His Mission

802 46 0
                                        

"Caliv Pov"

Masamang nakatingin siya sa akin...Na hindi ko magawang makapag isip ng ayos

Naririto ako silda ng mga taong lobo..
Hindi ko inakala,sa tanang buhay ko na hindi gumawa ng pagkakamali at kasamaan ,makukulong ako sa dahilang misyon na ipinagkatiwala sa akin...

Hindi ko alam na sa ganito pa ako nakakaranas ng ganito.

"Titingin ka lang ba sa akin..o mag sasalita ka na"
Tama nga si Guro,may makakasalubong akong mga halimaw sa aking misyon.

"Alam kong kilala mo na ako ng mag mulang mag kita na tayo doon ..at napagbigay alam ko narin na may misyon ako ..

Pero noong una,hindi ko na intindihin na bakit ako napatigil dito sa inyong pack...

Ngunit,nong nakaraang mga araw ... naintindihan ko na kong bakit ako nandito.Dahil ang Luna na tinutukoy ng aking Guro ay mismong si Luna Kaizen.".

Umungol ito kaya napatigil ako....agad din namang
Iniwas ko ang tingin ko para maituloy ko ang aking sasabihin

"Ang aking Guro ay isang , mangkukulam..Na minsang hiningian ng tulong ng hari ng bampira,hiniling niyang bigyan buhay muli  ang kanyang kabiyak na reyna ng mga bampira na si Reyna Aisan.

Ilang taon na ang nakakalipas ng pumanaw ang reyna,..

Dahil may malaking utang na loob ang aking guro sa hari ng bampira
Gumawa si Guro ng paraan para matupad tulad ng nais ng hari,pero hindi naging madali ang lahat...

Lahat ay may kapalit na kabayaran..

Nakita ng guro ko na mabubuhay siyang muli,ngunit sa ibang katauhan..

Bilang kapalit ng lahat ng muli niyang pagkabuhay,hindi na muling magiging sa hari ang reyna..
Dahil sa pag kabuhay ng reyna ... magiging mate niya ay ibang nilalang.."

Tumingin ako sa Alpha
"At ang ikaw iyon..Alpha ng mga taong lobo..at ikaw ang tinutukoy doon..
Si Luna Kaizen ay saiyo,..at tadhana na siya ay mapa saiyo.

Sa mga oras na ito,alam kong nasa kaharian siya ng mga bampira at tulad ng gusto ng hari,mapapasakanya muli ang kayang reyna.. Pero may paraan pa..May oras pa"

"Sabihin mo kong anong gagawin ko..."

Napangiti nalang ako ng nagbago na ang isip niya.. naniwala siya sa akin.

Nawala ang itim na bumabalot sa kanya.

At sa oras na ito...handa na siya

.........

"Kaizen Pov"

"Handa ka na ba?"
Tanong ni Elious

"Amh..oo,nasaan na si Aston?"tanong ko at naglakad na kasabay siya

Patungo kami sa bulwagan ngayon ng kaharian..
May ilang bisita na nanggaling pa sa ibat ibang lugar na ng nasasakupan ng kaharian ng mga bampira..

At ngayong gabi ang pag titipon nila dahil kaarawan ngayon ni Elious ..

"Na una na ang ating munting prinsipe."siya na nakapaskil ang saya sa mukha

Nakaayos ang maganda ang mahaba niyang puting buhok.
May gintong earclip sa kanyang taenga..nakaayos din ang kanyang simpleng korona na bumagay sa kanya.
Nagmistulang lalaking diwata siya sa paningin ko.

Nakita ko ang pag ngisi niya ..

Nahuli ba niya akong nakatingin?

"Bagay na bagay sa iyo ang ayos mo ngayon.. lalo kang gumanda at nakakahalina"siya habang nakatingin sa harapan

Into The Forest (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon