Chapter 28: Poster

726 42 3
                                    

Kassandra's POV

Natapos na ang assessment.

Nakaupo ako habang abala sa pagliligpit ng mga gamit. Nagugutom na ako 'no.

"Uhm, Kass. Una na muna ako ha, kailangan ko pa kase pumunta sa clinic, sumasakit na naman kase ang ulo ko." Gulat man ako sa mabilis na pagsulpot ni Nathan ay nagawa ko pa rin namang tumango bilang tugon.

"Tagal." Pagwika ni Dominique na naka-sandal sa pinto, halatang hinihintay ang paglabas ni Nathan.

"S-Sige, ingat kayo." Tanging turan ko habang pinapanood si Budoy na inaalalay si Nathan paalis sa silid.

What is happening?

-

"Oh, baka magkaibigan lang sila." Wika ni Mccoy habang naglalakad kami patungo sa tambayan.

Kinuwento ko kase sa kaniya ang nangyari, you know.

Friends do share each other's gossips.

Hehex.

"Uy, ayos nito ah." Bulalas nito nang mapadaan kami sa bulletin board ng paaralan.

Naka-dikit na pala rito ang mga program na gagawin sa darating na intramurals.

Halos sabay naming naipagdikit ang mga mukha namin ni Mccoy sa harap ng isang tarpaulin habang binabasa ang nakasaad dito.

"Ms. Intramurals 2021."

Sabay naming basa ni Mccoy sa ngiti sa isa't isa dahil binasa namin ang buong teksto ng anunsyo at ang inaakalang isang simpleng patimpalak ay may big twist pala.

"Sali ka kaya." Mabilis kong wika na singbilis nang pagkawala ng ngiti rin ni Mccoy.

"Ayaw!" Saad niya at naglakad papalayo.

Bumuntong-hininga ako.

Ang big plot twist ng contest na iyon ay ang lalaking sasali sa patimpalak ay mag-aala babae.

Oh 'di ba, hanep!

Dumating na kami sa tambayan at tahimik lang kami ni Mccoy habang titig na titig ako ngayon sa hawak kong bond paper na naglalaman ng mga requirements para makasali sa Ms. Intramurals 2021.

"Dapat may isali tayo." Paunang wika niya dahilan para lingunin ko siya.

"Pero hindi ako." Dagdag niya.

Kumunot ang ulo ko. Tss.

"Kass." Napatayo kaming dalawa ni Mccoy nang dumating bigla si Dominique na hinihingal.

"Ano?" Kunot-noong tanong ko.

"We'll gonna have a new gig." Wika niya't naghahabol pa nga ng hininga.

"Eh, 'di na ako sasama diyan. Sabi ko last ko na 'yung sa BOB." Sagot ko at akmang uupo nang hilahin ni Dominique ang kanang braso ko dahilan para muli akong mapatayo.

"You can't say no." Matalim na wika niya sabay titig sa akin.

Napalunok ako.

Ba't parang kikitilin niya buhay ko anytime! T^T

"B-Bakit naman hindi?" Pagmamagaling ko.

Astig ako eh.

"Debut ang dadaluhan natin." Sagot niya sabay tanggal ng kamay niyang kanina ay mahigpit na nakahawak sa braso ko.

"Oh, debut lang pala 'yun eh."

"Hindi lang basta debut 'yun." Ay, pagalit na ang boses niya.

"Anak ng gobernador ang magde-debut, Kassandra." Bulalas niya't kaagad na nagsibilugan ang mga mata ko.

My Ugly Little Ehu GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon