Sa pamulat ko,isang pigura ang papalapit saakin.
Mabilis itong kumilos at ng makalapit sakin,
Hinigit niya ang kamay at hinila ako paahon.
Habol hininga ako para makakuha ng hangin.
Saglit lang naman ako sa ilalim,pero bakit parang sobrang mauubusan na ako ng hangin.
Inubo ako ng inubo dahil sa nakainom ako ng tubig.
Ang sama ng pakiramdam ko..
Buhat buhat niya ako hanggang sa makaalis kami sa ilog,
Ng ibinaba niya ako sa bato,nanginginig siya..at mabilis na
mahigpit niya akong yakap yakap..
"Gusto mo ba talaga akong patayin?,kahit anong parusa tatanggapin ko,huwag lang ganito...
Hindi ko kayang mawala ka.. "
Narinig ko ang pagsinghot niya...parang sinisipon..,pero kasabay ng pa nginginig,.at mabigat bawat pag hinga niya
"Sinabi ko sayo,na huwag mo akong hahawakan diba?"pag papaalala ko.
"Hindi mo ako mapipigilan gawin iyon.,dahil hindi ko kayang gawin ang inuutos mo."
Huminga ako ng malalim sa pakiramdam na bumabalik na naman ang galit ko.
"Lourdrick...Hindi mo ba ako bibigyan ng oras na pag isipan ang mga bagay na bagay na nalaman ko??"
"Hindi mo pinag iisapan ang ginagawa mo?!
Kong nahuli ako kahit ilang minuto... Sigurado----sigurado..."
Natigilan siya sa sinasabi niya at muli humigpit ang yakap niya sakin.
"Alam ko ang ginagawa ko,hindi ko binalak na nagpakamatay.Kong iyon ang iniisip mo.
Gusto ko lang lumangoy."
"Lumangoy?langoy ba ang ginawa mo?muntik ka nang mamatay!"galit na sagot niya
Nag init bigla ang ulo ko.Anong karapatan niyang sigawan ako.!!
Gusto niya yata ako bingihin,walangyang lalaki ito.
Siya na nga ang gumawa ng pagsisinungaling at kalokohan,siya pa ang may ganang magalit!
"Ano bang ikinagagalit mo??Hindi mo ba maintindihan na wala akong plano sa bagay na iyon.!at kahit anong mangyari malayo yun sa inisip mo.
Alam mo...iwan mo ako dito...Mas gusto kong mapag-isa.
Dahil kong tatagal ka dito.Baka lang lalo lamang akong magalit sayo"
"Sa-- sa ganitong sitwasyon,hindi ko magagawa iyon...
Lalo pa,nangyari ito sayo kanina....
Patawarin mo ako
.magalit ka,tatanggapin ko iyon.
Pero ang iwan ka dito,at hayaan ka ...Hindi ko kaya,parusa ang ginagawa mo..
Pagdurusa sa kalooban ko ang isipan ko ang mga oras na dadaan sa mga oras na mag iisa ka.
Hindi ko mapigilang mga idea ang tumatakbo sa isip ko,na baka pag iniwan kita na nag iisa..baka may mangyari..
Mas hindi ko iyon kakayanin."
Pumikit ako,at panandalian na kinalma ang sarili ko.
Hindi tama ang sumabog sa galit,para sa lalaking ito.
Ayaw kong pairalin ang inis kong nararamdaman,at samain pa siya saakin
Tinulak ko siya para mahiwalay siya akin.
Binigyan naman niya ako ng distansya.
Nakatingin siya na nagtataka,pero iiwas ko na ang tingin ko
"Saan ka pupunta?"tanong niya ng tumayo na ako at nagsimulang maglakad
Imbis na pansinin siya at sagutin .?Mas minabuti ko ang dumiretso sa paglalakad.
Rinig ko ang pagsunod niya sa likuran ko.
May ilang bahayan akong nadaanan,at mga taniman...
Malawak na taniman ng prutas at mga gulay.
Maunlad ang lugar na ito,kompleto sa tubig at masaganang pagkain.
Maganda ang lugar at mabubuting tao...
Kaya ...Kaya paano iyon ginawa saakin ni Lourdrick?!
Nakakainis siya...sinira niya ang tiwala ko.
Sobrang ganda ng buhay dito.. nagustuhan ko na ang lahat ng mayron dito..
Saka naman nalaman ko pa ang lahat.
Belong pa ba ako dito???
Ano ba ang dapat kong gawin?
"Alpha!!Luna!! Iwas!!!"isang biglang sigaw ng isang lalaki
Tinuturo niya ang direksyon na sa gilid namin
Agad naman akong napatingin ,
Isang malaking bato ang gumugulong papunta sa aming direksyon.
Maliit na distansya ang layo nito sakin.Pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko para umiwas.
Pag pikit nalamang ng mata ang nagawa ko.
Ilang segundo ang lumipas at wala akong naramdaman na pagtama sakin o sakit na natamo.
Kaya tiningnan ko agad ang nangyari,nanlaki ang mga mata ko sa mga batong nakakalat sa buong paligid,
Pero ang lalong nagpamangha saakin ang taong nakatayo sa harap ko.
Siya ba ang may gawa ng pagkasira ng malaking batong gumulong??
Hindi ako makapaniwala... sobrang laki non.
"Lo--Lourdrick?...ayos ka lang ba???"nag aalangan kong tanong
Humarap siya saakin na may malaking ngiti sa labi
"Oo"maikli niyang sagot
Tumakbo ako sa kanyang harapan,para tingnan siya.baka may malaking sugat siya o malalang nakuhang bali .
Grabe...Hindi ko alam na ..ganon katindi ang lakas nila.
Nakakamangha at ang tibay ng katawan niya
Tiningnan ko nag kamay niya,nakita ko pa ang pulbos ng mga nadurog na bato sa kanyang kamao.
Napasinghap ako sa gulat,..
"Si--sinuntok mo ang bato?"
Wala sa sarili kong tanong sa kanya
Tumango siya para kumpermahin na tama ang hinala ko.
Tumikhim ako...
"Salamat sa pag ligtas mo saakin."
Nahihiya kong iniwas ang tingin ko.kahit may kasalanan siya sakin..Pero pakiramdam ko ,ako ang may mali sa mga oras na ito.
"Kahit ano mang mangyayari handa kong isugal ang buhay ko para sayo.Ililigtas kita sa lahat ng panganib.Pangako ko iyon sayo."
Madamdamin niyang tugon.
Napatulala ako sa kanya... bumilis ang tibok ng puso ko sa oras na sabihin niya iyon...
Hindi mo maintindihan ...may nararamdaman na ba ako sa kanya ?..
Pero lalaki ako at ganon din siya...
Possible ba na mangyari iyon saakin...
Tanggap ko ang maging Luna ng lugar na ito at pakisamahan si Lourdrick bilang Luna ng lugar na ito.
Pero ang planong mahulog sa kanya at makaramdam ng ganito tungo sa kanya, ay kailan man hindi sumagi sa isip ko.
Ano ba ang dapat kong gawin...
Mainit na kamay ang dumampi sa aking pisngi ang napabalik saakin ng atensyon sa kanya.
Nakaharap siya sa akin,at bahagya pa akong napatingala para lang matingnan siya sa mukha.
"Kaizen....maaari bang bigyan mo ako ng pagkakataon na ipaintindi ang buong pang yayari...
Gusto kong magpaliwanag at maayos ang lahat."
Mahina niyang sabi habang nakatingin saaking mga mata na nagsusumamo
Hindi ko alam mong saan ko nakuha ang lakas para tumango tango bilang pag tugon ko.
Tila may komuntrol saakin katawan para gumalaw ng ganon
Gusto kong bawiin ngunit huli na ..Gusto kong sabihin na mali ng ng naikilos ko na imbes na pag iling,tango ang nagawa ko.
Napalitan ng pag ngiti ang kaninang nag aalala niyang expression sa mukha.
Ano ba Kaizen!!ganito ka ba malambot?!
Bakit!bakit ka pumayag...?!
Nakakainis ka....
Wala ka bang utak?!niligtas ka lang niya ,napaamo ka agad niya?!..
Uto-uto ka!!!
BINABASA MO ANG
Into The Forest (BXB)
WerewolfLakad takbo na ako sa paghahanap ng daan pabalik sa aking bahay... sobrang damo at matatayog na puno lang ang nakikita ko... nasaan na ba ako?? kanina lang nasa likod lang ako ng aking bahay na konektado sa kagubatan... at mukhang napalayo ata ako...
