Chapter 35: I'll catch you

59 8 0
                                    

(Miru's POV)

After my self-reflection, I invited Yuki to lunch. Hindi ko alam pero gusto ko siya makasama. Gusto ko patunayan na mali ang nararamdaman ko. Gusto ko rin makasigurado sa dito. And nakatulong na rin ang mga projects na ipapasa namin next week. Ginawa ko na rin yun na dahilan para magpasama sa kanya.

Nasa mall kami ngayon ni Yuki. Naghahanap ng mga gamit na gagamitin para sa project namin.

"Miru"tawag sa akin ni Yuki kaya napatingin ako sa kanya

"Bakit?"

May pinakita siyang libro sa akin.

"How to Fall in Love" ang title. Tinignan ko siya ng masama at kinuha yung libro.

"Are you kidding me?"then pinalo ko ng mahina yung ulo niya gamit yung libro

"Ibalik mo yan dun"tumalikod na ako sa kanya at naghanap na ulit nung mga gamit sa listahan ko.

Habang naghahanap may kumausap sa akin bigla.

"Hi Miss"tumingin ako sa kanya. Student din siya pero ibang school.

Hindi ko siya pinansin. Tinignan ko yung listahan ko. Malapit na pala makumpleto.

"Miss pwede matanong pangalan mo?"Siya nanaman? Ano ba kailangan nito?

"No"simple kong sagot sa kanya. Hinawakan niya ako sa braso kaya napaharap ako sa kanya. Tinanggal ko yung pagkakahawak niya sa akin.

Tinitigan ko siya. May mark siya sa leeg. May taglay na kalandian pala toh eh.

"Pwede ba tigilan mo ko. Hindi ako pumapatol sa may kalandiang iba okay?"tumalikod na ako sa kanya.

Asan na ba si Yuki?!

"Huh. You saw it? What a nice eyes. Now I like you more"lumapit siya sa akin at hinawakan ako pero biglang may kumuha ng kamay niya.

"Don't touch her again."then tinulak ni Yuki yung lalaki.

Hinila niya ako palayo.

"Are you alright?"tumango lang ako.

"Let's finish this"

Hindi na niya binitawan yung kamay ko. Siya na ang humanap ng ibang things na kailangan namin. Pagkatapos nun naglakad lakad kami sa mall.

"Are you sure you're alright?"

"I'm fine"

Hindi na niya ulit ako tinanong. Haist. Naalala ko ulit yung lalaki kanina. Wala na ba talagang matinong lalaki ngayon? May kalandian na, naghahanap pa ng iba.

Nakarating kami ni Yuki sa foodcourt. Kumain kami sa Baliwag.

"Ang lakas mo kumain"bulong ni Yuki

"Eh sa gutom ako eh! Ikaw din naman ah. Malakas ka rin kumain"sabay turo ko sa kinakain niya. 2 rice tapos chicken bbq at sinigang.

"You cheater!"napatingin ako dun sa babaeng sumigaw.

"Wait babe let me explain"tumayo yung lalaki at lumapit dun sa babae

"Don't babe me!"tapos tumakbo yung babae. Hinabol siya nung lalaki. Yung babae naman na kasama nung lalaki kanina tumatawa lang.

"Wala na talagang matino dito"bulong ko sa sarili ko

Pagkatapos kumain napadaan kami sa department store. May bibilhin daw si Yuki. Habang naglalakad napahinto ako sa tapat ng tv.

"Ang ganda ng teleserye na ito noh?"bulong nung saleslady

"Ano bang title niyan?"

"Temptation of wife"

Tsk. Tungkol sa kabit nanaman? Sumikip dibdib ko. May naalala ako.

Sinundan ko na lang si Yuki. Maya maya umuwi na kami.

Nasa bahay kami ngayon.

"Hey ano nangyari sayo?"Yuki

"May naalala lang ako."

"Can I ask what is that?"

"Yeah. Its about the reason why I'm afraid"

Nabigla siya. Alam ko naman na matagal na niyang gustong malaman yung reason ko kung bakit takot ako.

"Bakit nga ba?"Yuki

Huminga ako ng malalim.

"I grew up with boys. I know boys. I have an uncle that is really close to me. So close that I know everything he does. He cheats, he uses girls for money. Sabi niya normal lang daw yun sa lalaki. Nung una hindi ako naniniwala dun. But as I grew up, I met different people. And mostly all the boys that I have met has an affair or unfaithful. Tulad kanina. Yung lalaki sa NBS kanina may girlfriend na yun pero naghahanap pa ng iba. Yung sa foodcourt. Another case ng unfaithfulness at no loyalty"

He's looking at me.

"Alam kong hindi lahat ng lalaki pare-parehas. Of course I know that. But I believe in karma."

"Karma? Did you do something bad?"

"No. But my father did. Karma is three times stronger diba? Na hanggang sa apo mo aabutin ng karma mo."

"He cheated right?"

I just nodded.

"I'm afraid na dahil sa ginawa ng papa ko, baka ako naman ang maloko. Baka sa akin bumalik ang karma. And I don't want that"

Yumuko ako at pinunasan ang luha ko. Ayakong dahil sa ginawa ng papa ko baka madamay ako sa karma niya.

"He regretted it. I know that. Kaya kahit anong nagawa niya hindi ako nagalit. Nawala na yun. But still I'm afraid"

Nakita ko siyang lumapit sa akin at niyakap ako. He hugged me so tight.

"Natatakot ako dahil hindi ako sigurado sa nararamdaman ko. Dagdag pa yung karmang on the way na"

Narinig ko siyang napatawa ng mahina. Medyo gumaan yung loob ko dun.

"Don't be afraid"

"But I'm also afraid of falling"I whispered

Niyakap niya pa ako ng mas mahigpit and then whispered back.

"Don't worry. No matter what happen, I'll be here to catch you"

If I ever Fall In Love(Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon