Chapter 62: Paper Rings

512 35 0
                                    

Kassandra's POV

"Umayos ka, Dominique." Nanliliit na matang pagbabanta ko sa kaniya habang abala ako sa pagdrawing sa mukha niya.

Napipilitan naman siyang ngumiti saka nagpeace sign. Nag-thumbs up ako saka muling inayos ang pagguhit sa kaniya.

Natapos na niya akong i-drawing- I mean, hindi niya ako ginuhit dahil bumili pa talaga siya ng isang canvas at doon niya ipininta ang mukha ko. Ang galing ng Langga ko! T^T

"Charan! Tapos na." Ani ko saka naman siya tumakbo patungo sa akin saka kinuha ang ginawa ko.

Pero hindi siya mukhang masaya. (-_-)7

"Stickman lang 'to, eh." Malungkot niyang wika.

Napakamot tuloy ako ng ulo saka nagsalita.

"Wala akong talent sa drawing, eh. Hayaan mo na at least ginawa ko ang best kong iguhit ka 'di ba?" Ani ko saka itinataas-baba ang magkabilang kilay.

"Sabagay." Ani niya saka ngumiti.

Yes, ngumiti na siya.

"Tara na, marami pa tayong pupuntahan." Ani nito saka ako tumango ako kinuha ang canvas na may mukha ko na iginuhit niya saka kami hawak-kamay na naglakad.

Nasa loob kami ng isang mall at parang may Art-Fair dito na pwedeng sumali magaling o hindi ka mang gumuhit at 'yun na nga ang ginawa namin ni Dominique. Hehex.

"May photo booth oh, try natin, Doy. Dali!" Wika ko saka namin iniwan sa counter ang dalang mga canvas dahil ide-deliver lang naman nila ito sa address na iniwan namin.

Hinatak ko na siya, tagal makalakad eh.

"Grabe, magmarathon ka na lang kaya." Hingal niya. Hindi ko pinansin ang reklamo niya at pumasok ako habang hinahatak pa rin siya sa booth.

"30 pesos lang!" Ani ko sa kaniya habang pinipilit siya.

"Okay, okay." Kinuha niya ang pitaka niya at ini-swipe ang card nito saka meron na kaming 4 na beses para magpose in 3 seconds.

"Okay, start na dali!" Ani ko sa kaniya pero ako ang pumindot ng start. Hehex.

Nang nagcountdown na ay nagpose na kaagad ako ng peace sign malapit sa mata at siya ay simpleng smile lang saka na ito na-captured.

"Ayusin mo, Dominique." Ani ko pero nakatingin pa rin sa kamera.

And for the second pose, naka thumbs-up na ako at si Dominique na ngayon ang naka-peace sign pero sa itaas ng ulo ko. -,-

"Huwag mo talagang aayusin, Dominique. Pepektusan talaga kita!" Babala ko na siyang ikinangisi niya.

For the third pose ay naka-half heart ako gamit ang kanang kamay ko at hinihintay na maghalf heart si Dominique at dahil 2 second na lang ay kinuha ko na lang ang kaliwang kamay niya para bumuo ng heart.

Litse! Muntik na hindi ma-captured tuloy.

For the last pose ay napatitig ako sa kaniya na animo'y nagtatanong kung ano ang magiging last pose at nakatitig din siya sa akin. So, ano na ang gagawin?

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin na ikinalunok ko. Hindi ako makagalaw at sumasayaw sa saya ang puso ko nang unti-unti na siyang lumapit pa hilig sa gilid ng mukha ko nang biglang may nagflash dahilan para mataranta kami at nag-iwas ng tingin.

O-Okay, ang awkward. -_-

"T-Tara na, gutom na rin ako." Ani ko saka niya ako sinang-ayunan at nagmamadaling kinuha ang copy ng picture.

Ewab ko pero kinikilig ako sa last picture dahil parang maghahalikan kami, na siyang dapat naman talaga? Hehex, lantod.

Umalis na kami roon at hawak-kamay na namang naglakad.

My Ugly Little Ehu GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon