(Uno's POV)
"What?"tanong ni Yuki nung nilapitan namin siya at hinila pagkatapos niya kausapin si Miru sa telepono.
"May gusto ka ba kay Miru?"Hindi siya sumagot at tumitig lang sa amin. May pagka-weirdo rin talaga 'tong lalaking 'to eh.
"State of the obvious bro"sagot ni Dos
"Ikaw ba kausap ko?"nag-belat lang siya. Tsk. Epal talaga kahit kailan. Tumingin ulit ako kay Yuki. Nakatingin lang siya sa amin. Akala ko ba madaldal 'to? Pinaglololoko ata kami ni Miru eh.
Bigla siyang tumalikod at naglakad.
"Hoy kausap kita!"sigaw ko. Hinabol KO siya pero bago pa man ako makalapit sa kanya sumagot na siya.
"Tulad ng sabi ng kambal mo state of the obvious"napatigil ako. So hindi pala siya nagbibiro.
"Ano nagustuhan mo sa kanya?"tumigil siya sa paglalakad. Ang tagal niyang nakatayo lang. Nanigas na ata? Baka wala ng masagot? Maya maya humarap siya sa amin at ngumiti.
"Siya mismo"tapos tumalikod na siya ulit at naglakad. Lumapit sa akin si Dos.
"Ano?"tanong KO ng kinalabit niya ako.
"Kapag sinabi KO ba yun kay Mica kikiligin yun?"binatukan KO siya.
"Gagu!"sigaw ko. Mas iniintindi pa si Mica kesa kay Miru! Isa pa 'to si Dos. Mukhang nasa love triangle. May gusto si Elaika sa kanya pero siya may gusto kay Mica habang si Mica ewan ko dun.
"Oy mag usap nga tayo"tapos naglakad na kami pauwi.
(Elaika's POV)
"Waaaaaaaaaaah! Tinext ako ni Crush :3"sigaw ko kila Miru
"Pinapaasa ka lang niyan"sabi ni Chaerin
"Wala kang pag-asa jan"singit naman ni Miru
"Thank you sa suporta mga kaibigan kong tunay. Thank you talaga!"pagda-drama KO. Napaka-supportive ng aking mga kaibigan.
"Teka, si Dos yan diba?"tanong ni Miru. Nag-init bigla yung mga pisnge ko. P-Paano niya nalaman?
"Confirmed! Wala ka ngang pag-asa! May gusto kay Mica yan eh!"nag-pout ako. Pumabilog kami ng pwesto. Kasama ko si Chaerin at Miru.
"Tsk tsk tsk na-bestfriend-zone ka bhe!"napa-simangot ako dun. Oo nga. Bestfriend-zoned ako<///3
"Kasi naman bakit sa best friend pa nainlove?"tanong ni Miru
"Di KO alam"sagot KO
"Sabagay, hindi natin mapipili ang mamahalin natin. Parang upuan lang yan. Pwede mong piliin ang upuan kung saan ka uupo pero hindi mo mapipili kung sino ang tatabi sayo"saan kaya nahugot ni Chaerin yun?
"Hugot Chaerin! Hugot!"sabay namin sigaw ni Miru.
"Pero depende din yan. Parang seating arrangement lang yan . Di mo mapipili ang tatabi sayo dahil nakatakda na ang taong uupo sa tabi mo"
"Isa ka ring hugot Miru!"sabay apir nung dalawa. Ano ba yan :3.
"Elaika naman kasi. Maghanap ka na lang ng iba. Madami namang iba jan. Hindi lang kay Julian Morales(Dos) umiikot ang mundo Elaika"Napangiti ako sa sinabi ni Chaerin.
"Nagsalita ang di makahanap ng iba"parinig ni Miru. Humarap siya sa akin.
"Alam mo Elaika, hindi mo kailangan maghanap ng iba. Kung si Dos ang para sayo then go! Kung masasaktan ka at least you tried. Kasi malay mo kapag nasaktan ka dun mo mahanap yung para sayo. Lagi mong tandaan na lahat ng nangyayari sayo ay para sa ikabubuti mo if your looking at it positively. Just do what you think is right. Just do what you want"pagpapayo ni Miru. Nabuhayan ako sa sinabi niya.
"Naks naman Miru. Masyado malalim yun ah? Saan mo nahugot yan?"tanong ni Chaerin.
"Oo nga?! Saan mo nahugot yun? Ibig sabihin ba nun nagmo-move ka rin kay Yuki?"tumili bigla si Chaerin
"Naks naman Miru."akmang kikilitiin si Miru
"Letse dinamay niyo nanaman si Yuki. Pero alam niyo, I'm willing to give him a chance"napatili kami ni Chaerin.
"Waaaaaaaah! Lablayp na ito Miru!"Miru just rolled her eyes.
Hhmmmm. Should I follow her advice? Advice galing sa babaeng wala naman experience? Sa babaeng walang ginawa kundi mang-friendzone? Should I?
BINABASA MO ANG
If I ever Fall In Love(Editing)
Teen FictionSi Miruchan ay isang babaeng gusto malaman kung paano ang mainlove. Ang tanong maiinlove kaya siya? Magugustuhan ba niya? O magsisisi siya na ginusto niya pang malaman kung paano ang mainlove?