(Miru's POV)
Sabado ngayon at dahil nga may pasok kahapon nagyaya sila ng gala para daw Valentine's Day 2. Gala daw. Pero quadraple date siya. Hindi kasama si Third kasi kasama niya family niya. So ang mga kasama lang ngayon ay yung mga couples sa room at syempre kami ni Yuki.
"Date tayo?"bulong ni Yuki
"Huh?"kunware hindi ko narinig XD
"Date. D-A-T-E"wow nag-spelling pa HAHAHA!
"Paano kung ayoko?" tanong ko. Hindi naman sa hindi ko gusto. Gusto ko lang siya asarin XD.
"Bakit ayaw mo?"aba nagtanong pa na parang bata. Aawww para siyang batang ayaw pagbigyan HAHAHA!
"Eh ayoko eh"patuloy kong pang-aasar. Bigla siyang lumayo ng onti.
"Sigurado ka?"hinahamon mo na ako ngayon Yuki? Aba! Porket hinayaan ko siya kahapon na i-ki-- NVM -.-
"Oo"
"Edi wag"tapos hindi na siya humarap sa akin. Tampo agad? Arte much!
"Sooooooooo~ Tara na?"pagyayaya nila. Tara na daw pero onti-onting nawawala yung iba.
Nauuna maglakad si Yuki. Hhmm. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Hindi ako tumingin sa kanya. Mabilis akong naglakad at naunahan ko na yung mga couple kanina. Ramdam ko naman ang mga tingin nila pero hindi ko na lang pinansin. Nagulat ako nung bumitaw si Yuki. Humarap ako sa kanya. Ang pula ng mukha niya. Dahan-dahan niyang kinuha ang kamay ko at kinulong ito sa kanyang kamay. This time nauna na siyang maglakad.
"Ang dami pang arte"bulong ko. Naramdaman ko humigpit yung pagkakahawak siya sa kamay ko. Ramdam ko tuloy yung pulso niya. Ang bilis nga eh XD.
Habang naglalakad naramdaman kong may nakasunod sa amin. Parang mga tanga. Lahat sila nakasunod sa amin pwera kila Joshua at Cyla.
"Nakasunod sila sa atin"bulong ko kay Yuki
"Let them be"nakangiti siya. Kinikilig lang yan HAHAHA!
"Tuwang-tuwa ka naman?"mas lalong lumawak yung pagkakangiti niya.
"Wag ka ngang ngumiti ng ganyan"tumingin siya sa akin.
"Bakit naman?"ngumiti ako at pinipigilang tumawa.
"Naiinlove ka sa akin kapag ngumiti ako no?"lalo akong napatawa ng mahina. Ano ba?! XD.
"Bakit ba kasi?"patuloy niyang pagtatanong.
"HAHAHAHA! Eh kasi naman HAHAHAHAHA! Ano kasi HAHAHAHA. Kamukha mo kasi si Mcdo HAHAHAHA!"Ayan na hindi ko na napigilang tumawa. Eh kasi naman HAHAHAHAHA! XD.
"Tss"
Tatanggalin niya sana yung pagkakahawak niya sa kamay ko pero napigilan ko kasi tawa ako ng tawa.
"If I looked like MCDO then why don't you let my hand go?"tumigil ako ng pagtawa at nagpunas ng luha ko kakatawa.
"You know, I used to be scared of MCDO kasi mukha siyang killer"napakunot yung noo niya.
"So I looked like a killer?"natawa ako sa kanya pero pinigilan ko.
"No. Patapusin mo muna kasi ako"hindi na siya nagsalita at nakinig lang sa akin.
"So yeah I used to be scared but then when I saw him making the children happy, I eventually liked him. And maybe, no, not maybe but, I think it might happen to you too"ngumiti lang siya at ginulo yung buhok ko.
"Fine"pagkatapos nun naglakad na kami papuntang Fun Time.
Andami naming sinakyang rides. Yung mga sumusunod sa amin? Ayun tumigil na at nagkanya-kanyang sakay na ng rides. Halos ata sinakyan na namin pwera dun sa River of Love. Ang corny kasi. Buti na lang pati si Yuki ayaw dun.
"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!!"Sigaw nung dalawang babae sa Bungee Jumping.
"Wanna try that one?"tanong ni Yuki. Napansin niya sigurong nakatitig ako dun sa dalawang tumalon.
"Nah. Ayoko."
"Still have that trust issues huh?"tumango ako.
"Yeah"simpleng sagot ko.
Naglakad na kami palayo dun. Pero rinig ko pa rin yung mga sigaw nila. Buti pa sila, they trust the lines and ropes, that it will not let them fall.
"You look bothered. Is it still about the bungee jumping?"tumango ako. I can't deny. Halata naman eh.
"Don't you trust me?"napatigil ako. I looked at him.
"I do"sagot ko.
"If you do, then can you ride the Bungee Jumping?"sumimangot ako.
"I told you, I don't want to ride it."umiwas ako ng tingin. Masyado kasi siyang nakatitig.
"Besides, hindi yun ang magiging basehan na nagtitiwala ako sayo. I, holding your hand, letting you court me and even k-kiss me"halos pabulong ko ng nasabi yung bandang huli na part. Not yet comfortable with the fact that he took, I mean I gave him my first kiss. Eerrr.
"Is already a sign that I trust you more than anyone except myself"pagpapatuloy ko. Naglakad na ulit ako. He took my hand and locked it again with his, like saying he's satisfied with my answer.
While walking hindi ko maiwasan na tawagin ng nature kaya nagpa-alam ako sa kanya na pupunta ako sandali sa CR. After makipag-usap kay nature, tumingin ako sandali sa salamin at nag-ayos. Hindi naman ako masyado nag-ayos, buhok ko lang kasi magulo na kaka-ride namin ng rides XD. Lumabas din ako agad at bumalik kay Yuki. Naks XD.
Pagbalik ko, nakita ko si Yuki may hawak na 2 na bulaklak.
"Oh ano yan?"tanong ko
"Flowers"tinignan ko siya ng masama. Pilosopo.
"Obvious? Tss"ngumiti siya at inabot sa akin yung flowers. Tatanungin ko na sana siya kung bakit nag-abala pa siyang magbigay ng flowers kaso nagsalita na siya
"I will never stop courting you until one of them dies"napakunot yung noo ko. Eh paano mamamatay ang artificial flower lang to?
"Pero artificial lang to. It will never die"ngumiti ulit siya. Ayan ang gwapo nanaman niya. Bakit ba ngayon ko lang naaapereciate ka-gwapuhan niya? XD.
"Exactly"sagot niya. He then took my hand again but this time he kissed the back of it before locking it with his hand.
"Corny talaga kahit kailan"bulong ko. Infairness. Kinilig naman ako dun XD. Sweet eh. Babae din naman ako no!
Confirmed. This is the best, yet, Valentine's Day for me.
BINABASA MO ANG
If I ever Fall In Love(Editing)
Teen FictionSi Miruchan ay isang babaeng gusto malaman kung paano ang mainlove. Ang tanong maiinlove kaya siya? Magugustuhan ba niya? O magsisisi siya na ginusto niya pang malaman kung paano ang mainlove?