(Miru's POV)
Bitbit ko si Baby Lance kasama si Yuki papunta sa canteen dito sa loob ng venue.
"What do you want Baby Lance?" nagpose siya bigla na parang nag-iisip
ANG CUTE TALAGA *O*
Biglang may nagtakip ng mata ko.
"What the hell Yuki?"tanong ko habang tinatanggal yung kamay niya sa mata ko
"You're staring too much"
Napanganga na lang ako sa sagot niya. PInagseselosan niya daw si Baby Lance kasi daw pinapayagan kong luampit at yumakap sa akin.
"Ewan ko ba kung kikiligin ako o matatawa sa pinagsasasabi mo jan."tapos tinanggal ko yung kamay niya.
Okay just to clear things up. Hindi ko boyfriend si Yuki, we're just friends. Though umamin siyang he likes me. Hindi naman ako naiilang. I mean normal lang naman sa tao ang magkagusto sa opposite sex diba? I don't know.
"Why are you smiling?"tanong ni Yuki
"Huh? Wala lang xD"sagot ko tas nagpoker face lang siya. Yung ganito -______-
"Why are you making face?"
"Duh! Because I'm copying you! HAHAHA!"
Then he suddenly brushed his hands in my face.
"Yah! Aish!"hinampas ko siya bigla tas bigka naman siyang tumawa. Weirdo talaga.
"Ah mommy I want some Ice Cream"napatingin ako kay Baby Lance.
"We should eat lunch first. Later na ang Ice Cream"
"Okay! Then I'll take Spaghetti at Chicken"
Naglakad na kami papunta sa Jollibee. Umupo na si Baby Lance kasama si Yuki. Ako na ang umorder. Habang hinihintay ko yung order ko tinignan ko yung dalawa. Nakatingin si Baby Lance kay Yuki na parang nagtataka habang si Yuki naman ay nakatingin lang with his usual look.
"Ang cute naman nung guy!"
Napatingin ako dun sa nagsalita. Maganda. Pandak nga lang xD. May kasama siya pero parang wala namang pakialam. Nakita kong lumapit siya kila Yuki.
"Eewww gross. Don't bend too much"rinig kong sabi ni Baby Lance. Oo nga pala nakasando lang yung girl. Narinig kong napasigaw yung babae. Titingin sana ako kaso biglang may kumuha ng tray sa akin.
"Gutom na ako. Bakit ba ang tagal mo?"si Yuki pala.
"Ako ba nagluluto? Malay ko ba."
Naglakad na kami pabalik kay Baby Lance. Yung girl kanina nasa gilid ng table namin.
"Why you gotta be so rude?"pagsimula nung girl.
"Don't you know I'm human too?"pagsagot ko tas bigla akong natawa. Nakita ko rin napatawa si Yuki.
"Hey you!"
"What?"
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Hindi ko siya pinansin. Nilagay ko na yung pagkain ni Baby Lance sa tapat niya at sinimulan siyang pakainin.
"I hate you"then lumabas na ng Jollibee yung babae. Ano ba problema nun?
Tumingin ako kay Yuki. Nakatingin lang siya sa akin.
"Hoy ikaw ano ginawa mo dun?"nag-shruggred lang siya.
"Hindi nga? Ano ginawa mo at galit na galit yun?"
"I told her I have a girlfriend and she's not even good enough to be compared to you"
"Adik ka talaga. Hindi mo naman ako girlfriend dinadamay mo pa ako"pinunasan ko yung bibig ni Baby Lance.
"You would be perfect for me"
"Walang taong perfect"
"Really?"
"Yup"nagsimula na rin akong kumain. Hindi ko na siya pinansin. Kung ano-ano kasi pinagsasasabi.
"Wala ba talagang taong perfect?"pagtatanong niya ulit
"Oo nga"nakita kong ngumiti siya. Hala ano nanaman naiisip nito?
"Bakit ka nakangiti diyan?"tumingin siya sa akin at ngumiti ulit. Bagay pala sa kanya ang nakangiti eh. Pero bakit nga ba siya nakangiti?
"Edi hindi ka pala tao"
"Ewan ko sayo"pero this time nakangiti na ako. Ewan ko. Kusa na ngumiti mga labi ko eh. Tsk.
After namin kumain bumalik na kami sa DC Center. Andun sila Uno. At mukhang hirap na hirap sila ni Alyana dahil parehas silang nakasimangot pati yung baby girl XD
Lumapit ako sa kanila.
"Anyare dito?"tanong ko sa manila
"Argh! I hate this girl"sabay turo dun sa baby girl.
"I heyt chu too!"sigaw nung bata. Nakita ko naman ang mukha ni Uno na natatawang naiinis. Oo basta ganun XD
Pero.. Bakit kaya nag-aaway 'tong dalawang 'to? Sa pagkakaalam KO naman eh mahilig sa bata Si Alyana. Ano kaya nangyare sa dalawang 'to?
BINABASA MO ANG
If I ever Fall In Love(Editing)
Teen FictionSi Miruchan ay isang babaeng gusto malaman kung paano ang mainlove. Ang tanong maiinlove kaya siya? Magugustuhan ba niya? O magsisisi siya na ginusto niya pang malaman kung paano ang mainlove?