Kassandra's POV
"Ang bigat ng mga gamit mo sobra." Reklamo ni Dominique habang tinutulungan akong hakutin ang mga gamit ko patungo sa likod ng kotse niya.
"Edi umalis ka, hindi naman kita pinilit na tulungan ako, siraulo." Anas ko.
"Hayst, syempre tutulungan kita dahil ang gwapo ko." Natigil ako sa pagkuha ng isang box na may lamang personal things ko.
"Anong konek nun?"
"Dahil sa kagwapuhan ko tatalon ang elepante sa moon at tutubo ang halaman." Nalukot ang mukha ko sa sinabi niya.
Tao pa ba 'tong kausap ko?
"Ewan ko sa 'yo bilisan mo na lang diyan." Ani ko saka naman siya sumunod.
Nagliligpit ako ng mga gamit ko ngayon para bumalik sa bahay nina Tita dahil namimiss na raw nila ako:<
Um-oo ako at dadalasana ang pagbisita ko kay Nanay rito. Tungkol naman sa kwarto ko, bale nag-aalala ako dahil punong-puno pa naman iyon ng mga gamit at poster ni Nathan. Kaya hinahanda ko na ang sarili kong linisin at itapon ang mga iyon.
'Yun lang.
"Nakuha mo na ba lahat?" Tanong niya saka naglibot ng paningin.
"Hmm, sa tingin ko nakuha ko na lahat." Tumango siya saka inayos na ang lahat.
Bumalik muna ako sa loob para magpaalam ng maayos kay Nanay. Mamimiss ko siya pero kailangan kong gawin dahil balik-skwela na naman sa susunod na linggo. Nagpaalam din si Dominique bago namin napagpasyahang umalis na at para maaga naming masimulan ang paglilinis at maaga rin kami matapos.
Nasa kasagsagan kami nang biyahe at nakapokus lang ang atensyon ko sa mga bagay na nadaraanan namin nang bigla siyang magsalita.
"Gutom ka na? Gusto mong pumunta muna tayo sa drive thru?" Tanong niya nang tumigil ang sasakyan dahil kulay pula pa ang traffic light.
"Nope, okay lang ako. Ikaw gutom ka na ba?" Umiling siya saka ituon muli ang atensyon sa harap dahil nagsimula nang magsigalaw ang mga sasakyan.
"Busog pa ako, kumain ako kanina ng pandesal eh. Paglulutuan na lang kita 'pag dumating na tayo sa bahay ni Tita Marites." Sumang-ayon ako sa sinabi niya.
Nagpatugtog na lang kami ng kanta mula sa radyo para maibsan ang labis na katahimikan sa palibot namin.
"Malapit na pala ang birthday mo or should I say, debut mo. Any plans?" Wika niya.
Ah, tama nga.
Sa susunod na buwan na ang kaarawan ko, February 14, araw ng mga puso pa talaga. 18th birthday ko rin iyon kaya mas lalong hindi ko alam kung ano ang gagawin.
"Simple lang, kain lang tayo with fam and Nanay. 'Yun lang naman plano ko." Napanguso si Dominique sa sinagot ko.
"Hindi ba dapat na magarbo ang kaarawan mo, I mean, minsan lang mangyari sa buhay ng isang babae ang kaarawan na 'yun." I shook my head.
"Ewan. Noong bata pa ako gustong-gusto kong maganda at mala-out of this world ang kaarawan ko pero as I grow older, I suddenly appreciate small things. Mas gusto kong simple lang, basta kompleto tayo, kompleto ang pamilya." I placed a smile on my lips and he agreed.
"Well, yeah. That's right."
"But then, dapat may kasayaw ka pa rin sa araw na 'yun and that's me! Ako ang una at huli, oki?" Nagthumbs up pa siya saka itinataas-baba ang kilay niya.
Napatawa ako sa inasal niya saka nagthumbs up rin at nagfist bomb kaming dalawa kase baliw kami.
"Okay!"
BINABASA MO ANG
My Ugly Little Ehu Girl
Teen FictionNangarap ka na bang magkaroon ng prince charming? Well, si Kassandra Ylores din. Simpleng dalagang namumuhay at binabagabag nang naglalagablab na nakaraan. Kwento ng isang babaeng nilamon ng nakakapasong pilat na nagmula sa isang nagsisilab na nakar...