Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata...
Ng napansin kong sobrang dilim saka ako napabalikwas ng bangon mula sa sofa.
"Sh*t, gabi na pala!!"
Sobrang dilim...
Kapa kapa ako para hanapin ko ang Cellphone ko..Na kanina dito lang napaitong sa tabi ko....
Laking tuwa ko
Ng nahawakan ko ito ,saka ko binuksan ang flash light mula dito.
Inilawan ko ang paligid ,
Saan nga ba ang switch ng ilaw?
Tuloy ako sa pag hahanap,hanggang makita ko ito sa tabi ng pinto.
Lumapit ako dito,para pindutin ang ilaw.....
Ng may biglang bumagsak...
Agad kong nilingon para tingnan anong nahulog...
Isang libro pala...
Nahulog ito sa sahig...
Nilapitan ko naman ito para pulutin,..
Ngayon ko lang rin napansin ,na napakaraming libro,sa pabalat palang nito,malalaman agad na sobrang luma na.
"The light of Pack"mahina kong basa sa pamagat..
Hindi ko mapigilang mapataas ang isang kilay..
"Ang weird,ha"
Muli ko nalang itong ibinalik sa kanyang pinaglalagyan...
Hindi ko pala na check ang magiging kwarto ko..
Bago ako umakyat sa hagdan papuntang second floor,ini-lock ko muna ang pinto..
Gabi na...kaya mabuting mag ingat...
Hindi ko na pala , Kailangan buksan ang mga ilaw sa labas ,dahil nakabukas na ito..
Baka naman automatic...
Tatlo ang pinto na nadaanan ko ,bawat isa binuksan ko at tiningnan..
Wala akong nagustuhan...
May isa nalang hindi ko pa napupuntahan
Ang dulong parte..
Agad akong pumasok sa loob...
Pagbukas ko ng ilaw
Bumungad sakin ang isang silid na plain lang pero pasok sa taste ko.
Malaki ang space...
White and Black ang color..
Sakto lang ang laki ng kama,may side table din...
Doon nakapatong ang lampshade...
Sa kanilang bahagi nandon ang dalwang pinto.
Binuksan ko ang isa,automatic na bumukas ang ilaw..
Comfort room pala.
Dumako naman ako sa kabilang pinto..
Automatic din na bumukas ang ilaw..
Ang lawak ng space...
Sa isang gilid, may isang sliding door,ini-slide ko ito..
Lagayan pala ng mga damit,..
At mga accessories...
Muli ko nalang sinara ito at tumingin ba sa ibang side ng room..
Anlawak naman dito...
Perfect room para sa gagawin kong trabaho...
Lumabas ako ng silid na iyon,at tumungo muli sa may mainroom...
May pinto pa pala..
Binuksan ko iyon at,
veranda ang bumungad
Malamig ng simoy ng hangin ang sumalubong sakin...
....
Nakaharap ito sa magubat na lugar....
Kitang kita mula dito ang mga kakahuyan at malawak na kabundukan...
Nahumaling nanaman ako sa kagubatan...
Ewan ko ba..
Bata palang ako,mahal na mahal ko n ang kalikasan,
Tuwing may pinuputol na puno,agad akong naaapektuhan at nalulungkot...
Madalas din na kausapin ko ang mga puno at mga hayop.
At dahil doon,nilalayuan ako ng mga tao.
Dahil isa daw akong baliw...
Madalas din ang paglipat lipat ng bahay...
Dahil din doon.
What a life,pero sa tingin ko magtatagal ako dito,this time...
Malayo ako sa mataong lugar...
At likuran ng bahay ko,ay kagubatan......
Sure thing wala nang mangugulo sakin...
Dumako ang tingin ko sa malaking puno...
Napakaraming nitong fireflies na umiikot doon...
May nakakuha ng atensyon ko dalwang kakaibang laki ang firefly...
May hari at Reyna kaya ang mga fireflies???
Sobrang ko itong tinitigan,ng biglang namatay sindi ang mga ilaw nila ng sabay...
Ito siguro ang mga sinasabi nilang bantay ng kalikasan...
Napangiti nalang ako...
At pumanhik nalang ako papasok saking kwartong napili...
Hindi pa man ako nakakapasok ng silid,
May isang alulong ,ang nagpatigil saking pagkilos...
Ano yun??
Muli pa akong humarap sa veranda,para tingnan...
Inilibot ang akong paningin,ngunit wala akong nakita..
Sa alulong nito,parang ang lapit lang sakin ang distansya...
Ipinag sa walang bahala ko nalamang ang aking narinig,at binigyan pa ng isang tingin ang dalwang fireflies na malaki....
Saka ako pumasok sa aking silid..
BINABASA MO ANG
Into The Forest (BXB)
Hombres LoboLakad takbo na ako sa paghahanap ng daan pabalik sa aking bahay... sobrang damo at matatayog na puno lang ang nakikita ko... nasaan na ba ako?? kanina lang nasa likod lang ako ng aking bahay na konektado sa kagubatan... at mukhang napalayo ata ako...
