Chapter 23: Text

780 69 5
                                    

Kassandra's POV

"D-Doy..." I whisper in the winds.

Marahan ding lumakas ang hangin sa pagitan namin ni Dominique. Oo, ni Dominique.

Siya ang may hawak ng payong habang nasa saakin nakatutok upang hindi ako mabasa.

"Gamitin mo, mahirap magkasakit ngayon." Bulong niya.

Mabilis ko namang kinuha ang hawakan ng payong at dahan-dahan na siya tumalikod sa akin habang nababasa na siya ng ulan.

"Tawagin mo lang ako 'pag may kailangan ka. Babantayan kita." Wika ni Dominique pero hindi ko narinig ang pangalawang pangungusap na sinabi niya dahil biglang lumakas ang kidlat.

Ano raw?

"Babanatan kita?"

'Yun ba?

Grabe, ganyan na ba talaga siya kagalit sa akin?

Umiling-iling ako bago humarap at tumakbo patungo kay Nathan.

"S-Sorry..." wika ko sa kaniya nang nagkaharap na kami.

"No, it's my fault." Sabi niya biglang tumamlay sa harap ko.

Itinapat ko ang likod ng kamay ko sa noo niya at nabigla. Mainit na noo niya, magkakasakit na siya nito.

Mabilis kong inilagay sa kamay niya ang payong na hawak ko at inalalayan siya. Nagsimula na rin akong manlamig dahil nauulanan na ako.

Mas lalo akong nabigla nang mawalan na ng malay si Nathan.

Gosh!

Naiiyak na ako.

"Tulungan na kita." Napaangat muli ako ng tingin.

"Ibinigay ko sa'yo, pero ipinagamit mo sa iba." Dagdag pa niya at inakay na si Nathan.

Bale naka-piggy back ride sila habang ako naman ang naghahawak ng payong para payungan sila. Kahit si Nathan lang talaga ang gusto kong payungan.

"Ako na maghahatid sa kaniya, may ihahatid ka pa pauwi 'di ba?" Seryosong saad niya at ipinasok si Nathan sa passenger seat ng kotse niya.

"Thank you, Dom." Pagpapasalamat ko ngunit hindi niya ako kinibo at umikot lang sa sasakyan para ihatid na si Nathan.

Napahinga na ako ng maluwag. Alam kong magiging mabuti na ang lahat dahil halata ang sinseridad sa mukha at kilos ni Dominique.

-

"Gosh, where have you been?" Tanong ni Adeline.

"Come on, let's go home. We're tired." Bulalas naman ni Edeline.

Hayst.

Mabuti na rin sa'kin dahil makapapag-drive pa ako dahil hindi naman talaga ako nalasing kanina.

Nang dumating na kami ay biglang humarap sa akin si Adeline at inabot ang isang puting sobre sa akin.

"Thanks." Wika niya't tumungo na sa kaniyang kwarto.

Sasagot pa sana ako pero ayun, iniwan na 'ko. Hayst.

Tumungo na rin ako sa kwarto at nagbihis ng damit pantulog. Matapos nun ay humilata na ako sa kama.

Akmang matutulog na ako nang biglang tumunog ang cellphone.

Mccoy Fung8

Mccoy:
Nakauwi na raw si Nathan.

Kassandra:
Si Dominique?

My Ugly Little Ehu GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon