Chapter 1

253 12 2
                                    

(Miruchan's POV)

Nagsimula akong maglakad papunta sa classroom ko. Umagang umaga pakiramdam ko pagod ako. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang marinig ang mga chismis sa paligid.

"Nakakainis talaga siya" bulong ng isang babae sa kaibigan niya.

"Bakit ba close siya sa boys? aish!"

"Malamang nilalandi niya"

Hay naku sawang sawa na ako sa mga comments na yan. Sapakin ko kaya kayo? Aga aga wala kayong magawa.  Kasalanan ko bang maganda ako? Tss. Charot!

"Boooooossss!" napalingon ako sa siaw ng dalawang lalake na tumatakbk papunta saken.

"Uno! Dos!"Sigaw ko sa kanila pabalik.

Tres? Hahahaha!

Lumapit sila sa akin. Si Uno at Dos ay kambal. Magkamukha talaga sila(kasi nga kambal! Tss) kaya sabi ko Uno tawag ko dun sa mas nauna at Dos sa pangalawa. Bata pa lamang ay kaibigan ko na sila kaya medyo sanay sa sila sa tawag ko sa kanila.

"Yan ka nanaman sa Uno mo eh!" reklamo ni Jun sa akin.

"Oo nga! Dos pa ako!"pacute naman ni Julian.

"Oh edi June at July na lang"pang-aasar ko. Jun at Julian kasi ang totoong pangalan nila. Ang sabi sa akin ng magulang nila, si Jun ay pinanganak ng June 30 at si Julian naman ay July 1, 12:00am. Kaya Jun at Julian ang pinangalan sa kanila. Haha


Dumistansya ako ng kaunti sa kanila dahil malamang sisigaw nanaman sila. Mga isip bata.

"'Waaaaaaaag! Ang panget!"Sigaw nilang dalawa sa akin. Halos matakpan ko na yung tenga ko sa sobrang lakas ng sigaw nila.

"Hahahaha joke lang! Makasigaw wagas?" Umiling ako sa kanila at nagsimula nang maglakad papunta sa room. Nasa quadrangel kami kanina. Habang naglalakad ay may naisip ako. Huminto ako at humarap sa kanila na halatang nagulat sa paglingon ko.

"Teka lumayo nga kayo sa akin"sabi ko at kunwaring pinapalayo sila.


It's asaran time! Bwahahahaha! Masyado kasing gullible yung kambal kaya masaya silang asarin. Uto-uto.

"Hala! Bakit naman?!"sabay nilang sabi. Kailangan talaga sabay eh noh?


Huminga ako ng malalim. Para masaya ang aktingan. Tumingin ako sa kanilang dalawa at malungkot na ngumiti.

"Alam niyo bang nagseselos ang boyfriend ko sa inyo"malungkot kong sinabi. Hinintay kong magbago ang reaksyon nila.

"Akala ko naman kung ano-- WHAAAAAAAAAAAAT?! Boyfriend?!"Sabay ulit nilang sabi.

Kambal talaga eh 'no? Kailangan sabay?

"Hindi. Hindi. Girlfriend! Babae ako eh! Tss. Malamang, boyfriend!" Pagtataray ko kunwari. I crossed my arms and looked at them.

"Teka kailan pa?!" Tumingin ako kay Uno na diretsong nakatingin saken.

"Since when?!" Napatingin naman ako kay Dos na nilingon din ni Uno.

"Teka ginaya mo lang sinabi ko eh" biglang binatukan ni Uno si Dos na halatang nasaktan.

"Wapakels! Epal ka!" Sigaw niya na akmang gaganti rin. Magsasaguntan nanaman yang mga yan kaya sumingit na ako.

"Basta mamimiss ko kayo. Sorry"malungkot kong sambit at tsaka nagsimulang maglakad palayo sa kanila.

"Hoy! Seryoso ka?!"

Pinigilan ko ang pagtawa ko at nagpatuloy sa paglakad.

"Hoy! Sino yun?? Aabangan ko yun!!"

If I ever Fall In Love(Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon