Chapter 28: Accept

88 7 0
                                    

(Miru's POV)

"Miruuuuuuuuuuuuuu!"pagtawag ni Elaika sa akin

"Ano nanaman Elaika? Hmm?"ngumiti siya ng napakalapad. Anong nangyari dito?

"Mukha kang aso Elaika."bigla siyang sumimangot pero ngumiti ulit

"Magmo-move on na ako!"sigaw niya with talon talon pa. Move on?

"Move on saan?"she shrugged.

"Kay ano. Alam mo na."tapos hinila niya ako. Magmo-move on na siya kay Dos? Eh? Hinila niya ako papuntang garden.

"Teka nga. Bakit ka magmo-move on eh hindi naman naging kayo?"she rolled her eyes

"Duh! Eh diba nga mahal ko siya? More than bestfriend?"umupo siya sa ilalim ng puno at mukhang pagod na pagod.

"So susuko ka na? Ganun na lang yun?"she smiled. A painful smile.

"Wala naman na akong magagawa. Mukhang na-fall na talaga yun kay Mica eh"I saw tears falling from her eyes pero pinunasan niya din agad. Hinayaan ko siya. Sinubsob niya yung mukha niya sa tuhod niya. Kawawa naman to.

"How to move on Miru?"nagulat ako sa tanong niya pero natawa ako bigla.

"Bakit ka tumatawa dyan?"tignan mo to nagpapa-cute nanaman.

"Eh kasi naman bakit ako tinatanong mo? Mukha ba akong may experience dyan? HAHAHAHA!"hinampas niya ako sa braso. Adik kasi! XD

"Ewan ko sayo!"tapos tumayo na siya.

"Tell me, bakit sumusuko ka na?"She sighed

"Pagod na kasi ako eh. Sobrang pagod na akong umasa. Pagod na yung puso kong masaktan. Yung isip ko pagod na rin kakaisip na wag sumuko. I'm emotionally and physically tired Miru"ramdam na ramdam ang pagod sa bawat salita niya.

"Bakit ka ba nagsimula? Bakit mo sinimulan yan? Sasayangin mo na lang ba yung mga bagay na ginawa mo noon dahil pagod ka na? You can rest Elaika but giving up means you're gonna stop and as far as I know, loving means never giving up"

Hindi siya kumibo. Again.

"Alam mo Elaika, ang pagmo-move on hindi inaaral. Time heals. All you need is to wait and accept"humarap siya bigla sa akin.

"Accept what?"tumayo na rin ako.

"Before answering that, ni-minsan ba hindi mo naramdaman na gusto ka rin niya? Na may pag-asa ka sa kanya? Na mahal ka rin niya?"nabigla siya sa tanong ko. Hindi siya kumibo.

"Kung hindi mo naramdaman ang mga yan then you have to accept na bestfriend ka lang talaga niya. Na hindi niya kayang palitan ang pagmamahal na binigay mo sa kanya"naglakad na ako palayo pero humarap ako sa kanya bago pa makalayo ng husto.

"But remember, THINGS LIKE THAT ARE IMPOSSIBLE. A GIRL AND A GUY CAN NEVER BE JUST FRIENDS UNLESS THEY HAVE RELATIONSHIPS WITH OTHERS"pagkatapos kong sabihin yun naglakad na ako papuntang canteen. Grabe tong si Elaika ginutom ako!

Habang kumakain umupo si Chaerin sa harap ko.

"Miru."tumingin ako sa kanya. Mukhang problemado rin to ah?

"How to move on from a break-up?"nasamid ako bigla sa tanong niya.

"Ayos ka lang?"inabutan niya ako ng tubig. Kinuha ko naman yun at umubo.

"ANO BANG MERON AT NAGMO-MOVE ON KAYO?! UNA SI ELAIKA TAPOS NGAYON IKAW NAMAN? JUSKO KAPAG SI ALYANA TINANONG AKO NYAN AY EWAN KO NA!" natawa naman siya. Adik din to eh. Narinig kong tumawa yung ibang students sa canteen. Sarreh naman -.-

If I ever Fall In Love(Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon