(Miru's POV)
Malayo palang kami sa bahay ay nakita ko na ang pamilyar na lalaking nasa tapat ng gate namin. Nakita ko namang humarap ito sa gawi namin ng malapit na kami. Pagkababa ay sumalubong ito sa amin.
"Miruchan" malumanay na pagtawag nito.
"Jun. Anong ginagawa mo dito?" Pagtataka ko. I mean, ngayon ko nalang ulit ito nakita. Madalang ko itong makasalubong sa campus kahit na may mga subject na magkaklase kami.
"I wanna talk to you" tumango ako. Mukhang alam ko na kung ano pag-uusapan namun. Nakita ko itong tumingin sa likod ko. Naramdaman ko ang prensensya ni Yuki kaya naman hinarap ko ito.
"Yuki. Umuwi ka muna ngayon" tumango lang ito. Ang inaasahan ko ay tatalikod ito pabalik sa sasakyan niya ngunit nagulat ako ng lagpasan ako at si Uno nito at akmang didiretso sa loob ng bahay ko.
"Woy! Sabi ko uwi ka muna" tumingin siya sa akin na parang nagtataka.
"Oo nga" tumalikod ito ulit at naglakad papunta sa bahay.
"Woy! Umuwi ka muna!" Napakamot ito ng ulo at tumingin sa akin ng nakakunot ang noo.
"Ano ba sa tingin mo ginagawa ko? Umuuwi na diba?"
What the..
"Sa condo mo!" Sigaw ko
"Nah. Andito ang uniform at gamit ko. Anong gagawin ko sa condo ko? Tss" tumalikod na ulit ito at pumasok sa bahay ko. Hanep. Nasapo ko nalang noo. Ano pa nga bang magagawa ko?
"So you live together now?" Nagulat ako sa tanong nito.
(Uno's POV)
"So you live together now?" Pagtatanong ko. Nakita ko namang nagulat ito sa akin.
Nakakainis. Ibig sabihin ba nito lagi silang magkasama sa bahay niya? Wtf. Alam ba ni Tita 'to?
"No. Madalas lang siya nandito. Ano ba gusto mong pag-usapan?" Di ko alam kung bakit ganito siya makipag-usap sa akin. Para bang wala lang. Walang emosyon. Walang pakialam.
Oh baka nag-iisip ka lang at napa-praning.
"I waited for you" napakunot naman ang noo nito.
"What?"
"I waited for you" pag-uulit ko.
"Waited for me? Saan naman?" Inosenteng tanong nito. Pinagt-tripan ba ako nito?
"Nung tinawagan mo ako nung nakaraan. Hinintay kita Miruchan, pero hindi ka dumating" bahagyang tumingala ito. Ganyan siya kapag nag-iisip. Akala mo ay nasa itaas ang sagot sa tanong na iniisip niya.
"Ah. Dun sa bar?"
"Yeah"
"Bakit mo ko hinintay?" Napakunot ang noo ko. Wtf.
"Ano ibig mong sabihin? Hindi ba't pupuntahan mo dapat ako nun?"
"Bakit mo naman naisip yun?" Parang umiinit ang dugo ko. Naiinis ako!
"Dahil tinanong mo kung nasaan ako. At sinabi kong hihintayin kita. Kaya inaasahan ko ay pupuntahan mo ako, kaya naghintay ako! Pero sino ang dumating? Si Julian!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong sumigaw.
"Wala akong sinabing pupuntahan kita. Wala rin akong sinabing maghintay ka. Kaya wag kang umaktong parang hindi kita sinipot" napahinto naman ako. What? Bakit ganito siya magsalita?
"Bakit mo ko tinawagan nun?"
"Dahil hinahanap ka ni Alyana. Look, kapatid ang turing ko sayo Jun. Gustuhin ko mang puntahan ka ng mga panahong iyon ay hindi ko rin magagawa"
![](https://img.wattpad.com/cover/8629962-288-k418371.jpg)
BINABASA MO ANG
If I ever Fall In Love(Editing)
Teen FictionSi Miruchan ay isang babaeng gusto malaman kung paano ang mainlove. Ang tanong maiinlove kaya siya? Magugustuhan ba niya? O magsisisi siya na ginusto niya pang malaman kung paano ang mainlove?