Chapter 8: Sarry Not Sorry

988 163 13
                                    

Kassandra's POV

Pagbilang ko ng tatlo...

Ang icing na hawak ko...

Isasampal ko sa mukha mo...

Isa...

Dalawa...

T-Tatlo...

"Happy friend- sorry?"

"Kuya?"

"Son of a biscuit eater!"

Nang dahil sa kapilyahan ko ay sabay-sabay kaming napasigaw nina Mccoy at ng kuya niya.

Biglang nanlaki ang mga mata ko, isabay mo pa ang panginginig ng mga kamay ko at ang mala-karera sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa gulat. Nagkamali ata ako ng target. May panyo ako na nakatago sa bandang kanan ng bulsa ko pero hindi ko magawang abutin dahil na din sa gulat.

Makikita mo din ang mukha ni Dominique ngayon na punong-puno na ng whipped cream at nanggagalaiti na sa inis. Pero infairness, makikita mo pa rin talaga ang malaki niyang adam's apple. Napakagat naman ako ng labi. Sinulyap-sulyap ko si Mccoy pero hayun, nagpipigil lang nang tawa at mukhang walang planong tulungan ang kuya niya.

"Who the hell are you to slap my gorgeous face!" Muling umalingawngaw ang baritonong boses ni Domique.

Teka lang, ang arte naman ata ng gorgeos face pero gwapo naman talaga siya, sadyang may lahi lang ng demonyo. Muli akong sumulyap kay Mccoy at ngayon ay pulang-pula na ang mukha sa pagpipigil nang tawa. Nakakatuwa naman kase talaga ang mukha ni Dominique eh.

Muli kong ibinaling ang atensyon kay Dominique na ngayon ay abala sa pag-alis ng iilang mga whipped cream gamit ang kanang kamay. Dahil na din sa mga echosera't echosero ang mga estudyante dito ay nagsilapit na din sila habang may hawak na cellphone at nakatutok sa 'min ang kamera. Huminga ako ng malalim at akmang lalapit kay Dominique.

"S-Sorry, hindi ko s-sinasadya-"

"Don't you dare to touch my precious body, Sadako." Nahinto ako sa paglapit dahil sa pagsingit niya ng mga salita sa akin. Aba nakaka-ilang pag-iinarte na 'tong mamang pangit na ito ah.

Unti-unti nang nawawala ang mga whipped cream sa mukha ni Dominique. Bigla siyang umayos ng tayo at huminga nang malalim.

"Lahat ng may hawak na cellphone ay kukumpiskahin." Natigilan ang mga estudyante at mabilis na inilagay ang kani-kanilang mga cellphone sa bulsa.

"At ikaw.." bigla akong idinuro ni Dominique na may panlulumong titig.

"Hindi pa tayo tapos." Napalunok ako sa sinabi niya. Tumalikod siya at akmang lalakad pero napatigil siya at humarap kay Mccoy. 'Yan sapakin mo 'yan.

"Oh." Hinagis niya sa mukha ni Mccoy ang isang puting t-shirt ata. Muling tumalikod si Dominique at lumayas na nga ang demonyo.

Sa paglayo ni Dominique ay ang pagsi-alisan naman ng mga chismosang estudyante. Napa-upo ako sa damuhan at bumuntong-hininga. Kanina pa lumalambot ang mga tuhod ko dahil sa titig at asal na ipinakita ni Budoy kanina. Grabe, natakot ako dun.

"Grabe, nakita mo yung mukha niya?" wika nito habang humahalakhak nang kay lakas.

"Parang ewan." Dagdag pa niya. Tumayo ako at naupo sa harap ng mesa.

"Ang tanga ko!" Isinubsob ko ang mukha sa mesa.

"Para sayo dapat yun eh." Tinuro ko si Mccoy na hanggang ngayon ay tumatawa pa din.

"Pa'no pag naisip niyang naghihiganti ako?" Umiyak ako habang nag-iisip ng kung anu-ano.

"Baka 'di na niya ako tigilan." Pinapadyak-padyak ko pa ang mga paa habang humihiyaw sa hiya at inis.

My Ugly Little Ehu GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon