Ang sarap ng pakiramdam,
Uminat pa ako ,bago ako umalis sa higaan.
Ng may pumigil para gawin iyo.
Nanlaki ang mata ko sa gulat,nagising ang buo kong utak,
Agad kong tiningnan ang dahilan..
Isang matipunong baraso ang nakaikot sa aking baywang...
Dahil nakatalikod ako,hnd ko alam kong sino ang may ari.
Humarap ako sa may-ari ng braso.
S--si Lourdrick?anong ginagawa niya dito sa kwarto ko???!!
Unti-unting nagmulat ang mga mata nito.
Sinalubong ang tingin kong gulat...
Ngumiti naman ito sakin,na parang walang nagawang nakakahiya..
"Magandang umaga,mate"
Bagkos na tanggalin niya ang brasong nakayakap sakin,lalo pa itong humigpit at inilapit pa ako nito sa kanya.
"A-anong ginagawa mo dito, Lourdrick?"tanong ko sabay tulak ko sa kaniya...
"Silid ko ito,at maging iyo na rin."
"Huh?,hindi kita maintindihan,at kung pwede,
pweding Tanggalin mo ang braso mo"sabay layo ko ulit sa kanya..
Pero ako lang naman nahirapan palayuin ang distansya naming dalawa.
Hindi ko man lang kasi magawang Tanggalin ang pagkakayakap nito sakin..
Tiningnan ko siya ng may pagkaasar...
At lalo lamang akong nainis ng makitang nakangiti ito.
"Ano bang ginawa mo,bitawan mo ako.Kanina pa ako na-iihi "
Yun nalang sinabi kong dahilan..
Ayaw ko namang bastosin siya,
at ayaw ko ding sabihan siya ng kung anu-ano,dahil tinulungan niya parin ako kagabi..
"Halika ,sasamahan na kita"
Ano daw?
Hay bahala siya..
Parehas naman kaming lalaki kaya ok lang.Walang malisya yun.
Ayos ang bahay na ito..
Hindi gawang kahoy at kawayan... Sementado lahat...
Pero makakita mo talaga ang pang ka sinaunang style ng design.
Pero hindi mo makikitaan ng kalumaan ng kagamitan o pader man lang nito.
Sobrang linis din ng paligid..
"Mate,tapos ka na ba?"
Katok nito sa pinto.
"Oo tapos na,sandali lang"
"Kailangan mo ba ng tulong?"
"Hindi,ayos lang,kaya ko na"
"Pero may sugat ka pa--"
Hindi ko na siya pinatapos
Lumabas na ako ng comfort room.
"Salamat sa pag-aalala mo,pero ayos na talaga ako."
Tumango nalang din ito at ngumiti...
"Mate,ito kumain ka pa,gulay pa para lumakas ka..
Kumain ka din nitong prutas,masarap yan..
Ito pa karne,at ito pa at--"
"Wait,Sandali..ako na..
alam kong masarap lahat yan.At salamat sa pagkain na inaalok mo.
Pero huwag mo ng punuin ang plato ko..tinggnan mo ,umapaw na tuloy"
Ngiti kong sabi dito.
Nasa hapag kainan kami ngayon.
Napakaraming nakahanda sa mahabang lamesa.
At kami lang dalwa ang naririto upang kumain.
Sobrang excited siya kanina.
Akala ko gutom lang siya.
Hindi ko siya maintindihan parang batang makulit na nakulong sa malaking katawan.
Tapos ngayon nilagyan niya ng nilagyan ang plato ko ng kung anu-ano.
At sobra akong thankful syempre kaysa naman sa naranasan ko last day.
Naligaw na ,nagutom pa.
Naawa talaga ako sa sarili ko..
"Mate,mamaya dadating sina Delta Canor kasama sina Rossana."
Napatigil ako sa pag subo ng kutsara.
"Talaga.?Kung ganon makakauwi narin ako"
Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi ko.
"Anong ibig mong Sabihin mate?"
"Sabi kasi ni Ginang Rossana,sasamahan niya ako kay Alpha.
Para makabalik na ako saamin.Siya lang daw makakapaghatid sakin palabas ng gubat"
"A-ano? Hindi pwede,dito ka lang ...bawal kang lumabas ng gubat,lubhang dilikado doon.
Wala pang nakakalabas ng kagubatan."
Anong walang nakakalabas ng gubat.
Dahil ba sa malalaking aso na nakasagupa ko kagabi?
Paano na ako makakauwi kong ganon??
"Mate,makinig ka..marami ng nagtangkang lumabas ng kagubatan,..pero ni isa walang makalagpas doon...
Ang lahat ng sumubok,kung hindi babalik ng bigo ay babalik na bangkay na lamang ang mga ito.
Minsan hindi na nakikita ang mga katawan nila.
Kaya paki-usap ,makinig ka..
Manatili kana lang dito.
Ligtas ka dito sa aming lugar.."
"Pero,paano ang buhay ko doon...?
Basta ko nalamang ba hahayaan na hindi ako maka-uwi?
Kailangan kong subukan,Lourdrick..
Tulungan mo ako."
Umuling nalang ito..
"Pasensya na mate,pero hindi pwede.
Kahit gustuhin kong tulungan ka,hindi maaari."
"Kung ganon,hihintayin ko nalang sina Ginang Rossana,para samahan ako kay Alpha,baka siya matulungan ako."
Magsasalita na sana si Lourdrick ng may nag salita rin.
"Magandang umaga ,Alpha ..at saiyo din Kaizen"mang Canor
"Mang Canor,kayo pala."tumayo muna ako bago lapitan siya.
Pero napa-isip ako
..
Kami lang ni Lourdrick ang nandito.
Kaya paano nandito si Alpha.??
Binaliwala ko muna ang narinig ko.
Baka lang naman kasi pinaglalaruan lang ako ng pandinig ko.
Pero agad akong hinawakan sa kamay ni Lourdrick,para pigilan tumayo..
Kaya naupo na lamang ako.
"Ituloy mo nalang pag kain mo,mate
Kaunti palang nakakain mo"
"Oo nga , Kaizen.
ituloy mo namuna pagkain mo"
Tumango nalang ako,at dali-daling kumain,gusto ko ng makatapos kumain para makausap ko si Mang Canor.
Matapos kumain..agad kong inayos ang kinainan kong plato.
Maging si Lourdrick tapos narin..
Hinintay ko lang na tumayo siya.Para makaalis narin ako.
Ng tumayo ito.
Agad kong binitbit ang pinagkainan ko.
"Teka mate,saan mo yan dadalhin?"
Nakatingin pala ito sa aking hawak..
"Sa hugasan"maikli kong sagot.
"No,iwanan mo na dyan.Ang mga kasama ko sa bahay ang bahala mag ayos"
"Pero ako ang kumain eh,At isa pa sanay akong mag hugas ng pinagkainan ko"
"Sige na iwan mo na yan,Kaizen"sabi ni Mang Canor,na kakapasok lang muli sa dining room...
Nagkape lang ito kanina.Habang kumakain kami.Inalok naman ito ni Lourdrick,pero tumanggi ito.
Bumalik ko nalang sa lamesa ang plato ko.
At pumunta sa pwesto ni Mang Canor..
"Nasan po si Ginang Rossana?"tanong ko dito.
"Hindi siya nakasama , dahil sa in-aasikaso niya si Luciana"sagot ni mang Canor.
Anong nangyari??nakasugapa narin ba niya ang malaking aso na iyon habang wala akong malay,
Pero sabi ni Lourdrick,nasa magandang kalagayan sina aling Rosanna.
"Ano pong nangyari kay Luciana?"
Agaran ko ding tanong
"Nasugatan siya mula sa kanyang kutsilyong pilak.Hindi naman ganon kalala,gagaling narin siya,Kaizen"
Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ang sinabi niya.
Buti naman kung ganon...
BINABASA MO ANG
Into The Forest (BXB)
Hombres LoboLakad takbo na ako sa paghahanap ng daan pabalik sa aking bahay... sobrang damo at matatayog na puno lang ang nakikita ko... nasaan na ba ako?? kanina lang nasa likod lang ako ng aking bahay na konektado sa kagubatan... at mukhang napalayo ata ako...
