Chapter 25: Duet

764 55 3
                                    

Kassandra's POV

Kakatapos lang nilang kumanta para sa first round ng Battle of Bands na sinalihan namin, I mean nila.

Pabigat lang ako dito, duh.

Nandito ako ngayon naka-silip sa backstage upang matanaw ang mga taong nagsidalo para mapanood ang paligsahan na ito.

Kakatapos ko lang kaseng kumuha ng mga bote ng tubig para ibigay sa mga miyembro ng ABCD Band.

Lahat ng tao ay nakatayo't nagsisiyawan habang nakiki-kanta at nakiki-sayaw sa ritmo ng musiko.

Ang sarap sa pakiramdam na may mga taong nahuhumaling sa kanta, hindi lang sa ritmo't saliw nito kundi maging sa kahulugan ng liriko.

"Kass!" Pagtawag sa akin ni Axel.

Alam kong siya 'yun kase siya lang ang kumakausap sa akin mula pa kanina pagkarating namin ni Dominique.

Opo, ang nag-iisang demonyo sa balat ng lupa.

Si Dominique ang siyang kumuha sa akin mula sa bahay, wala raw kase si Mccoy at abala muna sa mga acads nito.

Ang awkward talaga.

"Paparating na!" Sigaw ko pabalik kay Axel at nagmamadaling tumakbo patungo sa pwesto nila.

Medyo madilim ang paligi kaya mabilis na natapilok ang kanan kong paa dahil sa kable ng kuryente at akmang hahalik na sa lupa nang bigla ko na lang naramdaman ang paghila sa kaliwa kong kamay saka ako hinila pabalik upang makatayo ako nang maayos.

"Sa susunod mag-ingat ka. Palagi ka na lang natatapilok, baliin mo na lang kaya paa mo." Pilosopang sagot ng demonyo.

Napakagat ako sa ibabang bahagi ng labi ko.

Naku! Naku!

'Pag ako hindi na nakapagtimpi, ewan ko na lang talaga.

Sumunod ako sa paglalakad ni Dominique patungo sa mga ka-grupo niya.

"So, alam niyo na ang gagawin niyo kung papalarin tayo na makatung-tong hanggang next round, 'di ba?" Nakangiting tanong ni Brian.

"Oo," sagot ko.

"Guys be ready, it's time for the result." Anunsyo ng babaeng may mic sa bibig, aba malay ko kung anong tawag dun.

"Let's go." Malamig na wika ni Dominique.

"Pakilinis na rin muna." Dagdag pa nito habang nakaharap sa akin.

"Okay," walang gana kong sagot.

Tumayo na silang lahat at naglalakad patungo sa stage.

"Good luck, fighting!" Pagbibigay ko ng suporta at itinataas pa ang mga kamay na nakamao na animo'y susugod sa labanan.

Ganoon din ang ginawa ng ibang miyembro habang nakangiti sa akin at siyempre maliban kay Budoy.

Duh.

Tumalikod na ako at hinarap ang mga bagay-bagay na dapat linisin.

Grabe, nandito ba ako para maging kapalit ni Diana o maging katulong nila?

Hayst!

-

"Ready ka na? Tayo na ang susunod?" Kabadong tanong ni Brian.

"O-Okay lang no, ho!" Sagot ko't muling lumagok ng tubig.

Nakatingin lang ako sa labas habang hinihintay na tumulo ang tubig patungo sa bibig ko pero ubos na pala ito.

Ibinaba ko sa mesa ang plastic bottle na hawak ko't kumuha ng bago.

"Nanginginig ang mga kamay mo." Singit ni Axel.

My Ugly Little Ehu GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon