Mccoy's POV
Nagmamadali akong bumaba sa hagdanan dahil may kailangan pa akong puntahan.
"Una na ho ako lola!" Sigaw ko.
Pagkababa ko sa mismong harap ng kusina ay nakita ko si Mommy Bella o tinatawag naming Mommy La na nakapamewang at nagkasalubong ang kilay.
"Ilang beses ko ba dapat sabihin na huwag na huwag mo 'kong tatawaging lola." Nanggagalaiti ang boses nito ngunit hindi ito ang dahilan para matakot ako sa kaniya. Nilapitan ko lang siya at niyakap nang mahigpit.
"I love you, Mommy La." Bulong ko sa tenga ni lola at hinalikan siya sa noo.
"Sus, lakas mo talaga kay lola." Ani ni kuya habang pababa sa hagdan, nakabukas pa ang uniporme niya at wala pang ni-isang botones na nakasara.
"Hep, hep, hep!" Angil ni lola.
"Hooray!" Sigaw naman ni kuya at dahil dun ay kumalas sa pagkakayap si lola sa akin at pinihit ang kanang tagiliran ni kuya.
"Sabing 'wag lola eh." Patuloy lang si lola sa paghataw kay kuya pero syempre, katuwaan lang ang lahat.
Simula pagkabata namin ni kuya ay si Lola Bella na ang nag-alaga sa amin. Napakabusy kase ng mga magulang namin at kung saan saan na lang ng panig ng mundo sila nakakapunta at nawawalan na ng oras sa amin.
"Mommy La, una na ho ako." Pagkuha ko sa atensyon nila at inakay ang bag ko.
"Di ka kakain?" Nagtatakang tanong ni lola.
"Hindi na ho at may pupuntahan pa ako." Ani ko.
"Kuya, sa'n nga pala kami magde-demo ni Kassandra?" Tanong ko.
"Dun na lang sa kwarto niya." Rekomendasyon ni lola na kakatapos lang sa paghigop ng sabaw.
"Huwag dun." Galit na sabi ni kuya kahit na puno ang bibig nito ng pagkain.
Ayaw na ayaw talaga ni kuya na may pumapasok sa kwarto niya maliban lang sa kaniya. Maging ako o si lola ay di pa nakakapasok sa kwarto niya.
"Ang arte naman." Si lola.
"Ayaw ko nga ho, dun na lang kayo sa terrace. Bahala kayo." Bulalas ni kuya.
"Pupunta dito si Kassandra?" Gulat na tanong ni lola at tango lang ang tinugon ko.
"Mabuti naman, nami-miss ko na din yung batang yun. Napakaganda pa naman nun." Masayang turan ni lola.
"Tss." Pakialamerong kuya.
"Uy, ano nakapagdesisyon na ba?" Tanong ni kuya.
"Sa pagdemo, oo. Sa ikalawang offer is wala paring sagot hanggang ngayon." Paliwanag ko.
"Sige ijo, mag-ingat ka. Nilagay ko na din diyan sa bag mo ang baon mo." Ngumiti ako bilang tugon kay lola at dumeretso na sa garahe.
Kinuha ko ang dalawang helmet. Wait. Kaya ba tumatawa si Kassandra kahapon dahil sa helmet? Matagal na kase ito at dati rati ay kulay puti ito ngayon ay nagiging kulay gray na ito.
Mukhang kailangan ko na itong palitan.
Kassandra's POV
"This is the day!" Sigaw ko pagkababa ko ng kwarto.
"Ang saya mo ata ngayon ija." Ani ni tito habang nagbabasa ng dyaryo.
"Parang sinaniban ka ata ng swerte." Ani naman ni tita.
"Oo naman ho, ngayon po kase ang friendsarry namin ni Mccoy." Napa-upo ako at naghain ng tinapay na pinaresan ng pansit canton.
"Hmm, nga pala nasabi mo na ba kay Mccoy ang tungkol sa pag-ani?"
BINABASA MO ANG
My Ugly Little Ehu Girl
Fiksi RemajaNangarap ka na bang magkaroon ng prince charming? Well, si Kassandra Ylores din. Simpleng dalagang namumuhay at binabagabag nang naglalagablab na nakaraan. Kwento ng isang babaeng nilamon ng nakakapasong pilat na nagmula sa isang nagsisilab na nakar...