Flashback kung paano nagkakilala sila Miru, Uno at Dos.
--------
[(7 years before the present time. 10 years old sina Jun(Uno) at Julian(Dos)]
Naglalakad si Jun palayo sa bahay nila dahil wala naman siyang kilala sa mga tao na nasa party na ginaganap sa bahay nila. Iniwan niya dun yung kambal niya dahil mukha naman itong nag-eenjoy sa party.
Napadaan siya sa isang basketball court. Nakita niya na may naglalaro dito mag-isa. Naka-takip ang kalahating mukha nito gamit ang face mask na parang may sakit. Nakabonet din ito. Naka-sweater ito at pantalon. Medyo maliit din siya kaya halatang mas bata ito sa kanya.
Pinanood niya maglaro ito hanggang sa napatingin ito sa kanya. Pinalapit siya nito at niyaya maglaro.
"Laro tayo?"tanong nito sa kanya. Natawa siya dahil may pagkaboses babae ito pero halatang halata na may sakit ito.
"Sige"tanging sagot niya sa bata. Naglaro sila hanggang sa maghapon. Talo siya nito. Ng matapos silang maglaro may dumating pa na isang batang lalake na mukhang mas matanda sa kanila.
"Let's go" napatingin si Jun sa bata.
"Sige aalis na ako. Salamat sa pakikipaglaro"tapos tumakbo na ang bata kasama nung sumundo sa kanya.
"Hindi man lang ako nakapag-pakilala"bulong niya sa sarili.
Umuwi na rin siya pagkatapos magpahinga. Kinuwento niya iyon sa kanyang kambal at natawa ito dahil natalo siya ng mas bata sa kanya.
Kinabukasan may dumating na mga bisita sa bahay nila. Nagulat siya ng makita niya ulit yung batang nakalaro niya.
"Uy ikaw yung kalaro ko kahapon ah?" Napatingin kay Jun ang nanay niya.
"Siya yung kini-kwento mong kalaro mo ng basketball?"tanong ng ina nito.
Ganun pa din ang itsura ng bata. Nag-iba nga lang ng damit.
"Jun, Juluan, ito nga pala si Miru." Bago iabot ang mga kamay niya at nagsalita ang nanay ni Miru.
"Miru tanggalin mo nga yang bonnet mo at face mask."tumango naman ito at laking gulat niya ng makita ang mahaba nitong buhok at makinis na mukha.
"Babae ka?!"sabay na sigaw ng kambal. Natawa lamang si Miru na mukhang ikinagulat ng kanyang ina.
"That's good"bulong ng ina ni Miru.
Natawa si Julian dahil natalo ng babae ang kanyang kambal. Nagpunta silang tatlo sa garden at dun nag-usap usap.
"Bakit di mo sinabing babae ka pala?"pagtatanong ni Jun
"Di ka naman nagtanong eh. Teka nga kambal kayo?"sabay silang tumango
"Sino nauna?"tinuro ni Julian si Jun.
"Aaahh. Tara laro tayo. Marunong kayo nito?"naglabas ng cards si Miru.
"Bente uno? 21?" Tumango naman siya. Habang naglalaro biglang napasigaw si Miru
"Oh bakit?"
"Alam KO na kung ano itatawag ko sa inyo. Ikaw si Uno at ikaw naman Dos" tapos tumawa ito. Natuwa siya sa tawa nito. Halatang komportable ito kasama sila.
Nung una ayaw niya ng tawag sa kanya ni Miru dahil ang napapangitan siya dito pero habang tumatagal nasanay na lang din siya. Naging close silang tatlo lalo na ng maging magkakaklase sila sa paaralan. Ibang iba si Miru sa paningin ng kambal. Iba siyang kumilos sa iba at natutuwa sila sa kanya.
Madalas itong napagkakamalan na lalaki dahil lagi itong nakabonnet at bihira itong magsuot ng dress at makukulay na damit pero hindi maiiwasan na may nagkakagusto sa kanya. Hindi rin naiwasan ni Uno ang magkagusto kay Miru. Naging protective ang kambal sa kanya na para bang kapatid nila ito pwera kay Uno na may ibang dahilan sa pagiging protective nito. Hanggang sa nalaman ito ng kakambal niya at ni Miru.
Nung una nasaktan siya dahil sa rejection ni Miru pero hindi niya magawang layuan ito at hindi rin naman siya nilayuan nito. Habang tumatagal natanggap na lang niya ito at nawala na ang nararamdaman niya.
BINABASA MO ANG
If I ever Fall In Love(Editing)
Novela JuvenilSi Miruchan ay isang babaeng gusto malaman kung paano ang mainlove. Ang tanong maiinlove kaya siya? Magugustuhan ba niya? O magsisisi siya na ginusto niya pang malaman kung paano ang mainlove?