuntahan ko muna sina Nanay at Papa. Kakauwi lang kase nila galing Davao. Ngayon pa umuwi eh." Pagpapaalam ko kay Dominique habang hinahanda ang dala kong bag na may lamang pulbos, lip balm at cellphone.

Noong umuwi kase kami para sumali sa concert ay imbes na sumama sina Nanay at Papa ay mas ginusto nilang mauna na lang kami kase gagala at lulubusin na lang daw muna nila ang Davao. Edi wow.

"K." Simpleng tugon ni Dominique na ikinakunot ng noo ko.

Nakaupo siya ngayon sa sopa habang nakapatong ang dalawang paa niya sa coffee table na nasa harap niya. Abala rin siya sa panonood ng basketball game na dahilan para hindi niya ako lingunin.

"S-Sige." Wala akong ibang masabi at tumungo na nga sa labas ng condo upang pumara ng taxi.

Ni hindi man lang niya ako sinabihan na mag-ingat o kaya magsuggest na ihatid na lang ako. Ang cold na niya sa akin simula noong nagpropose siya. Ano na naman bang prank 'to?

Kase kung prank 'to, hindi ko na nagugustuhan.

"Baka naman pagod lang, alam mo namang naging mas busy siya matapos kayong pumunta sa concert 'di ba kase tinakbuhan niya lahat ng schedules niya para makasama ka do'n?" Wika ni Nanay habang nagsasalin ng tsaa para sa akin.

"Hindi naman dapat ganoon 'yun, Nay, eh. Kase kahit noon, kahit halos mamatay na siya lalambingin pa rin niya naman ako." Pamaktol kong wika saka sinubsob ang mukha sa mesa.

Ano ba kase ang mali?

"Baka may iba na-"

"Pa, naman eh!" Sigaw ko na para bang bata, isabay mo pa ang pagpadyak ko ng mga paa. Tumawa lang si Papa habang nagbabasa ng dyaryo sabay higop ng kapeng itinimpla ni Nanay.

"Aba'y mag-usap kayo, hija." Singit ni Nanay.

Naalala ko tuloy 'yung araw na akmang lalambingin ko siya pero nadatnan ko lang siya sa kwarto na abala sa cellphone na sinasabayan pa niya sa pagtawa. Nang nakita niya akong nakadungaw sa pinto ay mas mabilis pa sa alas kwatro niyang pinatay ang cellphone saka inilagay ito sa ilalim ng unan niya at humiga na para bang walang nangyari.

Sa totoo lang, nangangatog ang tuhod ko't kinakabahan ako sa mga mangyayari. Parang 'di ko kakayanin if ever man na totoo ang hinala ko.

"Wala ka bang tiwala sa jowa mo, hija?" Nagising ang diwa ko nang magsalita si Papa.

Napatingin ako sa kaniya at nakipagtitigan. Seryoso siya at para bang may pinapahiwatig ang kaniyang kumikinang na mga mata.

"H-Hindi ko po alam."

Hindi ko na alam.

Umiwas ako ng tingin saka bumuntong-hininga. Sana lang talaga ay mali ako ng hinala.

Sana.

Matapos kong makipag-usap kina Nanay at Papa ay umuwi na kaagad ako sa condo saka ko siya nadatnan na hawak na naman ang cellphone niya nakangiti na animo'y kinikilig.

My Ugly Little Ehu GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon