(Miruchan's POV)
Nasa P.E Center kami ngayon, P.E kasi namin. Kaya nga nasa P.E center diba? Kasi p.e? Tss! Sorna ah? Sorna!
"Okay, for today's activity, you will create a play or skit that should contain a language that will be assigned to you. Choose your own group for now and decide who will be the leader. The leader will be the one to pick the language that you will use" drama? Come on! I'm not good at this..
Automatic na nagpunta si Yuki, Uno, Dos, Third and Elaika sa akin. Anim na kami. Pwede na siguro 'to.
"Miruchan will be the leader"napatingin ako kay Elaika bigla. Ako?!
"Teka! Bakit ako?!"sigaw ko. I never wanted to be a leader at something. I still don't have confidence for this kind of things.
"Okay"sabay sabay nilang sagot. Haist! Wala na akong magagawa, nag-okay na silang lahat.
"Okay, lahat ng leader lumapit sa akin"isa-isa kaming lumapit kay Sir Mark, prof namin sa P.E.
Pinapili niya kami ng language na kailangan namin gamitin sa skit namin. Automatic na pinili ko yung Korean/Hangul dahil mahilig ako manood ng K-Dramas at fan ako ng Kpop Group tulad ng Girls'Generation at Super Junior. Madalas na rin ako nakakagamit ng mga expression nila. I know how to read at write Hangul too, so ito ang pinili ko para madali. Hindi naman daw kailangan buong sentence at skit namin Korean ang gagamitin namin. It's supposed to be a mix of English and Korean. KONGLISH XD.
"Korean kinuha ko. Okay lang?"tanong ko sa mga ka-grupo ko. Pumayag naman sila lalo na si Elaika. Gusto niya rin kasi ang Kpop.
"Mr.De Guzman, why are you late?"napatingin kami sa entrance ng P.E Center. Late nga si Iceah. Di ko alam kung ako lang nakapansin nito, pero tuwing tinitignan ko si Iceah, parang ang linis linis niya. Yung aura niya malinis din. Kaya di ko alam kung bakit umiitim ang aura ni Yuki kapag kasama namin siya. Mabait naman siya, makulit at friendly din. Ganun ba talaga ang mga lalaki? Lahat ginagawang ka-kompetensya? Hay naku. Wag na muna yun ang isipin natin. Bakit kaya siya late?
"Sorry Sir. I had to take the test from OSA"tumango naman si Sir na parang alam niya yung tinutukoy ni Iceah. Yung OSA parang yun yung sumunod sa guidance office dito.
"Okay, I understand. Find a group and discuss what you'll have to do"nilibot ni Iceah ang paningin niya hanggang sa nakita niya ako. He smiled and waved at me, I did the same. Naramdaman kong sumama ang aura ni Yuki. Oh c'mon.
"Can I join your group?"pagbati ni Iceah
"No"sagot ni Yuki at Uno. Da hell.
"I'm not talking to both you though"humarap siya sa akin at ngumiti.
"Leader, can I join your group?"I nodded and he sat in the middle of me and Elaika.
"Hi Elaika"pagbati niya
"Yo~ Ice Ice baby"pagbati naman ni Elaika. Parehas kaming natawa pero si Dos ang sama na rin ng tingin kay Iceah. Anong problema ng mga 'to? Selos? *facepalm*. They really need to trust their partners.
"Hey guys, let's make this team's aura brighter. Keep your personal business out, especially your emotions"umiwas lang ng tingin yung iba. Si Third as usual, no comment. Nagsimula na kami ni Elaika gumawa ng scenes. Obviously kami lang ang in-charge dun dahil puro lalaki ang kagrupo namin.
"Pwede bang gumaya na lang tayo ng scenes sa mga k-dramas?"Siguro wala rin siyang maisip na pwedeng gawin.
"Pwede na siguro yun. Wala naman sinabi si Sir na bawal kumopya sa iba eh HAHAHA"nag-apir kami bigla at sabay na tumawa. Maya-maya biglang lumapit si Iceah sa amin at nakitulong sa ginagawa namin.
BINABASA MO ANG
If I ever Fall In Love(Editing)
Teen FictionSi Miruchan ay isang babaeng gusto malaman kung paano ang mainlove. Ang tanong maiinlove kaya siya? Magugustuhan ba niya? O magsisisi siya na ginusto niya pang malaman kung paano ang mainlove?