(Miru's POV)
Hinila kami ni Uno papunta sa isang cafe. 'Marry U' ang pangalan ng cafe. May kinakasal ba dito? XD
"Anong gagawin natin dito? Di ako mabubusog dito!"reklamo ko kay Uno
"Ay aalis pala ako. Sige bye!"sigaw niya habang tumatakbo paalis ng cafe. Iniwan niya kami ni Yuki.
Nakita ko namang napa-ngiti si Yuki.
"Hoy plinano niyo 'to no?!"sigaw ko sa kanya. Tumingin siya sa akin. Iba yung tingin niya. Ang amo niya tignan.
"Hindi ko alam 'to. Ngayon ko lang na-gets"para siyang bata na nagmamakaawa na maniwala ako sa kanya. Ibang Yuki ang nakikita ko. Hinawakan ko siya sa noo.
"May sakit ka ba?! O baka hindi ikaw si Yuki! Asan si Yuki?!"nakita kong namula siya. Hala! Hindi nga ata si Yuki 'to!
"Hahaha. You're really something Miru."oh tumawa siya! Ibang Yuki nga ata 'to.
"You're weird today. Ngumiti ka at tumawa. Tas nagpapa-cute ka pa"kunot-noo kong paliwanag. Namula tenga niya. Ang cute!
"Ganyan daw talaga kapag inlove"bulong niya.
Inlove? Inlove siya sa akin?
"Inlove ka sa akin?"tanong ko. Napatingin siya sa akin habang namumula yung tenga niya. He's staring at me.
"Yeah. I am"wala man lang bakas ng hiya sa boses niya.
Wala na akong nasabi. Dapat pala hindi ko na lang tinanong. Eh! Kailangan ko malaman eh! Tsk. Hindi ako sanay sa ganito.
Umorder siya ng pagkain. Strawberry cake sa akin tapos chocolate cake sa kanya. Hindi kami naka-order ng drinks. Hiwalay kasi yung order ng drinks para sa mga babae at lalake. Ang arte naman ng cafe na 'to -_-.
Tumayo ako para umorder ng drink ko. Umorder ako ng Ice Chocolate. Pinapili niya ako ng cup para sa order ko. May mga design pala.
"Sabi nila dalawa lang magkaparehas na design ng cup nila dito. Yung isang pares nasa kabilang booth. Yung makaka-kuha daw ng parehas na design ay mag-iibigan"bulong nung babae sa likod ko
"Wow. Balita ko rin yung may ari nito is someone na manghuhula at feng shui master"bulong naman nung kasama niya
Seriously? Naniniwala sila sa ganun?
"The blue rose"turo ko dun sa cup na may design na Rose pero imbis na color Red eh Blue yung pinili ko. Mas cool tignan.
After that bumalik na ako sa table namin ni Yuki. Naka-order na rin siya pero nakatakip yung cup niya. Ano kaya kinuha niyang design? Hindi naman sa naniniwala ako, sadyang curious lang ako.
"Anong design ng cup mo?"napatingin siya sa akin. Dahan-dahan niyang tinanggal yung nakatakip. Aawww. Dandelion yung design nung sa kanya.
"Ikaw pumili niyan?"tanong ko. Umiling siya. Mukhang nanghula lang siya ng cup na kukunin niya
"Hahaha hindi ikaw ang iibigin ko."sabi ko sa kanya habang tumatawa. Mukha naman siyang nagtataka.
"Sabi kasi nila yung kapareha mo daw ng design eh yung taong mamahalin mo. Kaya daw Marry U ang pangalan ng cafe na ito."kumunot yung noo niya. Grabe gwapo pa rin oh XD
Kumain na ulit ako. Hindi niya ginagalaw yung pagkain niya. Pati yung drink niya hindi niya ginagalaw.
Maya-maya biglang may lumapit sa amin na babae.
"H-Hi kuya"tapos nag-bow siya. Napatingin ako sa kanya. Maganda naman yung babae. Mukhang mayaman pa. Classy kasi yung style ng pananamit niya eh. Hindi siya pinansin ni Yuki.
"Ah ate ano kailangan mo?"tanong ko. Napatingin siya sa akin. Tinarayan niya ako. Aba! Bahala ka nga sa buhay mo dyan. Hindi ko na siya pinansin. Nakatayo lang siya sa tapat ng table namin.
"Dalian mo na nga. Ayoko dito"napatingin ako kay Yuki.
"Bakit naman?"
"They're saying that you can't fall for me. That is sht"bulong niya. Dahil lang sa belief na yun? Tumawa ako ng mahina kaya napatingin siya sa akin.
"Hindi naman ako naniniwala dun. Hindi naman nakabase sa cup na 'to ang mararamdaman ko para sayo. Kaya relax ka lang dyan HAHAHA "sabi ko habang patuloy na kumakain. Naka-titig lang siya sa akin
"Oh wag ka masyadong kiligin dyan"pang-aasar ko.
Tumikhim bigla yung babaeng mataray na nasa tapat ng table namin kanina pa. Hindi ba siya nangangawit?
"We have the same cup. I guess we're meant to ----"hindi niya naituloy yung sasabihin niya kasi biglang may lumapit sa amin na waitress.
"Sir I'm sorry po. Ibang order po ang naibigay ko sa inyo. Ito po yung order niyo. Sorry po talaga"kinuha niya yung order ni Yuki na drink at pinalitan ito ng bago.
"Ugh! That was my chance! Bakit pinalitan nung babaeng yun?!"sigaw nung mataray na babae. Lumabas paalis yung babae sa cafe. Hindi ko na ito pinansin. Kumain na lang ulit ako. Nagulat ako ng napatawa si Yuki ng mahina. Tinignan niya yung design.
"I like it here"sabi niya habang nakangiti. Anong nangyari sa kanya? Kanina ayaw niya dito tapos ngayon gusto na niya. Adik lang?
Napansin niya atang nagtataka ako sa kilos niya. Hinarap niya sa akin yung baso niya at muntik akong masamid dahil sa nakita ko.
"B-Blue Rose"bulong ko. Parehas kami ng design!
"I guess you have no choice but to fall for me"nakangiti pa siya habang sinasabi yun. Gwapo. Gwapo talaga. Yan na lang ang kaya kong sabihin. Gwapo pala talaga siya. Sa una siguro hindi siya pansinin sa mata pero habang tumatagal makikita mo yung ka-gwapuhan niya. Hindi naman sobrang gwapo tulad ni L ng Infinite o V ng BTS at maski Taeyong ng SMRookies pero yung ka-gwapuhan niya kasi hindi nakakasawa at nakaka-umay. Yung tipong pwede mong titigan ng buong magdamag pero hindi ka magsasawa? Now I know why girls fall for him.
Teka, bakit ka-gwapuhan niya pinag-uusapan natin? Hindi ko napansin na ang tagal ko na palang nakatitig sa kanya.
"Hindi ka pa ba tunaw?"tanong ko
"Bakit?"
"Kanina pa ako nakatitig sayo eh."bigla siyang namula. Seriously. Ilang beses siya namula ngayong araw?
"Ang lakas masyado ng epekto mo sa akin. Tsk."bulong niya habang nakatingin sa labas ng bintana.
Ano ba nagustuhan nito sa akin? Eh ang weird ko nga daw eh! Boyish pa. Tapos isang tulad niya ang nainlove sa akin. Paano kaya nangyari yun? Feeling ko tuloy ang ganda ganda ko. And that's weird. Because I never felt this way before.
After that tumayo na kami at naglakad papunta sa park. Oo. May park sa tapat ng cafe na yun. I need to talk to him. This is getting serious.
"We need to talk"
BINABASA MO ANG
If I ever Fall In Love(Editing)
Fiksi RemajaSi Miruchan ay isang babaeng gusto malaman kung paano ang mainlove. Ang tanong maiinlove kaya siya? Magugustuhan ba niya? O magsisisi siya na ginusto niya pang malaman kung paano ang mainlove?