Chapter 38: First Kiss

561 39 3
                                    

Kassandra's POV

"Salamat sa mga strawberries!" Nakangiting saad ni Nathan saka kaagad na nilantakan ang pasalubong ko sa kaniya.

"As always, welcome!"

Narito kami sa tambayan at kami lang dalawa tsaka magkatabi kami. Hehex. Araw na naman ng klase pero hindi maayos ang klase. Haha.

Bale, may klase ngayon pero mostly sa mga guro ay binigay lang ang araw na 'to para magcomply ng mga activities dahil maraming estudyante ang nakisali sa mga palaro.

Note! Nobyembre na at oras na para ituloy ang Intramurals na naudlot. Usap-usapan din sa boung campus ang pagbabalik ng coach ng basketball team namin. Hay naku, ba't ko ba iniisip 'to eh, 'di naman ako sasali sa basketball.

"Nga pala Nate, magiging busy ka na naman ba?" Stress na siguro 'to sa buhay.

Akalain mo, simula nung contest ni Dominique hanggang sa bakasyon namin sa Baguio ay hindi siya nakasama dahil sa sobrang higpit ng schedules niya.

"Tungkil diyan ay napagkasunduan na namin ng manager ko na magkaroon din ako ng rest for about a whole week so, I'm free." Sagot niya.

Napangiti ako sa sinabi niya,"Talaga? Edi, wow. Charot. Edi, maayos 'yun." Ani ko saka kami nagsitawanan.

Nakatingin lang ako sa kaniya habang abala siya sa pagkain. Ang cute ng mga pisnge niya, sarap kurutin. Nasulyapan ko naman ang kanang bahagi ng labi niya ang kaunting katas ng strawberry kaya marahan ko siyang tinapik upang makuha ang atensyon niya.

Napatingin siya sa akin saka ko tinapik ang gilid ng labi ko gamit ang kanang kamay. Kumunot ang noo ko sa sumunod na mangyari dahil bigla lang siyang ngumiti saka dahan-dahang inilapit ang mukha niya sa akin.

"May katas ka-" hindi na ako makapagsalita.

Hindi ako makagalaw.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

Nababaliw na ang mga oud ko sa tiyan dahil sa gulat.

Hindi ako makapaniwalang ganito-

H-Hinalikan niya ako sa gilid ng labi ko!

Ilang segundo lang ang tinagal nun pero ang laki na ng epekto sa akin. Nararamdaman ko rin sa sarili ko ang pagkapula ng mukha ko dahil sa hindi ko maintindigang emosyon.

"Is it enough?" Wika niya saka hinaplos ang kaliwang mukha ko.

Gosh, Nathan!

-

"Hey, Nate!" Sabay kaming napalingon ni Nathan sa lalaking tumawag sa pangalan niya. Si Dominique.

"Oh, Dom?"

"Gusto mo bang sumali sa team?" Diretsong tanong nito.

"Kulang kase kami ng isang kasamahan kaya ikaw na ang naisip ko tutal nakalaro naman kita sa basketball noon, so ano?" Ani nito saka ko ibinaling ang atensyon kay Dominique.

Nakasuot ito ng jersey ng basketball team at pawis na pawis. Pero kahit na ganon ay nasinghap ko ang pabango nito na sweet strawberry scent sa tingin ko. Gosh!

Naalala ko tuloy 'yung araw na nasampal ko siya ng cake at nakita ko siya sa C.R ng campus na basang-basa. Naku-

"Kass?" Nabuhayan ako nang bigla akong tinawag ni Nathan.

"Ha?"

"Kanina pa kita tinatawag pero hindi ka sumasagot, is there something that's bothering you?" Maririnig mo sa tono nang pananalita niya ang pagkaalala.

My Ugly Little Ehu GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon