"Magandang umaga",bati ko Kay Lourdrick na naka upo lang sa isang silya.
Anong oras ba ito nakauwi? hinihintay ko pag -uwi niya kagabi pero di siya umuwi
At ngayon pag gising ko,nandito siya sa isang upuan.
Tahimik at nakatingin lang sa sahig.
Bahagya pa siyang nagulat sa pagbati ko.
Tumingin siya saakin.At ang Pula ng mata na parang di nakatulog ng matagal na oras.
Tapos parang nakainom na iwan.
"Ayos ka lang ba?"muli kong tanong
At dumiretso na ako sa kusina para nagtimpla ng mainit na kape.
Dinalwa ko na ang hinanda ko.
Tag isa kami ,pagod siguro siya.Baka nag ronda na naman sila kagabi.Normal lang na gawain nila iyon eh.lalo na at may mga rouge na nakakalat sa kagubatan.
Ng matapos kong itimpla agad kong dinala sa kanya ang kanyang kape.
Tinanggap naman niya iyon at ako umupo sa bakanteng upuan.
Tahimik na umiinom ng kape.Masarap talaga kape nila dito.Gawa sa buto ng kape tapos dinudurog at pinapakuluan sa mainit na tubig.
"Napag isip isip ko na ang mga sinabi mo kahapon."sabi ko at patuloy na sumimsim ng kape
Nakatingin lang siya sa akin
Bakit ba ganyan siya makatingin.?
Pwede ba wag niya akong titigan ng ganyan.Nakakailang..
Nakita ko ang pag tungo niya at parang di mapakali
"Alam mo marami akong naisip kahapon.Hindi ko ito mundo at lalong naguguluhan pa ako sa aking nalalaman dito.
Dagdagan pa ng dilikadong rouge .
Pero,alam mo naisip ko rin ang mga masasayang nangyari dito.Ang mga nakilala ko at mga naging malapit na saakin.Sabi ko sa aking sarili kong pag ba ako naka uwi na sa aking mundo , magiging masaya pa ba ako tulad ng nararanasan kong kasiyahan dito?"
Sa sinabi ko muli siya tumingin saakin
Parang hinihintay ang susunod kong sasabihin
"Pero isa lang ang sagot ng aking mga katanungan,at iyon ay hindi.Hindi ko kaya...
Hindi ko kayang iwan si Gabriel,sina Luciana at mga taong nakatira dito.
Pakiramdam ko tatraydorin ko sila sa pag alis ko.
Oo..... kaya hindi ako aalis at tatanggapin ko ang pagiging Luna ng pack na ito.Iyon ang sagot ko.Sa katanungan mo."
Sa pag kasabi kong iyon.
tumayo si Lourdrick at mabilis akong niyakap..
Nabitawan ko tuloy ang tasa ko sa gulat..
Pasalamat siya at wala saamin ang nabasa ,dahil mainit iyon.
Nanginig siya., dahan-dahan ko nalang na hinaplos ang likod niya..
Naramdaman ko ang pagbasa ng balikat ko..
Ang lakas din ng tibok ng puso niya...
Umiiyak ba siya??
Bakit parang nahahawa yata ako sa reaksyon niya.
Langya!!
Umiyak lang siya ng umiyak ng tahimik,na ganon ang position namin..
Wala siyang sinabi o umimik,Pero ramdam ko ang pagkawala ng dinadala niyang mabigat na nararamdaman.
Totoo pala ang sinabi ni Gabriel,hindi nga maipinta,dahil di ko naman nakita.
Ha hahaha..
Hinayaan ko nalang siya,hanggang sa siya na ang bumitaw,dahil narinig namin ang pagbukas ng pinto,..
Gising na si Gabriel..
Wala pa akong nalutong agahan eh..
Ng makapagluto na ako..
Sabay sabay kaming kumain,sa lamesa..
Makulit na nag kwekwentohan kami ni Gabriel.
Nakikisibay din sa usapan si Lourdrick.
Kung ikukumpara at titingnan kami ngayon.Kami ang picture ng isang masayang pamilya.
BINABASA MO ANG
Into The Forest (BXB)
Kurt AdamLakad takbo na ako sa paghahanap ng daan pabalik sa aking bahay... sobrang damo at matatayog na puno lang ang nakikita ko... nasaan na ba ako?? kanina lang nasa likod lang ako ng aking bahay na konektado sa kagubatan... at mukhang napalayo ata ako...
