Chapter 31: Confession

84 7 1
                                    

Nakasandal ako dito sa puno sa tapat kami ng lake. Si Yuki nakatayo lang sa tabi ko.

"Hey Yuki"pagtawag ko sa kanya

"I know what you want to talk about. And if you're gonna ask why I fall for you, I only have one answer"grabe lang ang kabog ng puso ko. Tsk. Hindi talaga ako sanay sa ganitong usapan lalo na kapag sa akin na nangyayari.

Hinintay ko sagot niya pero hinihintay niya ata ako magtanong. Hintayan kami.

"And what is it?"tanong ko ng hindi na ako mapakali. Tinignan ko siya. Nakatingin lang siya sa lake.

"Because you're you"napakunot noo ko. Ano daw?

"What?"this time tumingin na siya sa akin. Straight into my eyes.

"I like you because you're you. You don't pretend to be someone else just to be liked by everybody. You don't care about what people will say. What's important for you is that you are yourself, and I like that."sinabi niya yun habang nakatingin sa mga mata ko. Ganun ba talaga ako?

Umupo siya bigla sa tabi ko. Humarap siya ulit sa lake pero ako nakatitig pa rin sa kanya.

"You're also mysterious. There's a lot of things about you that I want to discover. You're interesting. I want to know your secrets. I want to be the only one to know your secrets. And damn I want you to be mine"I can't believe what I'm hearing. I can't believe that he feels this way.

"Ugh god. Am I creepy for wanting you? I know its weird but I like it"hinawi niya sa buhok niya yung kamay niya. Humarap siya sa akin.

"I never thought that this feeling would be this serious. I thought its just infatuation but damn this is not a simple crush."Parang nalunok ko yung dila ko. Wala akong masabi. Wala akong masagot.

"You're probably thinking I'm crazy for telling you this"akmang tatayo na siya pero hinila ko siya paupo ulit.

"Hajima"nagulat ako. Bakit bigla akong nag-korean?!

"What?"

"I-I said don't go. Letse ka. Na-nosebleed ako sa sinabi mo. I told you to speak tagalog"umupo siya ng maayos sa tabi ko.

"Sa totoo lang Yuki, wala akong masabi. First time ko kasi makarinig ng confession para sa akin. This is new to me. Mula ng magbirthday ako ang dami ng nangyari sa akin. First, nalink ako sayo at kumalat yun sa school, second, napakilala mo ako sa family mo, third you started courting me then now you're confessing. I never thought being sixteen is so complicated"pinatong ko yung baba ko sa tuhod ko. Damn. This is serious.

"It's not complicated Miru. You're the only one that's making it complicated"humarap ako sa kanya

"Bakit naman?"

"Tell me Miru. Do you I have chance?"napatigil ako. Teka.

"Nasagot ko na yan ah?"nakita kong umangat yung gilid ng labi niya

"Oh. Then let's change the question"bigla akong kinabahan. Para akong nasa game show kung kabahan sa itatanong niya.

"Do you like me?"yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Kung dati niya to tinanong, malamang isang malaking NO ang sagot ko pero these past few days parang na-aattract ako sa kanya.

"I-Its complicated"yan lang ang nasagot ko pero yung ngiti niya parang tagumpay siya on something.

"Well, that's better than a NO."sambit niya habang nakangiti. Maya-maya tumayo na siya at kinuha ang kamay ko para itayo ako. Ng makatayo na ako akala ko bibitawan na niya yung kamay ko pero hindi. Hawak niya pa rin ito habang naglalakad kami.

"Bakit hawak mo pa rin kamay ko?"tanong ko sa kanya. Bigla siyang namula. Kahit madilim kasi gabi na makikita mo pa rin yung pamumula ng mukha niya.

"Kung ayaw mo pwede kang bumitaw"yan lang ang sabi niya. Hindi ko alam kung ano ire-react ko. Hindi naman sa ayaw ko pero. AISH ANG GULO!

At dahil hindi ako nagreact ngumiti siya at mas lalong hinigpitan yung hawak sa kamay ko.

"I wasn't even thinking of letting you go"bulong niya na paranfg ang saya niya dahil hindi ako bumitaw.

Kung siya masaya, ako hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Inis dahil hindi ako makapag-react, saya dahil seryoso siya o kaba dahil ang weird ng nararamdaman ko. Pero ngayon, isa lang ang alam ko, ang bilis ng tibok ng puso ko.

If I ever Fall In Love(Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon