Nakatulog siya sa kama...wala siyang sinabi kahit isang salita mula kanina ng kuhanin ko siya sa halamanan.
Kaya naiisip ko kong isa ba siyang walang kakayahan makapagsalitaHinaplos ko ang buhok ng batang mahimbing na natutulog.
Napatawa nalang ako ng mabilis na tumaas ang kamay niya at hinawakan ang kamay ko.
At niyakap.."Nakakatuwa ka naman..ano kaya ang pangalan mo?"
Malamig na kamay ang pumatong sa balikat ko
"Aston"isang tinig na nag mula sa likuran koNagitla pa ako ng bahagya dahil doon
"Elious!"mahina at pasigaw ko
Narinig ko pa ang pagtawa niya
"Ginulat mo ako.."sabi ko ng napapahiya
"Pasensya na."sabay tawa ulit
"Ano bang ginagawa mo dito?"tanong ko.
"Bawal ba akong pumasok dito?"
"Oo"
Sagot koPalibhasa,hari ang alam niya ay batas niya ang lahat.
"Anak mo ba siya?"tanong ko
"Paano mo nasabi?"siya.
"Dahil kahawig mo siya"sagot ko
Umalis na siya sa likod ko at
Naglakad siya pumunta sa kabilang side ng kama."Tama ka,...anak ko nga siya.."Sabay haplos ng mukha ng bata gamit ang likod ng palad niya
"Masiyahin siyang bata... nakakalungkot dahil sa pagkawala ng aking Beloved..nawala ang sigla niya...."
Hindi ko alam ang sasabihin pero ang alam ko,sa mundong ito.
Ang mawalan ng kabiyak sa buhay ay parang tinanggalan narin ng kalhating buhay .
At alam kong hindi madali para sa kanya at sa bata...
Bigla pumasok sa mukha ko si Lourdrick...ganito rin ba ang nararamdaman niya dahil sa pag layo ko.
"Maaari ko bang malaman kong anong nangyari sa Beloved mo?"bigla kong tanong
Napatingin siya sa akin dahil sa sanabi ko.
"Hindi ko alam kong paano sisimulan..."
"Naiintindihan ko"sagot ko
Hindi pa niya kaya ..
At isa pa,wala ako sa lugar para alamin pa ang lahat sa kanya.Napatingin ako sa bata,ng humigpit ang yapak niya sa kamay ko.
Narinig ko ang pagtawa ni Elious,..
Hindi ko alam kong gaano kahirap ang mamuhay ng tulad nilang nakakaramdam ng matinding damdamin para sa kalahati ng buhay nila.
Pero sa nakikita ko ngayon....Mahal na mahal niya ang batang nandito sa tabi namin..
"Elious.."tawag ko
"Hmm?"tanong niya
Pero nakatingin siya sa bata"Pwede mo na ba akong pabalikin..?"
Sing bilis ng kidlat siyang tumingin saakin
Ang mata niya ,naging matingkad na pula bigla at ilang saglit lang naging normal itong tulad ng dati.
"Kong hihilingin ko bang ,huwag ka ng bumalik doon.Papayag ka??"tanong niya na ikinabigla ko
Umiling iling ako
"Nandon na ang tahanan ko.At nandoon din ang mate ko na si Lourdrick.
Alam kong tulad mo ay may puso din.Hindi ako naniniwala na wala kang puso tulad iniisip ng marami.Sa pamamalagi ko dito ng ilang araw sapat na iyon para sabihin kong hindi ka masama.
Kaya alam kong naiintindihan mo ako. "Nakakatitig lang siya na na supresa sa mga sinabi ko..
"Gusto kong sumama ka saakin..may nais akong ipakita sayo."
Hindi ko na mabasa ang ikinikilos niya..
Biglang naging malamig ang kanyang mata......
Napaatras ako ng bigla tinanggal nya ang taklob nang tela sa isang painting na malaki.
Nakilala ko agad ang tatlong taong nakapintang imahe doon.
