(Miru's POV)
Naglakad kami ng medyo malayo ni Yuki. Ang ganda nung lugaaaaar! Daming puno! Ang dami pang mga bulaklak. Para kang nasa paraiso! Ang ganda rin ng dagat. Kahit pagabi na, makikita mo pa rin yung linaw nung tubig.
"Are we there yet?" Pagtatanong ko. Napapagod na kasi ako kakalakad!
"We're here" lumusot kami sa nakaharang na vines at talaga namang kinagulat ko ang nakita ko sa likod nito.
"Woooooooow" sobra akong namangha sa ganda nung lugar. May kubo dito na napapaligiran ng mga bulaklak. Sa tapat nito ay dagat at isang isla. Ang buhangin ay puti at may mga nagkalat din na shells dito. ANG GANDA! SERYOSO!
"Beautiful, right?"
"This is beyond beautiful!" Humiwalay ako sa kanya at naglakad lakad. Ang gandaaaa!
"Paano mo nalaman 'tong lugar na 'to, Yuki?" Nakita kong nakatingin lang siya sa dagat.
"Hhmm.. Naglalakad ako nung mapadpad ako dito. Tas mula nun, lagi na ako nandito" tumango tango naman ako.
"Madalas siguro kayo dito ng pamilya mo? Dito kayo tumatambay 'no? Ganda dito eh"
"Nope. Ikaw palang dinala ko dito"
"Ha? Hindi alam ng pamilya mo 'tong lugar na 'to?"
"Nope"
Woooow. That's very.. Flattering? To think na ako palang dinala niya dito. Nakita kong pumasok ito sa kubo at umupo habang nakatingin sa akin. Muli kong nilibot ang paningin ko sa lugar. Buti nalang dala ko cellphone ko. Halos picturan ko ang buong lugar dahil lahat ay maganda.
"Yuki!" Tawag ko dito kahit na alam kong kanina pa niya ako pinagmamasdan. Tumayo siya at lumabas ng kubo.
"Picture tayo!" Lumapit ako sa kanya at tinapat sa amin ang camera.
*click*
"Isa pa"
Nagpeace sign ako at siya walang pinagbago. Nakapokerface lang, pero nagulat ako ng bigla siyang lumapit ng sobra at pinulupot ang kamay niya sa bewang ko.
*click*
Namumula ako dun sa picture at hindi nakangiti dahil sa gulat.
"Isa pa" this time siya naman ang nagrequest. Kinuha niya ang phone sa kamay ko at biglang humalik sa pisnge ko na lalo kong kinagulat.
*click*
Tinignan niya yung picture at nakita kong ngumisi ito. Napansin kong kinakalikot niya yung phone ko pero hinayaan ko lang dahil ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Yuki, what are you doing to me?
"Pretty. Pasa mo saken 'to"
"A-Akin na nga yan!" Inagaw ko yung phone at tinignan yung picture. I-Its.. actually cute.
"Miru" napatingin ako dito.
"Let's take another picture"
"A-Ano nanaman?"
"This time, you're the one that will kiss me"
"HA?! AYOKOOO!"
"Dali na. Pagbigyan mo na ako. Minsan lang ako magrequest eh"
I-It's not really a big deal to me. Pero kasi.. Nahihiya ako!
"Fine" lumapit ako sa kanya. Kinuha niya yung phone niya at tinapat sa amin. Nilapit ko yung mukha ko sa mukha niya hanggang sa dumampi ang labi ko pisnge niya.
*click*
Hihiwalay na sana ako kaso naramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko at hinila ako papalapit sa kanya. Bigla siyang humarap at sa sobrang bilis ng pangyayari, di ko namalayan ay dumampi na ang mga labi niya sa labi ko.
BINABASA MO ANG
If I ever Fall In Love(Editing)
Teen FictionSi Miruchan ay isang babaeng gusto malaman kung paano ang mainlove. Ang tanong maiinlove kaya siya? Magugustuhan ba niya? O magsisisi siya na ginusto niya pang malaman kung paano ang mainlove?