What's happening?

982 54 0
                                    


"Luna Chelsea Pov"

Parang hindi ako makahinga sa ibinibigay na tensyon sa pagitan nina Alpha Lourdrick at itong si Alejandro.

Napatingin din ako sa paligid,nakuha ng nasa paligid ang atensyon namin sa lamesang ito.

Narinig ko ang mindlink ni Tyler.
Ng napalingon ako, patungo na siya sa tabi ko

Marahan niya akong tinayo at itinago sa likuran niya.

Pero gusto kong makita ang nangyayari.Kaya sumilip ako.

Mukhang na ipit sa sitwasyon si Kaizen at hindi alam ang gagawin

Napangisi si Alejandro,at parang tuwang tuwa siya sa nakikita niya.

"Lourdrick,kaibigan... masaya akong makilala ang iyong ,nakakabighaning Luna."

"Bakit ka naririto,Alejandro?"may
Diin na bawat salita ni Alpha
Lourdrick
At hindi na inintindi ang sinabi ni Alejandro

"Hindi ka ba masayang nandirito ako.Sa iyong harap.Hindi mo man lang ba ako babatiin.Sa muli kong pagbabalik?"
Tulad kanina,ganon parin ang kanyang expression

Ngunit walang  nakikitaan ng pagbabago sa kanyang expression ni Alpha Lourdrick.

"Matagal  nang nawala ang mabuting  samahan natin,Alejandro."
Nakikita ko  sa kanya a pagiging kalmado pero at the same time mukhang bigla na lang itong manunugod any minute.

"Ang sakit mo namang magsalita.Hanggang ngayon ba ako parin ang sinisisi mo sa bagay na hindi ko naman  ginawa.?"may himig na nasasaktan sa kanyang tono

"Kong ibang tao ako,sigurado akong malilinlang mo sa iyong mga salita.Pero hindi.Hindi na muli"

Nakita ko ang pagkakayukom ng kamao ni Alpha Lourdrick

Kitang kita rin ang unti-unting pagshi-shift niya.

Lahat kaming naririto tila nag aabang na sunod na mangyayari,wala nais pumagitna sa kanila kong mangyayari man ang inaasahan ko.

Nako,away na ba ito?
Tulad ng eksena sa pinekula.?Pero sabagay magandang may palabas.Minsan lang ako makakapanood ng live.

Ang swerte naman talaga ni Kaizen oh.
Pinagigitnaan ng mga hottie guys.

Pero sino nga ba itong si Alejandro?misteryo parin saakin ang katauhan niya.

Maybe kilala siya ni Tyler
Ask ko nalang mamaya after this.

"Kaizen Pov"

Palipat lipat ang tingin ko sa katabi kong mukhang napipikon na at kay Alejandro

Tumikhim ako.Para mabawasan ang kakaibang tensyon nila binibigay

Sa titigan nila,pakiramdam ko habang tumatagal may hindi magandang mangyayari sa susunod na mga ilang sandali pang lilipas

Unti-unting nagbabago narin ang itsura ni Lourdrick
Baka masira ang pagdiriwang at makagawa siya ng pagsisisihan pag nag tuloy tuloy ito.

At isa pa kong hindi ako makikialam baka,masabi ng ibang naririto na wala akong kakayahan na panatilihing walang kaguluhan dito at mapasunod ang Alpha mate ko.

Sabi kasi ni Chelsea,Kaming mga Luna ay tamer ng mga Alpha.
Kaya tinitingala kaming mga luna na ilaw ng pack .May kakayahan kami para maisaayos ang lahat.

Maraming bisitang naririto baka maging masamang imahe ng pack namin.

"Amh, Alejandro..ikinagagalak kitang makilala, ako si Kaizen.Luna ako ng pack na ito.At siya ang mate ko.Si Lourdrick.Masaya akong nakapunta ka dito."
Agaw ko ng atensyon ko sa kanila

Into The Forest (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon