Chapter 37: Valentine's Day

58 8 0
                                    

(Miru's POV)

Araw ng pag-ibig. Geez. Daming nagkalat na mga couples. Si Joshua at Cyla, Mhark at Hannah, dumagdag pa ang Alyana at Uno couple. Aba aba! Ang saya saya nila! Tapos these past few days si Dos at Elaika laging magkasama which is hindi naman na bago, ang bago lang is sobrang sweet ni Dos!

Napansin ko nga, hindi na niya masyado pinapansin si Mica. Tapos, lagi siyang nakahawak sa kamay ni Elaika. Lagi siyang nakasunod kay Elaika tapos magugulat na lang kami hahalik siya sa pisnge niya. Nakakapanibago talaga! Hindi na ako updated sa lovelife nila ah!

Si Third? Ayun, nakanganga pa rin. De joke HAHAHA! Close na sila ni Chaerin. Close lang. #FRIENDZONE siya eh HAHAHA! Kawawa naman si Third :(

Ako? Ito wala HAHAHA! Yung date na nangyari last time? Ayun okay naman siya. Nag-gala lang kami actually. Tapos kumain and then ayun onting ilang kasi nakahawak talaga siya sa kamay ko buong gabing yun. Para akong bata na ayaw niyang mawala.

Friday ngayon. May pasok. Kawawa yung mga couples na hindi makasama mga partner nila dahil may klase.

"Excuse me! Love letters delivery! "sigaw nung Secretary ng SSG. Bakit siya yung nagde-deliver?

Ah hindi niyo ba gets ? Ganito kasi yan, every February naglalagay sila ng Lovebox sa labas ng SSG quarters tapos pwede ka maghulog dun ng letter for someone. Kailangan nga lang pasimple mo yun gagawin. Okay lang kahit walang name kung kanino galing basta meron nakasulat kung para kanino yung letter. Dun lumalabas yung mga makata HAHAHA XD.

"For Elaika!"sigaw nung secretary. Lumapit siya tapos inabot sa kanya yung mga letters na para sa kanya. Yep, LETTERS, meaning madami. Mga 5 yung letters na binigay para sa kanya. As expected, for our muse. Malamang niyan may kasunod pa. Feeling ko hindi lang 5 yung letters para sa kanya. Baka mamaya pa ibigay yung iba. Habang palapit siya sa pwesto niya which is katabi si Dos biglang may inabot si Dos na letter.

WOW! HARAP-HARAPAN NIYA BINIGAY! O______O!!

"Oh para sayo"walang bakas ng hiya sa boses niya. Aba aba talaga! Nakita kong namula si Elaika at kaagad inabot yung letter galing kay Dos. Tinago niya yung iba at yung kay Dos ang hawak niya.

"For Yhen"may inabot sa kanyang isang letter. Isa lang yun pero tuwang-tuwa na siya.

Ako mula 1st year ko, dalawa pa lang ang natatanggap ko. Ewan ko pero mula nung nag-2nd year ako may nagbibigay na sa akin na isang letter. Hindi ko alam kung magbibigay pa rin siya ngayon.

Madami pang nakakuha ng letters. Si Dos at Uno may natanggap din na letters. Hindi na bago yun since madami naman nagkaka-gusto sa kanila dito sa school. Wala siguro akong letter this year. Okay lang yun.

"For Yuki Tamaro?"nagulat kami hindi dahil may letters para kay Yuki, ang ikinagulat namin ay yung dami! Mga dalawang dosena ata yung letters para sa kanya!! Ganun ba siya ka-gwapo para makatanggap ng letters na ganun kadami?!

"EDI IKAW NA GWAPO!"Sigaw ng mga classmates namin. Huwaw!

Humarap siya bigla sa akin.

"May letter ba dun na galing sayo?"mukhang wala siyang balak kunin yung mga letters ah? Kailangan may galing sa akin?

"Why don't you see it for yourself?"napangiti siya at agad tumayo para kunin yung letters.

Sa totoo lang, meron talaga akong letter dun para kay Yuki kaso hindi siya love letter. More of a thank you letter siya. Pagkakuha niya nung letters na para sa kanya hinanap niya na agad yung akin. Pero sa dami nun mukhang matatagalan siya.

"Mamaya mo na hanapin"sabi ko. Huminto naman siya at tinago yung letters niya. Humarap siya ulit sa akin.

"Miru are you expecting a letter?"tanong ni Yuki.

If I ever Fall In Love(Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon