Chapter 39: Reconcile

526 35 2
                                    

Kassandra's POV

H-Hinalikan niya a-ako...

Nanatili lang kaming nakatayo habang nakalapat pa rin ang labi niya sa akin.

Ilang segundo pa ang lumipas nang kusang gumalaw ang mga kamay ko at buong lakas siyang itinulak dahilan para pasapo ang buong katawan niya sa locker saka ito gumawa ng tunog. Halata ang gulat sa mukha niya.

Mas lalong lumakas ang kaba ko nang mabilis na bumukas ang locker na pinagtataguan namin saka nila hinila si Dominique palabas. May isang lumapit kay Dominique para niya itong niyakap saka pinahiga sa sahig.

Doon ko lang napansin ang unti-unting paglabas ng dugo sa kanang bahagi ng bewang niya, napatakip ako ng bibig gamit ang dalawang kamay saka lalapit sana nang inawat at hinawakan na ng dalawa pang lalaki ang mga braso ko. Walang mga salitang lumalabas sa mga labi ko, kasalanan ko 'to!

Umiiyak na ako habang pinapanood lang si Dominque na pinagsisipa at sinusuntok na ng iba. Maya-maya ay natigil sila nang may bumaba sa hagdanan. Namilog ang mga mata ko.

Ito 'yung janitor na akala ko ay patay!

Hawak niya ang isang supot na kulay itim, tumutunog din ito, tunog ng mga tanso o barya.

"Tara na, pabayaan niyo na sila." Awat nito saka ako itinulak ng dalawang lalaki sa pwesto ni Dominique.

'Di ko na namalayang nakaalis na pala sila. Habang ako naman ay nanginginig na pinagmamasdan si Dominique. Hindi na siya gumagalaw. Sumisikip na rin ang dibdib ko at nahihirapang huminga ngunit pinilit kong kinuha ang cellphone sa loob ng locker at nagmamadaling ipasok ang battery nito.

Nang matapos kong ilagay ito ay mabilis kong itinaype ang numero ng ambulansya.

"T-Tulongan ni-niyo po k-kami..." humihikbi kong wika saka bumalik sa pwesto ni Dominique habang gumagapang.

"Nasaan kayo? Anong nangyari?" Tanong mula sa kabilang linya.

"N-Nasa university p-po ka-kami..." hindi ko na natapos ang sinasabi nang mabitawan ko ang hawak kong cellphone saka ako napahawak sa dibdib ko. Ang sakit.

Lumalabo na nag paningin ko at hindi na ako makahinga ng maayos. Nakita ko na lang ang isang malinaw at nakasisilaw na ilaw mula sa malayo. Nakatutok ito sa gawi namin at naaaninag ko rin ang isang anino ng tao.

"T-Tulong..." halos pabulong kong wika saka na ako nawalan ng malay.

-

Namalayan ko ang sarili kong nakahiga habang nakapikit pa rin ang mga mata. May naririnig akong mumunting mga tinig sa hindi kalayuan saka ko napagpasyahang imulat ang mga mata ko. Tumambad sa akin ang isang puting kisame. Dahan-dahan kong inilibot ang paningin ngunit pawang kulay puting gamit lang ang nakikita ko. Mabilis iniupo ang sarili saka nagmamadaling tumakbo sa akin ang aking tiyahin.

"Hija, dahan-dahan." Wika niya sa nagaalalang tono. Inalalayan niya akong umupo.

"Nasa'n ako Tita? Anong nangyari?" Tanong ko sa kaniya.

Pero imbes na sagutin ay niyakap niya lang ako sabay hikbi. Napansin ko rin ang kambal kong pinsan sa likod ni Tita kasama ang Tito namin.

"Nasa hospital ka, dahil sa nangyari sa inyo kagabi." Wika niya saka ako hinarap.

Biglang lumakas muli ang kaba sa dibdib ko at unti-unti na naman itong kumikirot. Lumapit sa akin ang doktor at itininutok ang flashlight nito sa magkabila kong mata saka nakipag-usap kina Tita at Tito.

Hindi na ako nakinig, sa halip ay inalala ko ang nangyari kagabi. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit nito.

K-Kagabi...

My Ugly Little Ehu GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon