Chapter 16: Project

799 132 7
                                    

Kassandra's POV

Natapos na ang oras ng pananghalian at oras na naman ng klase.

Isang palaisipan sa 'kin ang biglaang pag-alis ni Nathan na base sa pagpapaalam niya ay magbabanyo lang siya pero naubos na namin ang dala nilang pizza ni Ashwin ay ni hindi na ito nagpakita.

Nandito na ako ngayon sa silid-aralan at naka-upo sa aking silya habang hinihintay na magsi-datingan na ang ibang mga kaklase ko, ang magiging guro namin at nawa'y si Nathan din.

Mag-iisang oras na rin simula nung umalis siya kaya kaagad na akong pumunta rito sa silid at umaasang baka nandito lang siya, ngunit, bigo ako.

'Bakit kaya siya umalis kanina?'

Paulit-ulit na tanong sa isip ko.

Minsan ay pumapasok sa pag-iisip ko na baka na out of place lang siya o 'di kaya ay 'di siya nasiyahan sa harutan kaya siya umalis.

'Di ba?

Patuloy lang ako sa pag-iisip ng mga lugar dito sa loob ng unibersidad kung saan siya pwedeng nagtago o naglalakad-lakad.

Hanggang sa maalala ko ang rooftop.

Kung saan kami nagkita.

Tama!

Kaagad akong napatayo mula sa pagkaka-upo at nagmamadaling lumabas ng pinto nang biglang humarang ang grupo ng mga kaklase ko dahilan para mapa-urong ako pabalik. Sumunod din sa kanila ang guro namin.

Ngi!

Nawawalan na tuloy ako ng pag-asa.

Bumilog kaagad ang mga mata ko nang mapadpad ang paningin ko sa lalaking kasunod lang ng guro namin.

Si Nathan.

Sumunod ako sa kaniya at sabay kaming umupo sa aming silya. Ang awkward lang kase 'di niya ako tinatapunan ng tingin at maging ang imahe ng mukha niya ay walang ka-emo-emosyon.

Kaya napagpasyahan ko na lang na umayos nang upo at makinig sa anunsiyo ng aming guro.

"Good afternoon, so today walang magaganap na discussion o lesson," panimula ng aming guro sa asignaturang agham.

"Magbibigay lang ako ng isang project. You will group yourself into three at para walang gulo ay ang mga katabi niyo na lang ang kagrupo niyo, understood?" Anunsiyo pa ni Gng. Halt.

Ibig sabihin, kagrupo ko si Nathan and sino pa ba ang isa, edi si Dominique.

Hayst.

"Gagawa lang kayo ng simpleng visual aid and report it in front of the class. You will report it after a week." Dagdag pa nito.

"And the topic is all about the different fossils that has been found or discovered by some of the famous scientist and geologist," patuloy nito.

"I will give you five minutes to discuss your idea with your group," saad nito at umupo sa harap ng teacher's table.

Inayos naman namin ang upuan namin ni Nathan para iharap kay Dominique na naka-de kwatro.

Nag-aaral pa ba ang tawag dito?

"Okay, 'di ko na papataasin ang pag-uusap," panimula ni Dominique na parang isang boss kung magsalita.

"Total ikaw naman ang mayaman sa ating tatlo, Nathan, ikaw na ang bahala sa mga expenses sa mga bagay na kakailanganin natin," saad niya habang nakaharap kay Nathan. Heto naman si Nathan at nakikinig lang, wala pa ring emosyong ipinapakita.

"Ikaw naman, Kassandra, ikaw ang masipag kaya ikaw ang magdidikit o mag-aayos ng visual aid," wika nito habang nakaturo sa dibdib ko ang hintuturo niya.

"At ako, ako ang matalino dito kaya ako na ang bahalang magresearch. That's all, dismiss." Wakas nito at muling umayos sa pagkakaupo sa silya niya at muling nag-de kwatro.

Napatango-tango naman kami ni Nathan dahil 'di rin namin maitatangging matalino talaga si Dominique.

Sadyang tamad lang siya mag-aral kaya pabalik-balik siya. Tss.

"Your five minutes is done, so gusto ko lang sabihin sa inyo na ang report niyo is ang topic natin next week, by this week, our topic is all about the issue or the problem that our country is facing right now."

"Can you give atleast one example of an issue or problem that oyr society is facing, anyone?" Sunod-sunod na turan ni Gng. Halt.

Grabe, feel ko dudugo na ang ilong ko.

"Yes, miss." Pagturo ni Gng. Halt sa isa kong kaklase.

"Poverty, miss." Sagot nito at napatango ang aming guro.

Hanggang sa sunod-sunod na niyang tinatawag ang mga kaklase kong may mga sagot.

Kaagad naman akong nag-isip ng isasagot dahil iba si Gng. Halt magturo. Strikto ito at sa lahat ng gagawin, lalo na sa recitation ay nagbibigay pa rin siya ng mga puntos kung kaya't sayang naman kung 'di ako makakasagot.

May anak na rin ito pero walang asawa dahil iniwan siya kaya siguro siya naging strikto. May edad na rin ito at medyo kulubot na rin ang mga balat pero napakagaling magturo.

Kaya dahan-dahan kong itinaas ang kamay ko at naghihintay na tawagin ang pangalan ko.

Wews.

Kinakabahan ako.

"Yes, Ms. Ylores," pagtawag nito sa pangalan ko kaya kaagad akong napatayo.

"G-Global warning po, miss." Sagot ko at kaagad na nagsi-tawanan ang mga kaklase ko.

Doon ko napagtantong mali ang nasagot ko at kinakain na naman ako ngayon ng kahihiyan.

"Global warming 'yun, bobo." Sigaw ng isa sa mga kaklase ko.

Ouch.

'Di naman ma-ouch.

Napalinga-linga ako at nakitang si Nathan at Dominique lang ang tanging tao sa silid na 'di tumatawa habang halos mabaliw na ang mga kaklase ko kakatawa.

Habang nasa ganoong posisyon ako ay may isang bagay akong napagtanto.

"Do you really think that the global warming is a issue we're facing right now, miss?" Tanong ng aming guro habang patuloy pa rin sa pagtawa ang mga kaklase ko.

"No, miss." Sagot ko at pilit na ngumingiti.

"The judgemental society is." Matapang kong sagot at umupo sa aking silya.

Biglang tumigil ang tawanan sa buong silid at napalitan ng isang nakakabinging katahimikan.

At heto ako, nakaupo sa aking silya habang pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo mula sa mata ko.

Pakiwari ko'y walang mali sa sinabi ko at pawang katotohanan lang ito.

My Ugly Little Ehu GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon