Chapter 34: Stick Glue

583 37 3
                                    

Kassandra's POV

"Dominique, umayos ka nga!" Naiinis na sigaw ni Adeline habang sinusukatan si Dominique.

Nandito kami ngayon sa loob ng silid kahit na Sabado ngayon. Kailangan na kase naming maghanda para sa contest at ako ang napili ng guro namin para maging 'manager' kuno ni Dom.

Natapos na rin ang event kahapon. Memorable para sa akin 'yun saka pinakain talaga ako ni Dominique ng chocoball, kahit isang piraso lang. Partida nagbring home pa talaga ang baliw, halos isang buong lalagyan ng ice cream ang pinuno niya ng iba't ibang klase ng tsokolate para sa 'kin. Bumait lang naman siya ng slight.

Slight lang talaga.

Kasama namin sa paghahanda ang buong banda ni Dominique na kanina pa pinagtatawanan at kinukutya si Dom at ang kambal. Darating din daw si Mccoy, matatagalan lang siya.

Sinusukatan siya ngayon ni Adeline para sa night gown nito, kailangan eh, handmade ang damit na gagamitin. Hindi raw kase pupwedeng bumili dahil kasana ang craft sa criteria.

Sa Lunes na ang paligsahan at imbes na isang linggo ang event ay 'yun na lang muna ang ipagdidiwang dahil sa susunod na buwan pa ang basketball na category dahil nga sa insidente ng coach. Pagkatapos nun ay sembreak muna ng mga estudyante ng mga isang linggo lang kaya napagpasyahan na lang din nina Tita Marites na sa Martes kami ba-byage patungo sa Bagiuo para sa pag-ani ng mga presa.

Heto ako ngayon sa gilid at nag-aayos. Mga gagamitin niya sa sports wear, bikini at talent portion. Legit, excited ako sa bikini at costume.

Ang costume na pinagkakaabalahan namin ay isang pakpak ng Agila. Lightning Eagle kase ang pangalan ng level namin kaya kailangan ay kami ang gagawa ng costume at para magmukha siyang Agila.

Hehex.

Sa bikini naman ay nakakainis lang kase required na magsuot sila ng scarf para sa pangibabang bahagi ng katawan nila para raw ay 'di makita ang mga longganisa nila. Tss.

Jusmaryusep, unang rampa nila diretso na raw sa bikini. Hehex!

Nahagit ng mga mata ko si Edeline na akmang tatayo na, mukhang may bibilhin o aalis kaya napatayo ako at nagsalita.

"Sa'n ka pupunta Ed?" Tanong ko na siyang nagpalingon sa kaniya.

"Ah, bibili lang ako ng stick glue. Naubusan kase eh." Lumapit ako sa kaniya.

"Ako na lang ang bibili, kaunti lang ang naitutulong ko." Kumunot ang noo niya.

"Hindi ako na uy."

"Akin na, bahala ka jan." Ani ko sabay agaw ng pera sa kamay niya saka tumakbo papalayo.

"Baliw!" Rinig kong sigaw niya.

Napangisi ako.

Masasabi kong matapos ang event kagabi ay nagbago na ang turing sa akin ng kambal. Palagi na nila akong kinakausap at hindi na nila ako inaaway. Nag-sorry na rin sila kaya, oks na kami.

Lumabas muna ako sa paaralan at nag-ikot-ikot sa mga tindahan upang maghanap ng glue stick pero lahat sila ay iisa lang ang sinasagot.

"Naubusan na kami, hija." Sagot ng babae.

"S-Sige po." Sagot ko at naglakad patungo sa waiting shed.

Pagod na ako kakalakad. Sunod-sunod pa sa pagtulo ang mga pawis ko dahil na rin sa matinding sikat ng araw. Muntik pa akong mabaliw nang tumunog ang cellphone ko. May tumatawag.

"Hello?" Ani ko. Naghintay ako nang sasagit pero tahimik lang ang kabilang linya.

Wala rin akong oras para tignan kung sino ang tumatawag dahil nakapikit ang mga mata ko sa pagod.

My Ugly Little Ehu GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon