Family

1.2K 69 3
                                        



"Pakiusap kuya,Kumain ka na.Hindi tama ang ginagawa mo sa sarili mo."

"Hindi,kayo na ang kumain ..Hindi ako nagugutom.Mas Kailangan nyo yang pagkain kaysa saakin.Alam kong nagugutom na ang iba nating kasama dito.Kaya ibigay mo nalang sa kanila iyan."

"Pero--"

Napabuntong hininga na lamang ako.
Kinuha ko ang hawak niyang pagkain,at lumapit sa mga nagkukumpulang mga maliliit na bata,tahimik lang sila pero alam ko nagugutom na sila.

"Mga bata,kain kayo."lumapit saakin ang isang batang lalaki,kaya umupo ako sa sahig.Para mabigay sa kanya ang pagkain.
Ng kumakain na siya.Hinimas ko ang ulo niya.Ang cute na bata.ng tiningnan ko ang ibang bata,nakatingin sila saakin.Kaya tinawag ko ulit sila.

At natawa ako ng biglang tumakbo sila saakin...

Buti nalang kasya ang pagkain..

Narinig ko ang tawanan ng ilang mga kasama namin dito.

....

Matapos nilang kumain,nakaupo parin ako sa sa sahig.
Hindi ako makaalis paano..napapalibutan ako ng mga bata.may nakaupo saaking hita,

"Mga bata,gusto niyo ba ng kwento "

"Opo,Luna."sabi ng batang si Gabriel,siya ang unang batang lumapit saakin.

"Sige,ganito...may Kwento ako."
Tumikhim muna ako.
At tiningnan kong talagang nakikinig nga sila.

"Noong unang panahon.May isang batang lalaki ang masayang masaya naglalaro sa isang parke,kung saan palaruan ng mga batang tulad ninyo.,"

"Wow may ganon palang lugar"singit na sabi ni Josh

"Oo,mayron nga.itutuloy ko na ba ?"
Tanong ko ng may ngiti sa labi

"Ikaw naman kasi Josh eh..Huwag kang bigla biglang nagsasalita,"

Natawa ako bigla.

"Yun na nga , masaya siyang naglalaro,nakasakay siya sa duyan. Habang dinuduyan siya ng kanyang ama.Nandon din ang kanyang ina na nag hahanda ng kanilang tanghalian.
Pinapanood niya ang kanyang mag ama,..
Ang araw na iyon pinaka masayang  araw para sa kanya.
Dahil kaarawan niya,at kumpleto ang kanyang magulang sa araw na iyon.Madalas kasi...walang oras sa kanya ang mga magulang niya dahil abala sila sa kanilang trabaho."

Panandalian akong napatigil...ng may naalala .

"Tapos ano pong nangyari?"
Sabi ni Atalya.

"Ang kasiyahan ay may kapalit,ang kasiyahan ay may kambal na kalungkotan."
Sabi ko ng nakatungo..

"Hala...anong ngyari.. malungkot po yata ang kweninto niyo."

"Ha..ha..mukha nga paano mo nalaman"tawa ko ng peke.

"Shhh...wag kayong maingay..paano natin malalaman ang kwento kong nakakausapin nyo ang Luna."
Saway ni Liny.

"Binilhan ang batang lalaki ng mga bagong laruan at magandang damit.Kumain sila ng tanghalian ng masarap at nag kwentuhan ng masasayang bagay...

Natapos ang maghapon ng puno ng kasiyahan...

At hiniling ng batang lalaki na sana hindi na matapos ang araw nilang iyon.
Dahil alam niya,pag natapos na ang araw na iyon..babalik na sa dati ang lahat ,kung saan wala na namang oras ang mga magulang niya sa kanya.

Kaya naisip niyang dahil naman na mawawalan na naman sila ng oras sa kanya....huling ulit ang bata na pumunta sila sa tabi ng dagat upang manood ng pag lubog ng araw...

Pinagbigyan siya ng kanyang mga magulang,
Pero habang ,patungo sila sa lugar ng dalampasigan,may dalwang taong nag aaway,
Na may hawak ng patalim ..

Dahil Likas na matulungin ang ama ng batang lalaki,pumagitna  siya sa nag aaway,kakausapin niya sana ng maayos para maitigil ang away...
Pero nagkamali siya.."

Tiningnan ko ang mga bata... tahimik silang nakikinig ,at alam kong nakikinig din ang mga kasama namin..


"Sa hindi inaasahang pangyayari , aksidenting ang ama ng batang lalaki nasaksak ng patalim,Ang dalwang nag aaway,ay tumakbo paalis at iniwan ang mag anak na hindi alam ang gagawin.

Tumawag ng tulong ang Ina ng bata,at swerteng may tumulong sa kanila agad.

Walang nagawa ang batang lalaki kundi ang umiyak ,narinig niya ang pag iyak ng kanyang ina,.

Alam niya ang nang yayari sa paligid,at Natatakot siya ..

Pinatatahan siya ng kanyang ama na nakatingin sa kanya..
Nakangiti ito na para bang walang iniindang sakit.

May sinabi ang kanyang ama sa kanya, at tumatak iyon sa isip ng bata.
Yumakap ang batang lalaki sa kanyang ama..

Sinisisi ng batang lalaki ang kanyang sarili kung hindi sana siya humiling na pumunta sa dalampasigan sana hindi iyon ngyari sa kanyang ama.

Habang nasa daan patungo sa pagamutan,isang malakas na pag sabog mula sa sasakyan na malapit lang sa sasakyan ng batang lalaki..

Hindi alam ng batang lalaki ang ngyari ,ang huli nalamang nakita niya ang pag apoy ng kanilang sasakyan,
At doon dumilim ang paligid niya..."


Narinig ko ang pag singhot ng ilang mga bata..

"Nakakalungkot naman pong kwento"sabi ng isang bata

"Tapos na po ba?,ano pong nangyari sa bata ?"Gabriel



"Buhay siya..at hanggang ngayon...nakikipag sapalaran parin siya sa takbo ng kanyang buhay."
Sabi ko.

"Hay,buti nalang po at buhay siya.. Masaya po akong malaman na buhay siya.Pero paano po ang magulang ng bata?nakaligtas po ba sila?"

"Nakakalungkot sabihin pero,hindi eh..."

"Kawawa naman ang batang iyon,Sana malagpasan niya ang kanyang suliranin sa buhay."
Sabi ni Liny.

Sana nga bata...dahil malapit  na akong sumuko.












Into The Forest (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon