(Miru's POV)
"One strawberry shake in Sakura wand!"sigaw ni Manager
"Coming!"sigaw ko pabalik
Nasa trabaho ako ngayon. Pinatay ko phone ko para hindi ako ma-contact nung apat. Mag-iisip pa ako ng idadahilan ko mamaya.
"Ma'am oh"inabot ko na yung order kay Manager.
Buti na lang wala masyadong tao ngayon. Nagpahinga ako sa locker room. Asan kaya si Yuki? Hindi ko sinasagot tawag nun kanina pa eh HAHAHA XD.
"Miru!"sigaw ni Manager. Lumapit siya sa akin habang nakangiti ng malapad
"Bakit ma'am?"tanong ko
"May boyfriend ka pala?"napakunot-noo ko
"Huh?! Ano ka ba ma'am?! Wala no!"sigaw ko. Okay lang. Friends naman kami eh
"Shadow Hunter ako HAHAHA! Weh? Di nga?"nilapitan niya ako at inalog-alog
"Hala si ma'am baliw na. Wala nga po."
"Gwapo ah? May dimples yun no?"napa-facepalm ako. Hindi niya ata maintindihan yung salitang 'WALA'
"Manager Aleya Chloe Cervantes sana naiintindihan niyo yung salitang WALA. Ano ba sinasabi mo? Wala akong boyfriend. Bakit mo ba natanong yan?"Hindi siya sumagot agad. Ngumiti lang siya ng sobrang malapad.
"WAHAHAHAHAHA!! Curious lang ako ito naman! Wag ka magagalit sa akin ah? HAHAHA! Gawa ka ng chocolate shake tas sa regular glass lang daw. Ibigay mo dun sa customer 7"tignan mo to si ma'am. Inuuto lang pala ako.
"Sana ma'am sinabi mo na lang na may iuutos ka diba?"pagsusungit ko kunwari
"HAHAHA! LABYU MIRU! MWAH!"Tapos nagtatatalon siya na parang kinikilig. Minsan talaga baliw yan si Manager eh.
Tulad ng utos niya, gumawa na ako ng chocolate shake. Text ko kaya si Yuki? Hhmm. Mamaya na nga. After ko gumawa ng chocolate shake hinanap ko yung customer 7.
Nandun pala sa dulo naka-upo. Nakatalikod yung lalaki. Lumapit ako at nilapag yung order. Kukunin ko na sana yung number pero pinigilan niya ako.
"Kulang pa"kinilabutan ako. Yung boses niya parang kay..
Humarap ako sa kanya.
"Y-Yuki"bulong ko. Hala paano niya nalaman may trabaho ako?! At dito ako nagtatrabaho?!
"A-Ano pa pong kulang?"tanong ko. Ngumiti siya at binigay yung order slip
1. Chocolate Shake (regular glass)
2. Miruchan ChuaWATDA?! Napatingin ako kay Manager. Nakangiti lang siya ng malapad habang naka-thumbs up sa akin. Na-set up ako.
Umupo ako sa tapat ni Yuki.
"Paano mo nalaman na may trabaho ako?"
hindi siya sumagot
"At dito ako nagta-trabaho?"bigla siyang may inabot na card. Sht. Yung card ng cafe namin.
"Well you know me. So now. What do you want?"tanong niya. Hindi ko pinansin yung tanong niya
"San mo nakuha to?"
"Drawer. Remember?"face-palm
"Nangialam ka nanaman?"tumango lang siya
Sigh.
"Please keep this a secret."ngumiti siya at hinawakan kamay ko. Pinaglaruan niya yun bigla. Sht. The weird feeling again.
"Sure. Told you, I like to know your secrets."narinig kong may sumigaw sa locker room. Si Manager =_=. Yari talaga siya sa akin mamaya! Magsu-super sayan ako!!
"Magkano naman binayad mo? Ha?"he gave me a high five.
"5k?! Da hell Yuki?"kinurot niya lang pisnge ko. Ang sakit nun ah. Adik na ata si Yuki -.-
"500 lang. Wag kang OA"sinimangutan ko lang siya.
"Sana sinabi mo agad diba? Tss"ngumiti siya bigla. Tinaasan ko siya ng kilay
"What?"umiling lang siya
"You look good"bulong niya habang nakatingin sa akin. Napatingin ako sa damit ko. Fvck sht. Naka-costume pala ako. Nakapang-maid ako. Yun kasi yung theme ngayon.
"You look good in dresses"sabi niya habang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung insult yun o compliment
-_-
"I'm wearing a maid uniform and you're saying I look good? Mukha ba akong katulong?"hindi siya nagreact. Nakatitig lang siya sa akin. Akala niya papatalo ako? Tinitigan ko rin siya.
"If you're my maid, hindi ka na makakalabas ng bahay ko"siningkitan ko lang siya ng mata. Adik talaga. Umiwas ako ng tingin. Kinuha ko yung chocolate shake niya at uminom nun.
"But I don't want you to be my maid"napatingin ako sa kanya. Seryoso yung mukha niya.
"Sino nagsabing maga-apply ako ng katulong sa inyo?"umiling siya habang nakangiti. Nakadrugs ata to ngayon eh.
"Ask me why"
"Why?"hinawakan niya ulit yung kamay ko at pinaglaruan
"Instead of being my maid, I want you to be my wife"kinuha ko yung kamay ko at pinitik siya sa noo
"Hindi mo pa nga ako girlfriend Yuki pag-aasawa na nasa utak mo? Excited?"ngumiti siya ng malapad. He smirked.
"Pa? Okay I'll work hard to be your boyfriend then husband. And yes, I'm excited"hinilamos ko yung mga kamay ko sa mukha ko. Hindi ko kinakaya yung mga pinagsasasabi niya jusko -_-
"Wait here"tumayo ako pero pinigilan niya ako
"You're gonna be my girlfriend already?"pinalo ko siya
"Baliw! Magbibihis na ako. Dyan ka lang"tumawa lang siya ng mahina
Sa totoo lang hindi ako sanay na ganito si Yuki. Yung mga corny niyang mga banat ang lakas bigla ng tama sa akin. Aminin ko man o hindi, kinikilig ako. Ang weird nga eh. Ang corny corny pero napapabilis nito ang tibok ng puso ko. Ugh. Ang panget. Corny ko na rin. Bwisit na Yuki yan! Ano ba pinaggagagawa niya sa akin?!
Pagdating ko sa locker room hinanap ko agad si Manager.
"Manageeeer!!"sigaw ko. Lumabas siya sa isa sa mga locker habang nakangiti na natatakot.
"Sorry na Miru! HAHAHA! Gwapo naman eh! Tsaka kilala ka daw niya! Sayang 500 noh! Tip mo na yun he-he-he"inirapan ko lang siya. Nagsimula na akong magbihis.
"Good luck sa date Miruuuuuuuuu!"sigaw niya ng paalis na ako. Pumunta ako sa pwesto ni Yuki at hinila siya palabas dahil pansin kong pinagtitinginan na kami sa loob ng cafe.
Paglabas namin ng cafe piningot ko siya.
"A-Aray! Ouch ouch Miru!"binitawan ko siya. Nakahawak lang siya sa tenga niya.
"Okay that hurts"napatingin ako sa kanya. Lumapit siya sa akin kaya napaatras ako pero hinawakan niya yung pisnge ko.
"Y-Yah! Changgalin muwoooooh"sigaw!"sigaw ko habang hinihila niya pisnge ko.
"Yah! Ang s-shakit! Yah! Yah! Yah!"tinanggal niya na yung pagkaka-hawak niya sa pisnge ko. Hinimas ko yung pisnge ko. Hala feeling ko namumula siya.
"You're blushing"siningkitan ko siya ng mata.
Magsasalita na sana ako ng bigla niyang kinuha cellphone niya at pinicturan ako.
"Yah! Burahin mo yan!"sigaw ko habang inaagaw yung cellphone sa kanya. Nung tinaas niya kamay niya hindi ko na maabot dahil ang tangkad niya at ang liit ko -_-.
"Akala mo kikiligin ako? Sa mga palabas lang yun!"sigaw ko habang patuloy na inaabot yung cellphone niya. Bigla siyang tumingin sa akin at nilapit ang mukha niya sa akin.
Napahinto ako. Kapag tinuloy ko ang pagtalon ko baka mahalikan ko siya sa sobrang lapit ng mukha niya.
"Akala ko ba hindi ka kikiligin?"sumimangot ako. Hinahamon mo ako ah! I jumped and.....
kiss him
BINABASA MO ANG
If I ever Fall In Love(Editing)
Teen FictionSi Miruchan ay isang babaeng gusto malaman kung paano ang mainlove. Ang tanong maiinlove kaya siya? Magugustuhan ba niya? O magsisisi siya na ginusto niya pang malaman kung paano ang mainlove?