Nandoon si Elious ,si Aston at ang huli .....Ang mukha ko....???
Tinitigan ko mabuti baka naman nagkakamali lamang paningin ko.
Kinusot ko pa ang mata ko nagbabakasakaling luminaw ang mata ko.
Pero sa pag mulat ko ulit...
Napaatras na ako ng ilang hakbang.."Siya ang aking beloved,na si Aisan"sabi niya
Paanong nagyari ito??
May kamukha ako at iyon ang kanyang beloved..."Bakit kamukha ko siya??"wala sa sarili kong tanong
"Dahil ikaw siya...Ikaw si Aisan.."napalingon ako at hinarap siya.
Lalo akong naguluhan sa pangalan na binanggit niya.
"Aisan.."pamilyar ito alam kong narinig ko na iyon .
"Ikaw si Aisan ang beloved ko na nawala sa akin.At si Aston anak natin siya."
Siya na ikinawindang pa lalo ng aking buong isipanUmiling iling ako para sa sabihin na mali siya
"Elious,makinig ka... Kaizen ang pangalan ko .At hindi ako ang sinasabing mong si Aisan na iyong kabiyak.Nag mula ako sa mundo ng mga tao .At iyon ang patunay na hindi ako siya.Pasensya na pero nagkakamali ka."
Anlakas ng tibok ng puso ko..Dahil sa mga naririnig ko.
Hindi ako sanay ng ganito.Impossible talaga kasi ,hindi ako yun eh.Kilala ko ang sarili ko .
Kaya hindi ako pwedeng magkamali"Ang tulad naming mga bampira ay hindi pwedeng magkamali .
Nararamdaman ko ...dito na ikaw si Aisan"tinuturo niya ang dibdib na sa tapat ng puso niya."Paano mo mapapatunayan..?"
"Dahil sa amoy ng dugo mo.at Ang tatak na iniwan ko sa iyo nang una mong buhay na naririto ka."
"A--anong ta--tatak sinasabi mo?"nagsisimula na akong mabahala sa mga naririnig ko.
"Ang iniwan ko bilang isang pag iisang dibdib natin bilang kabiyak ay nakatatak sa iyong pulsuhan."
Agad na mabilis kong tiningnan pulsuhan ko.Anong marka.??
May isa aking balat sa pulsuhan na hindi ko mawaring shape.
Pero alam ko ,noong bata pa ako mayron na ako noon.Lumapit siya sa akin.
At hinawakan ang kamay ko..Itinaas niya ang kanyang kamay at inilapit ang pulsuhan niya..
Lalong nanlaki ang mata ko..
Pinaglapit niya at may nabuong marka.At pamilyar iyon.. tiningnan ko ang markang nasa kwintas na suot ng beloved niya sa painting..Nag tugma ang lahat...
"Ngayon ,may patunay nag sinasabi ko.Naniniwala ka na ba saakin.?.."malungkot ang kanyang mga mata
Na nag hahanap ng kasagutan at pag asa."Elious,hindi ko alam ang sasabihin...."
Hindi ko talaga alam ang sasabihin..Ako ang beloved niyang nawala sa kanya ...
At anak ko si Aston.....?Ano ba itong nangyayari sa akin..
Gulong gulo na ang buo kong isipan.. andaming inpormasyon na nabubunyag ngayon at hindi ko alam paano makikisabayHindi ba tao ako??bakit ganito nalang nangyayari sakin ng mapunta ako sa mundong ito..
At higit sa lahat..
Kong beloved niya ako...Paano si Lourdrick????...
Anong gagawin ko?!

BINABASA MO ANG
Into The Forest (BXB)
Hombres LoboLakad takbo na ako sa paghahanap ng daan pabalik sa aking bahay... sobrang damo at matatayog na puno lang ang nakikita ko... nasaan na ba ako?? kanina lang nasa likod lang ako ng aking bahay na konektado sa kagubatan... at mukhang napalayo ata ako...