Chapter 1: New Beningging

3.5K 276 97
                                    

Kassandra's POV

Agosto 31, 2007 Biyernes

Huminga ako ng malalim nang matapos ko nang ma-isaulo ang mga linya ko para sa gaganaping dula mamaya. Labis na kaba na din ang nararamdaman ko, pero kaya ko 'to. Kakayanin ko.

Lumapit ako sa isang parihabang hugis na salamin at pinagmasdan ang sarili. Ang ganda ng damit na suot ko, isang kulay puting bestida na below the knee, suot ko rin ang puting doll shoes na binili ng tatay ko at higit sa lahat, ang natatangi at walang halong kemikal na kagandahan ko na may korona pa ako na kulay ginto sa tuktok ng ulo ko.

Labis na pinaghandaan talaga ang araw na ito dahil kami ay magtatanghal sa isang entablado at panonoorin ng mga tao. Ako ang magtatanghal bilang Juliet sa dula naming Romeo at Juliet.

Mahigit kumulang sa dalawang buwan ang pag-ensayo namin dito kaya dapat lang na matawid namin ang dulang ito. Sa halip na pagdula lang ang gagawin ay nilagyan pa namin ito ng twist kung saan ay kakanta din kami.

Ang sabi ng ilan ay napakagaling ko daw kumanta at namana ito sa aking ina at kung ang pag-uusapan ay kagandahan, sa aking ina ko pa din ito namana. Hindi ko raw kase kamukha ang aking tatay. Ewan ko ba sa kanila, may sira na ata ang mga mata nila.

Saglit akong napatahimik nang maalala si tatay. Nangako siyang dadalo sa pagtatanghal ko pero hanggang ngayon ay wala pa siya. Biglang lumungkot ang mukha ko.

"Teka lang ha, bakit ganyan ang mukha mo?" Nakangiting tanong ni nanay, pero yumuko lang ako.

"Wala pa po si tatay." Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni nanay at lumuhod ito sa harap ko at marahang hinaplos ang kanan kong pisnge.

"Dadating siya, nangako siya hindi ba? Tiwala lang anak," usal ni nanay at napangiti na lang ako at niyakap siya ng mahigpit. Tinapik pa niya ang kanan kong balikat bago bumalik sa pagliligpit ng mga gamit.

Napa-upo ako sa isang silya at inisip si Mccoy, kumusta na kaya siya? Umiinom kaya siya ng gamot? Nagpapagaling na ba siya?

Si Mccoy ang matalik kong kaibigan, siya dapat ang gaganap bilang Romeo sa dulang ito pero isang araw lang bago ang pagtatanghal ay naligo kami ng ulan at ang resulta, nagkasakit siya. Hindi ako nagkasakit kase maganda ako, charot.

Napangiti naman ako nang maalala ang papalit kay Mccoy bilang Romeo na si Nathaniel. Simula noong kindergarten mapa-hanggang ngayon ay may lihim na pagtingin ako sa kaniya. Mabait lase siya, may katangkaran, matangos ang ilong at maputi. Dahil na din sa may lahi siyang Koreano, nanay niya kase ay half Korean kaya ayun, ang gwapo.

"Be ready kids, tayo na ang susunod!" Todo palakpak ang coach namin dahilan para maagaw niya ang atensyon naming lahat.

Dahan-dahan na kaming lumabas sa green room kung saan kami nag-ayos at hinihintay na lang ang anunsyo ng host sa pangalan ng paaralan namin. Napadako ang tingin ko sa gawi ni Nathaniel na ngayon ay nakasuot ng tuxedo na hapit na hapit sa kaniya, nakapamulsa din siya at doon ko na namalayang nakatitig na pala ako ng matagal sa kaniya kaya sa oras na lumingon siya ay nagkatitigan kami, bigla siyang ngumiti. Dali-dali akong napa-iwas nang tingin at naramdaman ang unti-unting pag-init ng aking magkabilang pisnge. Nakakahiya.

"Galingan mo anak!" pagpapaalam ni nanay at umupo na sa auditorium.

"Make some noise for our next performers, Romeo and Juliet by San Roque Central Elementary School. A round of applause." Anunsiyo ng host at nagpalakpakan naman ang mga tao. Mariin akong napapikit at huminga ng malalim.

This is it, pansit!

Nagsimula nang tumapak sa entablado ang mga kasamahan ko pero napako ang tingin ko sa taong naka-upo sa gilid ng auditorium kung saan nakalagay ang mga ilaw, patong-patong na mga karton at iba pa. Nakasuot ito ng itim na t-shirt, pants at may itim na sombrero dahilan para hindi ko makita ng maayos ang mukha nito.

My Ugly Little Ehu GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon