Run

1.2K 68 1
                                        



"Kaizen!"

"Huh?, Ah..ano yun?,may kailangan ka ba?"
Agad kong sagot na wala sa sarili kay Lourdrick

"Kanina pa kita kinakausap at tila ba, nasa ibang ibayo ang iyong buong kaisipan"sabi niya na nakatingin saaking mga mata..

Sing bilis ng kidlat ko agad iniwas ang tingin ko sa kanya..

"Ahm,pasensya na  medyo masama lang pakiramdam ko."
Pag-gagawa ko ng dahilan..
Ang totoo niyan na bo-bothered ako sa aking nalaman.

Ilang araw wala sa sarili at hindi ko magawang makatulog ng maayos sa gabi..

Parate akong nakabantay sa bawat na oras baka pag hindi ako nag -ingat at naging alerto ,baka sa ano mang sandali,bigla na lamang ako aatakehin ng mga nilalang dito..

Hanggang ngayon bumubuo na ako ng plano para sa pag alis sa lugar  na ito.
Ang dati kong tingin sa kanilang mga  mabubuti, biglang nag iba sa aking paningin...

Tumayo si Lourdrick sa kanyang upuan,lumapit sa aking pwesto...
Akmang hahawakan niya ako ng mabilis akong umiwas agad....

Kita ko sa mukha niya ang pagtataka at nasaktan...
I feel guilt of my actions,but I can't help it..
Tumikhim ako..

"Ah.. pupunta lang ako sa Palikuran."
Agad akong umalis na hindi ko hinintay ang sasabihin niya...


Naghilamos ako para gisingin ang sense sa aking kaisipan..

Matapos kong ayosin ang mukha ko,agad akong bumalik sa opisina..

Pero hindi inaasahan na pagsugod ng isang itim na asong malaki kay  Lourdrick ang agad kong nakita..
Hindi ko maigalaw ang katawan ko sa gulat.

Isang paggalaw ni Lourdrick ang aking nasaksihan ,iyon ang unti unti niyang nagbabago ng anyo..

Gusto kong ipikit ang mga mata ko para hindi makita ang  pangyayari iyon..
Pero hindi ko kaya..

May isang mabilis napag daan patungo sa aking pwesto isang malaking maitim na anino.

Hindi !!!tatama iyon sakin.!

Ipinikit ko ang mata ko,pero ilang minuto ang dumaan wala akong naramdaman,kaya dahan dahan kong minulat ang aking mata para tingnan ang nangyari.

Nakatayo sa aking harapan ang isang malaking aso , nakatingin saakin...
Napaupo ako sa gulat ng napagtanto kong ano iyon..

"P--please hu-huwag mo akong kainin.."nanginig kong sabi

Umangil ito at tumalikod... tumakbo ito at sinugod ang isa pang malaking aso...

Naninigas ako sa aking kinatatayuan,minumura ko na ang sarili ko dahil sa kapabayaan ko.
Dapat akong tumakbo sa mga oras na ito.
Pero buo kong katawan hindi ko magawang igalaw sa takot..

Isang mabilis na paghila saaking kamay ang nagpabalik sa aking wesyo,

"Kaizen,halika.. dilikado dito."

Si Mang Canor pala , napatakbo ako sa paghila niya.

Sira sira ang mga kagamitan na madaanan namin ,nagkalat ang mga sirang gamit ,pero ang nag huminindig ang mga balahibo ko sa kilabot ng makita ko ang mga katulong na wala ng buhay...
Nagkalatan din ang mga dugo at putol-putol na parte ng katawan.
Gustong bumaliktad ng sikmura ko sa kaganapan sa aking harapan..

Ayaw kong tingnan pero hindi ko mapigilang makita ang lahat.

Kung bangungot lang ito,paki usap gisingin nyo ako.!!

Ayaw ko na , please...Hindi ko na kayang tumagal dito...

Ng makalabas kami ng pack house,mga malalaking aso ang sumalubong saamin..
Agad na itinulak ako ni Mang Canor sa likod niya..
Para maprotektahan..

"Kaizen,makinig ka.tahakin mo ang daan patungo sa ating tahanan.
Ligtas ang daan doon.May bantay na proprotektahan ka.Susunod ako agad ako sa iyo.Pagtapos nito.

Ito,kunin mo.ikaw lang may Kakayahang gamitin ang bagay na ito..."

Agad kong kinuha ang sinasabi niyang bagay na may balot ng tela.
Ng tingnan ko ito.
Ang kalawanging espada pala.
Na noon ay ginamit ko na.

"Pero pano po kayo.Hindi ko kayang iwan kayo dito."

Umiling ito.

"Hindi,mas panatag ang kalooban ko kong nasa tahanan ka ngayon.Kasama  ang Ina at kapatid mo."

"Pero---"napatigil ako sa pag sasalita ng may sumugod na,na agad ding  sinalag ni Mang Canor,gulat na gulat ako..
Ang malaking aso,ay sinuntok ni Mang Canor ,sa lakas nito.Tumilapon siya sa malayo at tumama sa isang punong Kahoy na agad kinawala ng malay ng malaking aso.

"Sige na. Umalis ka na"
Wala akong sinayang na oras,tumakbo ako ng tumakbo,

Wala akong dapat ipag alala,dahil malakas si Mang Canor ,...



....

"Ina!"
Sigaw ko matapos kong buksan ang pintuan ..

"Anak,halika dito.Bilis !!"
Hinila ako ni Ina,papasok sa bahay..
Dali daling. Binuksan ang sahig,at doon may daanan papuntang baba,tulad ng basement...

Ng makababa kami,sinaraduhan agad ni Ina ang pinto pababa,..
Nilock at dumiretso kami Pababa pa.

Madilim pero sa tulong ng mga ilaw ng sulo,nakikita ko ang paligid..

Parang tunnel ,pero simintado ang pader. Sa bawat gilid nito,may ilaw na apoy...

"Anak halika..Nag hihintay sila sa dulo..

Sumunod nalang ako,..

Ilang pag minutes ang lumipas,nakarinig ako ng iyak ng bata at nag uusap..

"Kuya?!, masaya akong maayos ka."Luciana

Niyakap niya ako ng mahigpit.Hindi ko alam kong yayakap din ba ako o itutulak siya..
Dahil hindi sila tao,..nasasaktan din akong isipin na mabubuti sila pero paano ko pakikisamahan sa ganitong marami akong nalaman.

"Anak,?may problema ba?"
Ina

"W--wala po."agad kong sagot..

"Kuya,napansin kong kanina ka pa tahimik.May nangyari ba?"Luciana

Tiningnan ko lang siya at iniwas ang t ingin.

"Kaizen,sabihin mo anong bumabagabag sa iyong isip,dahil ba ito sa labas?"bakit ba ganito siya .bakit ang bait niya na pati pag sinubukan kong nag sinungaling lagot na ako.

Bumuntong hininga ako,i give up.
Bahala  na akong anong mangyari,hindi ko na kaya.

"Hindi po kayo tao"diretso kong sabi.

Narinig ko ang pag singhap ng iba na kasama namin sa bagong lugar na ito.

Nakalimutan kong malakas pala pandinig nila..

Natigilan si Ina..

"Kuya.."rinig kong mahinang pagtawag ni Luciana

"Gusto kong malaman...kaya sabihin nyo na.Mababaliw ako sa lugar na ito,kung walang mag papaliwanag sa mga kaganapan dito."

"Pa--paano mo nalaman iho."ina

"Ilang araw narin ang nakalipas.. aksidente kong narinig ang mga taong nag uusap sa pack house."

Pansamantalang natigilan siya at halatang nabigla sa sinabi ko..
Nangungusap na mata siyang nakatingin saaking mga mata.

"Oo,hindi kami tao.Pero--.. pangako iba kami sa mga lumulusob na taong lobo dito sa aming lugar.Hindi kami katulad nilang uhaw sa dugo at territoryo.Maniwala ka anak"


Hindi ko alam ang dapat sabihin kahit pag iisip at kalooban ko naguguluhan.


"Nag sasabi si Ina ng katotohanan kuya,Kung may masama kaming intensyo sa iyo, di ba dapat nong una palang may ginawa na kaming hakbang upang  gawan  ka ng masama.Mabubuti kaming nga taong lobo dito sa mundong ito.Inaamin ko may masasamang taong lobo.Pero mas marami parin saamin ang may kabutihan sa aming kalooban."
Luciana













Into The Forest (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon