(Uno's POV)
"Unooooo! Lets go there! Daliiiiiii~"sabay hila sa akin ni Alyana
Nasa mall kami ngayon. Malas nga eh nakita ko pa tong babaeng toh. Akala ko free-Alyana day ko ngayon. Mula kasi last week lagi akong hinihila nitong babaeng toh sa mall dahil wala daw siya kasama. Lagi namang nasa bahay nila si Miru, bakit hindi yun ang isama niya? Tsaka masakit na ilong ko kaka-english niya!
Marunong siya magtagalog pero dahil nga laking america siya madalas english ang ginagamit niya. Ewan di naman ako makatanggi sa kanya dahil bigla na lang siyang nagda-drama. Wala na nga ako balita kay Miru dahil dito eh.
Baka malagot ako kay Tita dahil hindi ko nababantayan anak niya lalo na ngayon, looks like Yuki is hitting on her. Muntik ko na nga yun suntukin nung nagconfess siya kahapon sa harap namin pasalamat siya at itong Alyana na toh sumigaw at mas nairita ako sa boses niya.
"Hey! You're zoning out! Are you thinking about other girls again?!"Bakit ba parang galit toh? Paki niya kung ibang babae iniisip ko?
"Yeah so what?"Tumingin siya sa akin hinawakan ako sa collar
"Don't think about other girls when you're with me! Now lets go! I'm hungry na!"Hinila niya ulit ako. Why is she acting like she's my girlfriend? Tss napaka-spoiled brat talaga!
Dinala niya ako sa Mcdo. Cheap naman nito.
"Bakit mcdo?"
"Alam ko naman na wala kang pera noh. Tsaka I like Mcdo. Miru and I grew up with Mcdo noh!"
Aba't! Minamaliit talaga nito palibhasa mayaman. Ako? Mayaman din ako pero mas mayaman sila. Umorder na kami ng pagkain. Nakita ko pinagtitinginan siya lalo na nung mga varsity player na napadaan dito.
"Let's go"akmang dadalhin ni Alyana yung tray na puro order namin pero bigla kong inagaw.
"Ako na"Kinuha ko sa kanya yung tray. Sinundan ko lang siya papunta dun sa table namin.
"Pre dito na tayo kumain. May chixx oh"
"May boyfriend na ata oh"
"Hindi yan baka kuya lang"
Aba hayup. Talagang magbubulungan yung malakas pa?
"Huy ok ka lang?"Sabay tapik sa akin ni Alyana. Nakita ko naman na may ketchup siya sa gilid ng labi niya kaya kumuha ako ng tissue para punasan yun.
"Pre sabi sayo boyfriend niya yun eh"
"Malay mo naman hindi"
Naiirita na ako ah?
"Babe paabot nga nung catsup"Napatingin siya sa akin. Tumaas yung isa niyang kilay pero inabot niya rin naman yung catsup at nagtuloy lang ng pagkain.
"Did you just called me babe?"Tanong niya sa akin. I smirked.
"Yeah. So what?"Bigla siyang nagblushed. Haha! Ang cute.
Biglang may lumapit amin na lalake. Ito yung nagsasalita kanina.
"Uhm. Hi miss. I'm Roy"
(Alyana's POV)
Hm. Uno called me babe. Anong trip nun? Ngayon naman dumating tong Roy na toh. Who is this?
"Uhm. Hi? I'm Alyana" I don't wanna be rude kahit na naiistorbo niya date namin. Hahaha oh god what date? xD
When I was about to reach his hand kasi nagkikipag-shake hands siya bigla itong hinablot ni Uno.
"I'm Uno"He said while having that poker face. Haha what a cute sight. Tinanggal ito ni Roy. Roy nga ba yun?
"Miss Alyana can I get your number?" Sabi nung Roy. Can't he see? I'm on a date!
Tumikhim lang si Uno. Uh hello? Save me?
"She can't give her number. How will she contact me if you'll get it from her?"Confident na confident si Uno. Wow! So manly! Nakaka-inlove tuloy!
"Look dude I'm not talking to you so f*ck off"
Tatayo na sana Uno pero pinigilan ko.
"I'm sorry Roy but he's right. I can't give you my number. My boyfriend will get mad."Then I looked at Uno. He look so pissed.
"Boyfriend? Who?"Roy
This man is soooooooooo slow. Like slow, very slow!
"Him. Can't you see? I'm on a date"Then I held Uno's hand.
Then umalis na yung Roy. After nun di na kami nag-usap at tinapos na lang ang pagkain. Nung pauwi na kami hinawakan niya yung kamay ko and he intertwined it with his hand which made my heart beat rapidly.
I looked at him. Naka-tingin lang siya sa daan but I know what I saw. It's a smile that can melt me and make my heart beats like this.
BINABASA MO ANG
If I ever Fall In Love(Editing)
Teen FictionSi Miruchan ay isang babaeng gusto malaman kung paano ang mainlove. Ang tanong maiinlove kaya siya? Magugustuhan ba niya? O magsisisi siya na ginusto niya pang malaman kung paano ang mainlove?