Chapter 2

193 11 6
                                    

(Blake's POV)

Hinila kami ni Pauline papunta sa likod ng school. Sabi na eh! Hinding hindi kami makakalusot kay Channie! Bakit ba kasi alam niya kung paano kumilos ang lalake? Tsaka bakit ang dami niyang source??

"Bitawan niyo na" napatingin ako kay Miruchan at kitang kita sa mukha niya na galit siya. Shit. Umupo siya sa may damuhan habang kami ni Pauline nakatayo at sila Uno at Dos ay nakabantay.


"What the hell is happening between the two of you?" Nagkatinginan kami ni Pauline at sabay kaming napatingin sa kanya.


"Nothing!" agad na pag-deny ni Pauline. 

"Yeah. Walang namamagitan sa amin" dagdag ko sa sagot ni Pauline. Fuck. Alam ko namang alam na niya pero bakit dini-deny ko pa? Tumingin siya sa paa ko sabay ngisi. Argh. Hindi ko mapigilan yung paa ko.

"Talaga?" tinignan niya ako sa mata at nagsasabing aminin ko na dahil nahuli na niya ako. Bakit ba kasi kapag kinakabahan kami eh kumikilos ng kusa ang paa namin? 


"You'll tell me the truth in the easy way or in a hard way?"pagbabanta niya sa akin at alam kong hindi siya nagbibiro. Sht. Minsan lang manakit 'to at alam kong masasaktan talaga kaming dalawa kapag pinagpatuloy ko pa ang pag-deny ko.

The two chuckled. Mukhang alam nila kung ano yung hard way. 


"Ano? Aamin ba o hindi?"

 "Miru naman eeehhhh" sinubukan kong magpa-cute sa kanya pero walang effect dahil tinignan lang niya ako. Tumingin ako kay Pauline at huminga ng malalim. Kinakabahan siya. Alam niya kasi kung ano kaya gawin ni Miru. Eh paano parang lalake yan si Miru eh.


"Pauline let's break up" Napatingin siya sa akin at nanlaki ang mga mata.


"What?!" nagsalubong ang mga kilay niya at tinitigan ako. Bakit ganyan siya makatingin? Hindi naman seryoso yung relasyon na mayroon kami.


"Ooohhh, now I know" napasulyap ako sa sarcastic na si Miruchan. Hays.


"I said let's break up. Look we both know this is just a game" Yeah this is just a game. Eh bored kasi ako nung na-dare sa amin yun. Alam ko mali pero, katuwaan lang yun eh! Tsaka malay ko bang papayag si Pauline? I know, mali pa rin ako and I can't justify what I did.


"Okay,  you may go now" Laya na ako? Paano si Pauline? Tumayo si Miru at lumapit kay Pauline at biglang sinuntok ni Miru si Pauline sa mukha! Lalapit sana ako kaso pinigilan ako nila Uno at Dos. Grabe. Nakalimutan ata ni Miru na babae pa rin yung kausap niya. Sana sinampal nalanh niya diba? Ang hard niya eh!


"Kung ayaw mo madamay wag ka lumapit"


"Yeah right"


Nakatingin lang si Miru kay Pauline. Teka parang naluluha siya. Anong nangyari dito?


"Alam mo ba kung ano yung binulong ni Louie sa akin kanina? Huh?!" halata sa boses ni Miruchan ang galit. Bakit ganyan siya kagalit?!


"Alam mo bang monthsary niyo na bukas?! Alam mo bang gusto niyang ipaayos sa mga janitors yung stage at gumawa ng special program para sayo? Tapos malalaman kong ganito lang pala ang ginagawa mo sa kanya? Heh. Nakakagago talaga kayo" Binitawan niya si Pauline at nagsimula na siyang maglakad palayo sa amin.


"Tell him the truth. Break up with him or else..."Hindi na tinuloy ni Miru ang sasabihin niya. Matik na yun. Ngayon ko lang siya nakitang ganun. Umalis na sila. Kami na lang ni Pauline ang nandito. Tinulungan ko siyang tumayo.

"Ang sama ko. Tama si Miru. I don't deserve Louie" bulong niya bago tumayo at tumakbo paalis.

Yari ako kay Channie nito mamaya. Sorry, Louie. Hindi ko alam. Shit.


(Miru's POV)

Paking teyp talaga! Bwisit! Kaya ayoko magboyfriend eh! Puro manloloko ang mga tao! Nakakainis talagaaaaaaa! I know. Napaka-OA ko. Eh kasi naman! Nakakabadtrip eh. Bumalik na ako sa room. Umupo sa isang gilid. Gusto nila akong lapitan pero di nila magawa. Nakikita siguro nila ang black aura ko. Naramdaman kong may dumating sa likod ko at alam kong si Pauline yun ngunit hindi ko nalang pinansin.

"Mosh!" tumayo si Louie at sinalubong si Pauline.

"Louie, let's break up" Paking teyp talaga! Ngayon na? Agad agad?! Sa harap ng maraming tao? Gago ba talaga 'tong babaeng 'to?! Humarap ako sa kanya tapos binato siya ng sapatos. Oo, sinabi kong makipag-break siya pero hindi ganito. Ano kailangan informed lahat ng classmates namin? Tsaka sabi ko sabihin niya yung totoo hindi lang basta break.

"Ayos ka talaga 'no? Siya pa talaga ipapahiya mo?!" sigaw ko ng mabato ko ang sapatos sa kanya

"Miru ano ba?!" humarang naman si Louie para protektahan ang girlfriend niya. Nainis ako lalo. Binato ko ulit yung sapatos ko pero this time kay Louie.

"Bobo! Manhid! Bwisit! Alam mo bang niloloko ka ng syota mo?! G*go hindi mo alam dahil masyado kang matiwala!"

Napatulala si Louie pero agad din naman natauhan at tumingin kay Pauline.

"Totoo ba yun?"

Sumenyas ako kila Uno para lumapit kay Louie. Yung boses kasi ni Louie iba na kaya mananakit na yan.

"O-Oo. Sorry" 

"Sh*t!" inaawat nina Dos si Louie. Na saan na yung Blake na yun? Yari siya sa akin mamaya! Maya maya lumabas si Louie habang hawak yung bag niya. Sinundan ko siya.

"Wag mo ako sundan"sabi niya pero sa boses niya  "Please sundan mo ako. Kailangan kong kausap"

 Oh bakit? Alam ko yung ganun 'no! Sa mga palabas kaya ganun! Sinundan ko siya hanggang clinic.

"Ah sir ano pong nangyari?" sinalubong kami ng Nurse sa clinic.

"Ah, masakit po dibdib ko. Kailangan ko po magpahinga" Agad naman siyang sinamahan ni Mam Nurse sa bed.

"Magbabantay po ako"

"Okay"

Habang nakahiga si Louie umiiyak siya.

"Bakit ka umiiyak? Para kang tanga"

"Malamang masakit eh"

"Bakit masakit?"

"Mahal ko eh"

"Bakit kailangan umiyak?"

 
Nakakagago yung tanong ko noh? Sensya naman wala akong alam sa ganyan eh. Hindi pa kasi ako naiinlove. Pero wag nga kayo. Alam ko naman talaga yung rason kung bakit siya umiiyak. Hindi ko lang talaga maintindihan.

"Dahil nga masakit. Alam mo hindi mo naman maiintindihan eh"

"Alam ko. Wala naman kasi akong alam at pake sa ganyang mga bagay kaya bakit kailangan mong iyakan ang isang bagay na wala naman pakialam sayo?"

"Bakit nga ba? Naiingit tuloy ako sayo."

Ako kaya yubg naiingit sa inyo minsan. Kasi obvious naman na masaya kayo dahil inlove kayo.

"Hindi mo nararamdaman ang mga bagay na ganito. Yung sakit kasi you're too naive"

"Masaya na ako sa ganito noh. Kesa naman yung ganyan nakakaawa"

"Masaya ka nga kaso alam mo mas nakakaawa ka. Kasi di mo alam ang mga bagay na ganito. Mahalaga rin ito sa buhay. Kaya kapag ikaw nainlove sigurado ako mas malala 'to sa iyo" nagtakip siya ng unan sa mukha niya upang itago ang sarili niya sa akin. Napaisip tuloy ako. Ganyan ba talaga kaoag broken hearted? Parang lalo ko tuloy ayaw mainlove! Ayoko na. Wala talaga akong balak na mainlove. Lalo tuloy ako natakot.

If I ever Fall In Love(Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon