(Miru's POV)
Tapos na ang finals namin, sa wakas! Tapos na ang hell week! At sembreak na rin! WAHAHAHAHAHAHAHA! So far, masaya naman ako sa program na kinuha ko. I never knew how hard it is to teach. Hayep. Reporting palang namin ang strict na nila! Naloka ako!
"Tuloy ba plano natin?" Tumango ako kay Dos. Plano kasi namin mag out-of-town ngayong sembreak. Syempre kumpleto ang barkada. Plinano rin namin 'to para makapag-usap yung dalawa. Tatlong buwan na mula nung naghiwalay sila at hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nag-uusap. Tuwing magkakasama, iiwas yung isa sa kanila. Ang awkward!
To be honest, feeling ko nagsisisi na si Uno sa desisyon niya. Wala naman kasi siyang ibang ginawa kundi umiwas sa amin. Hindi naman niya ako pinapakialamanan. Parang nasayang lang yung mga panahon na naghiwalay sila kasi wala naman silang napala. Bihira ko na rin makita na umiiyak si Alyana. Mukhang ayos naman na siya. Mahihirapan na si Uno na makuha loob nun! Nako nako nako.
"Tawagin mo na sila" tumango ito sa akin. Maya maya, nakita ko ng dumating ang mga kaibigan ko. Si Yuki, Third, Uno, Dos, at Elaika.
"Si Chaerin?" Nakita ko namang biglang nagstiff yung katawan ni Third. HAHAHAHAHAHAHA!
"Malapit na daw siya" sagot ni Elaika. Tinapik ko naman si Third sa balikat.
"Relax ka lang brad! Chance mo na 'to! HAHAHAHAHA!" Lately, nalaman kasi namin na hiwalay na si Chaerin at yung babaero niyang boyfriend. Ilang beses rin umiyak si Chaerin sa amin. Nga pala, ibang university ito nag-aaral kaya bihira namin siya makita at makasama.
"Sorry, I'm late!" Napatingin kami dun sa sumigaw. Napangisi akong tumingin kay Uno na nakatingin lang sa cellphone niya at naglalaro. Style mo bulok!
"Oh, Alyana. San ka ba galing?"
"Ah, I went to a coffee shop with my classmate. Don't worry! Hinatid niya ako here. He said he's responsible naman kasi he's the one that invited me" tumango naman ako. No further explanation needed. Haha.
"He? Tss" narinig kong bulong ni Uno. Ha! Pati yun napansin niya? Inignore ko na nga na lalake kasama niya eh. Ano ka ngayon?! Bleeeeh!
"Dapat pinapasok mo muna dito, Alyana" nagsalita si Elaika na may halong pang-aasar kaya napatingin ako dito. Nakangisi ito sa akin kaya napakagat ako ng labi ko para magpigil ng tawa. I see.
"Oo nga naman, Alyana. Pinakilala mo sana sa amin" this time si Dos naman yung nagsalita. I glanced at Uno, he was holding his cellphone tightly and clenching his teeth. HAHAHA! Para siyang natatae!
"Eh? He was going somewhere pa daw kasi eh. I can call him, if you want to" akmang magdi-dial na ng phone si Alyana pero natigilan siya bigla. Di ko alam kung slow ba 'to o nananadya eh.
"You don't have to. Mangi-istorbo ka pa" napatingin kami kay Uno. Natatawa na kami ni Elaika at Dos pero pinipigilan namin.
"Oh, you're there pala" sagot ni Alyana na para bang hindi niya talaga napansin na nandun si Uno.
WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! AKALA KO SA DRAMA LANG NANGYAYARI 'TO!
Walang nagsalita sa amin hanggang sa dumating si Chaerin.
"Sorry sa paghintay!" Nginitian lang namin ito.
"What's with the atmosphere? Haha" naglakad ito papunta sa pwesto ni Third. Nakita ko namang namula ang tenga nito pero hindi na namin inasar.
"Ayan kumpleto na tayo. May pupuntahan ba kayo this sembreak?" Umiling naman silang lahat kaya napangiti ako.
"Mag-out-of-town tayo! Okay lahat ah?"
BINABASA MO ANG
If I ever Fall In Love(Editing)
Teen FictionSi Miruchan ay isang babaeng gusto malaman kung paano ang mainlove. Ang tanong maiinlove kaya siya? Magugustuhan ba niya? O magsisisi siya na ginusto niya pang malaman kung paano ang mainlove?